Chapter 11

1.6K 59 9
                                    

>DJ's POV

Siya pa talaga ang may ganang mag walk-out?  Matapos kong makita na magkayakap sila ng ex niya sa mismong loon ng opisina niya,  siya pa talaga ang may ganang magalit?  Umiral na naman ang pagiging maldita ng babaeng yon.

Hindi rin naman ako makapagconcentrate sa trabaho ko kaya napasugod na naman ako ng maaga sa bar ni Quen.  Tinawagan ko rin sila Francis para may makausap naman ako ng matino dahil pag si Quen lang aasarin na naman ako nun.

"Ano na naman bang problema pare?  Ngayon ka lang ulit pumunta dito ng ganito kaaga ah? " bungad na tanong sa akin ni Quen habang paupo ako sa table ng bar niya.

"Eh kasi si Chandy nakita kong magkayakap sila ni Khalil sa loob ng office niya. "

"Naku pare!  Si Khalil?  Diba ex niya yun?  Something's fishy pare! " pang-aasar sa akin ni Francis.  Mukhang nagkamali ata ako na tinawagan ko pa sila dahil sila pa pala ang mang-aasar sakin.

"Shut-up Francis,  walang nakakatawa. " I'm really pissed off this time kaya kahit ang pang-aasar ni Francis ay hindi ko masakyan.

"Chill pare.  Baka may explanation naman si Kath kung bakit magkayakap silang dalawa. Hindi mo ba pinakinggan? " mabuti pa tong si Kristof matinong kausap kesa kay Francis.

"Yun man pala eh. Bat ba kasi inunahan mo ng galit?" tanong uli ni Kristof.

"Hindi ko alam!  Basta nung nakita ko sila parang biglang uminit ang ulo ko.  Ewan ko! " napapataas na ang boses ko dahil hindi ko rin alam kung bakit nagalit ako sa nakita ko.  Mabuti nalang at kami lang ang tao sa bar ni Quen.

"Naku mga pare. Tinamaan na to. " natatawang sabi ni Quen sabay apir aa dalawa.

"Hindi pa ako napaparami ng inum kaya hindi pa ako tinatamaan. "

"Hindi yan ang ibig sabihin namin pre. Tinamaan ka na Kath! " sabi naman ni Francis na ngayon ay nakaakbay na sa akin.

"Pinagsasabi mo?  Ako maiinlove dun?  Naku pare alam niyo naman na si Julz lang diba? " nakatingin ako ngayon sa baso na may lamang alak.  Si Julz lang dapat. Hindi dapat ako mainlove kay Chandy.

"Eh ano yang narramdaman mo pare?  Selos yan hindi mo lang talaga maamin sa sarili mo. "

Hindi ko ba talaga maamin sa sarili ko na nagseselos ako?  Hindi eh,  hindi naman ako nagseselos.  Ayokong magselos dahil alam kong magiging daan yun para mahulog ako kay Chand.  Paano na si Julz pag nangyari yun?  May babalikan pang Daniel si Julz pagkatapos ng deal na to.

>Kath's POV

Matapos kong magwalk-out kanina nagpahangin muna ako sa park at nag-isip ng mga bagay-bagay. Hindi ko naman masisisi si DJ kung nagalit siya dahil alam kong mahal na mahal niya si Julz kaya alam kong ginagawa niya ang lahat para sa deal na to.

Pagbalik ko sa office pinuntahan ko si DJ sa office niya para humingi ng sorry at mag-explain about sa nangyari pero wala siya dun. Tinanong ko naman yung secretaru niya kung saan siya nagpunta pero hindi daw nagpasabi si DJ.

Kanina ko pa siya hinihintay dahil baka bumalik siya para sunduin ako.  Hindi ko dala ang sasakyan ko dahil sabay kaming pumasok kanina. Parang wala na talagang pag-asang magpakita si DJ dito sa office kaya nagtaxi nalang ako pauwi samin.

Pagkababa ko ng taxi nakita ko ang kotse ni Quen sa tapat ng gate namin. Sa bar na naman siguro siya nagpunta para maglabas ng init ng ulo. Pero bakit wala ang kotse ni DJ?  Si Quen ba ang naghatid sa kanya?  Lasing ba siya?

"Salamat naman at dumating ka na Kath. " bungad sa akin ni Quen na nanonood ng tv.  Feel at home siya eh.

"Nasan si DJ?" tanong ko sa kanya na nasa tv parin ang concentration. Malamang basketball ang pinapanood.

"Hinatid ko sa kwarto niyo. Napadami ng inum eh. Ikaw nalang bahala mag asikaso sa ugok na yun. Alis nako baka kasi marami ng tao sa bar." tamayo siya at pinatay ang tv. Tinapik niya ko sa balikat at dumiretso siya sa pinto.

"Salamat Quen. " hinatid ko siya sa pinto.

"Kath,  please pag-usapan niyo ni Daniel ang nangyari ngayong araw kapag hindi na parehong mainit ang ulo niyo. Masyado na kasing komplikado ang mga nararamdaman niyo. " hindi ko naintindihan masyado ang point niya sa huling sinabi niya pero tumango nalang ako at sinarado ko na ang pinto.

Umakyat na ako sa kwarto para magpalir at nakita ko si DJ na nakadapa sa kama. Hindi pa siya nakapagpalit ng office attire niya kaya bumaba nalang ako para kumuha ng tubig at bimpo para ipunas sa kanya.

"Julz. " nanaginip ba siya?  Bakit nabanggit niya ang pangalan ni Julz?

"Julz I'm sorry." kahit ba sa panaginip mo DJ ai Julz pa rin ang iniisip mo?  Hindi ko alam bat parang kumirot ang puso ko ng marinig ko ang pangalan ni Julz.  Grabe ang tindi ng pagmamahal ni DJ sa kanya dahil pangalan pa rin  niya ang sinisigaw nito kahit tulog siya. Hayaan mo DJ konting tiis nalang makakalaya ka rin at sana nga hindi tayo mahirapan sa mga posibleng mangyari.

(AN: Yehey!  Nakapag update rin sa wakas. Salamat talaga sa lahat ng nagbasa ng story ko. Please keep on reading guys,  sama sama tayo hanggang sa ending nito. Salamat rin sa votes at sa mga positive na comments. Wait for my next chapter, hindi ako sure kung kelan basta within this week po. Love you all!)

**okay guys,  i need 1500 reads para ipublush ang next chapter so..  Go read and read..  Salamat

A Deal For 100 Days (KathNiel FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon