Chapter 29

1.1K 25 16
                                    

Hello! Sorry to keep you waiting . I've been so busy. Please have a long patience in waiting for the next Chapters . Few more chaps nalang po ending na. Salamat sa mga positive comments and dms.

>DJ's POV<

Damn! Shit! bakit ba ngayon pa to nangyari? I need to explain my side to Chand. She's not right on what she's thinking about me and Julz.

"DJ, I think you need to find her. Akala niya I'm so mean when I approached her," Julz interrupted my thoughts.

"She'll not listen to my explanation." I sighed. I don't have the confidence to face her.

Sino ba naman ang maniniwala na I am just discussing some business proposal with my ex-girlfriend. kahit sino naman siguro ang makakita sa amin ni Julz na magkasama aakalain na we're having a secret affair.

"If you wouldn't mind, I'll talk to her. Ako na lang ang mag-eexplain na pure business lang namana ng intention mo and I was the one who invited you to meet me up here in the mall." Julz is willing to help me pero hindi rin naman maniniwala si Chand sa kanya.

"You don't have to do that. I need to go. I'll find her and I'll fix this mess. I'm sorry Julz, we'll just talk next time." I said my goodbye to her and run as fast as I can para hanapin si Chand.

I am searching all over the mall pero hindi ko siya makita. I tried to call her pero hindi niya sinasagot. She mentioned that her Mom and Dad were also here pero di ko rin sila naktita. Maaaring naka alis na sila. I immediately ran to my car and drove my way to Chand's house. Sana nga nandon sila.

I saw her car on the garage, nandito rin ang kotse ni Tito and Tita. They're all here. Nakauwi na nga si Chand. I entered the house and I saw Tito and Tita laughingat each other while sitting in the couch. Halatang kakarating lang din nila dahil hindi pa sila nakabihis at nasa lapag pa ang mga pinamili nila.

"Excuse me po." I interrupted them.

"Daniel, what brought you here? Akala ko nasa opisina ka?" nagtatakang tanong ni Tita Agot.

"Nandito pa ba si Chand? Kailangan ko po siyang makausap." nakuta ko sa mga mukha nila ang pagtataka.

"Akala ko may lakad kayong magbabarkda. She texted us na mauna na kaming umuwi. We assumed that she's also with you." nag-aalala na ang mukha ni Tita Agot habang kausap ako. I don't know if I should explain to them what happened a while ago or I will keep this problem between the two of us. mukha namang walang alam sina Tita sa nangyari.

"Is everything okay Daniel?" Tito Ariel asked me.

"Yes Tito, everything's fine. Magkita nalang po tayo mamaya sa dinner." pagsisinungaling ko sa kanila,

Nagmadali akong umalis ng bahay. I am on my way to Joyce's coffee shop. Hindi dala ni Chand ang kotse niya malamang ay angtaxi lang siya.

Pagdating ko sa coffee shop ni Joyce nakita ko siyang busy sa kitchen. Ibig sabihin wala rin dito si Chand.

Hindi ko na inabala pa Joyce. Lumabas ako at tinawagan ang mga kaibigan namin. I called the girls at lahat sila hindi alam kung nasaan si Chand. Wala rin silang clue sa nangyari sa amin kaya sigurado rin akong hindi pa sila kinakausap ni Chand.

I don't know where to go. Tinawagan ko na naman ulit siya. She answered the phone this time. Thanks God.

"Where are you?" bungad na tanong ko sa kanya.

"Wag mo na akong hanapin pa, I'm okay. Just take your time. See you later sa dinner." halata sa boses niya na hindi siya okay.

"Chandria, where are you?!" napagtaasan ko na siya ng boses. Hindi ako ngayon mapakali na hindi ko siya makakausap. I will explain to her kahit ayaw niya akong pakinggan.

"Dito ako sa garden resto kung saan tayo nagcelebrate ng first wedding monthsary natin." she answered.

"Okay. Wag kang aalis dyan. Papunta na ako." I ended the call.

I am in a bit of hurry driving my way to the place where I can meet Chand. no doubt kung bkt siya doon pumunta. The place is so relaxing. Mawawala talaga ang sama ng loob mo dahil sa magandang tanawin ng garden resto. I am also thinking kung saan ko uumpisahan ang explanation ko. Will she believe me now? Sana maramdaman niya naman na nagsasabi ako ng totoo ngayon.

Kung papipipliin niya ako ngayon din kung sino sa kanilang dalaw, siya na ang pipiliin ko. I am inlove with my wife right now. Tama si Julz, hindi ko maamin sa sarili ko na mahal ko na si Chandria because I'm still holding on to my thinking that there's still me and Julz after this deal.

Nang makita ko siya kanina na lumalayo sa amin dun ko naramdamang mahal ko ang babaeng to. Ayoko siyang makitang nasasaktan. Parang dinudurog ang puso ko nang papalayo siya sa amin na hindi man lang nakarinig ng paliwanag mula sa akin.

I saw her sitting on the same table where we celebrated our firat monthsary. She's busy scanning her phone. Habang papalapit ako sa kanya hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. I only knew that I am inlove with this woman.

"Chand." pukaw ko sa atensyon niya nang nasa harapan na niya ako.

"Have a seat." tipid niyang sabi sa akin. Binalik niya ulit ang kanyang mga mata sa cellphone niya.

"Kung anu man ang iniisip mo tungkol sa amin ni Julz, hindi yan tama. We're just discussing her business proposal. Nothing else." I started to explain.

"DJ, sabi ko nga diba you don't need to explain. It's okay." kahit sabihin niyang okay siya, iba pa rin ang pinapakita ng mga mata niya.

"No. Please listen to me." I am now begging her to hear my side.

"Kahit naman sabihin mong pure business lang ang pag-uusap niyo ni Julz, wala pa rin namang magbabago. We'll have our annulment few days from now. Nakapagdesisyon na ako. I will set you free. Ayoko nang saktan pa ang sarili ko DJ. Ayoko na ring nakikita kang pinipilit ang sarili mo na magwork ang marraige na to. Sa simula palang diba ayaw na natin sa isa't isa. May mahal kang iba at mayroon din ako pero nang dahil sa deal na to nahulog ako sayo. Oo, ang tanga ko kasi nahulog ako sa taong imposibleng mahalin ako. Yung taong nagmamahal sa akin, ayon pinakawalan ko dahil sa pagpapakatanga ko sayo. Nung nakita ko kayo kanina ni Julz, sabi ko sa sarili ko, wala na, talo na ako. Habang hinihintay kita napag-isip-isip ko na tama na nga siguro tong pagiging tanga ko. I need to set you free." she's crying why saying those words. Hindi ko namalayan na umiiyak na rin ako.

"Chand, please let's give us a chance. Promise we will make it right this time." I hold her hand pero binawi niya iyon. She hates me.

"I'm sorry DJ. Alsm kong mas sasaya ka sa babaeng mahal mo. Diba nga sabi ko kapag mahal na kita pero hindi mo pa rin ako mahal, papakawalan kita. I want you to be happy. I want you to live your life the way you wanted. Maiintindihan naman ng mga taong nakapaligid sa atin ang mangyayari. I need to go. I'll just see you later." tumayo siya pero pinigilan ko siya.

"Mahal kita Chand." lumabas sa bibig ko ang mga salitang nagpatigil sa kanya. Hinarap niya ko and she smiled. She's smiling but her eyes are crying because of pain that I caused.

"You don't love me DJ. Don't fool yourself. Magkita nalang tayo sa dinner."

Then she left me. It hurts me a lot dahil hindi siya naniniwala na mahal ko na siya. Ganun na ba talaga ang sakit na naidulot ko sa kanya para hindi na niya maramdaman na totoo ang sinabi ko? Kailangan na rin ba kitang pakawalan Chand para hindi ka na nasasaktan pa sa piling ko?

--------------------

Chand, bat ba kasi ayaw mong maniwala na mahal ka ni DJ?

Tapos na ang Chapter 29. Feel free to comment and please Vote. Thank you. Wait for my next update. 32.2K reads na tayo! Achievement to! Salamat ng marami! God bless us all

*PS. I want to know your reactions. Pwede niyo po bang icomment ang mga nararamdaman niyo while reading? Thank you!

Dont forget to vote.

A Deal For 100 Days (KathNiel FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon