Chapter 7

1.9K 59 32
                                    

>Kathryn's POV<

Nagising ako na may kayakap. Ang higpit ng yakap niya sakin. What???? SI DJ pala ang katabi ko kagabi. Oh my gosh! Tumayo ako at diretso sa banyo bago pa siya magising at baka sabihin pa niyang may pagnanasa ako sa kanya ang kapal pa naman ng mukha ng lalaking yun! Ano ba naman to, umpisa pa lang ng araw ko badtrip agad.

Sinigurado ko talaga na matagal ako sa loob ng banyo para kunwari kanina pa ako gising. Baka naramdaman niya rin na magkayakap kami buong magdamag at feel na feel naman niya. Manyak rin ba siya? Sa pagkakaalam ko hindi siya manyak pero ang bastos ng ugali niya. Ano ba to! Bat ba masamang espirito ang sumasanib sa isip ko! Makalabas na nga lang baka tulog pa yun kasi may hangover.

Paglabas ko, hindi ko nakita ni anino ng asungot na yun. Nagsleep walk ba yun? Saan na yun napunta? Hinanap ko sa sulok ng kwarto at sa mga cabinet baka kasi nagtatago at doon napadpad sa sobrang kalasingan. Pagtingin ko sa terrace nandun pala sumisenti.

"Ang ganda ng Boracay no?"  naramdaman niya pala na nasa likod na niya ako.

"Yup. Bat ang senti mo ngayon? Early in the morning emo ka?" pabiro kong sabi sa kanya.

"Hindi ako emo, may naalala lang."  hindi daw emo pero malungkot ang bawat bagsak ng mga salita niya. At ewan ko sa kanya hindi pa nga kami tapos mag-usap about sa view ng Boracay nagwalk-out na kaagad?

May naalala daw siya? Siguro nakapunta na siya dito kasama si Julz at mga memories nila ang naalala niya. Parang hindi sila magkakabalikan na makapagsenti naman siya wagas.

"So ano plano mo ngayon?" –yan siya eh! Nanggugulat! Hindi ba pwedeng magparamdam muna siya na nasa likod ko siya?

"Plano? Plano ko lang naman na ipalinis itong room natin dahil sa ginawa mo kagabi."

"Wag mo nang problemahin yan, napalinis ko na kanina pa habang nasa banyo ka." pagtingin ko nga sa kama namin eh malinis na at napalitan na rin ng bedsheet pati yung kumot at unan namin iba na rin.

"Good! Mabuti at my initiative ka rin pala."

"Matagal na, hindi mo lang alam. So ano na ang plano mo? Hindi ka ba nagugutom?"

"I'm on a diet kaya hindi ako nagugutom but I need to eat breakfast. Let's eat then let's tour the island."  suggestion ko lang naman kasi hindi pa ako nakapaglibot ng Boracay.

"Ok then, let's go. Sa restaurant nalang ng hotel tayo kumain para well accommodated tayo."

"Tara." – sunod na naman ako sa likod niya na parang ako ang alalay.

Pagpasok namin sa elevator may dalawang babae na nakasakay. Todo titig kay DJ hindi manlang ba nila alam na may kasama siyang mas maganda pa sa kanila? Why do I care? Sige hahayaan ko kayong titigan si DJ alam ko naman kasing hanggang titig lang kayo.

"Chand, wag masyadong obvious. Hindi naman nila ako maagaw."  he whispered those words in my ears! what??? Ang kapal!

"You're so kapal!"  aaaah!! I hate this man! Ang kapal talaga!

Tawa ng tawa ang bwisit na lalaking to! Ano ba ang nakakatawa! Pagmumukha niya siguro! Nawalan nalang ako ng ganang kumain.

"So ano gusto mong kainin Chand?"  hanggang ngayon ba hindi pa rin siya tapos sa pagtawa? Magtatanong na nga lang may kasama pang tawa!

"Wala akong ganang kumain DJ! Kung gutom ka talaga ikaw nalang. Mauuna na ako. Kailangan ko ng fresh air para mawala ang mga badspirit sa paligid." sabay alis ko. Bahala siya kung susunod siya. Kung ayaw niya edi mabuti.

"Okay I will wait for the brunch nalang. Hindi pa naman ako masyadong gutom eh at ayoko namang maligaw ka baka pagalitan pa ako ni Tita Agot at Tito Ariel."  so sumunod nga siya.

A Deal For 100 Days (KathNiel FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon