Chapter 22

1.4K 36 35
                                    

First of all, salamat sa mga readers especially sa nag-aabang ng update. Para sa inyo to! Thank you rin  sa mga positive comments. Please have patience again to wait for the next xhapter. Hihihi.


>Kath's POV<

Dalawang araw nang walang buhay ang bahay. Hindi kami nag-uusap ni DJ. Late na siyang umuwi at ako naman pagmumokmok lang sa kwarto ang ginawa. Issue pa rin samin ang nangyari samin 2 days ago. Umalis siya after kong aminin sa kanya na mahal ko na yata siya. 

Alam ko namang hindi pwede pero pagnagmahal ka wala ng makakapigil dun. Puso mo ang tumitibok hindi yung utak. Kaya ngang sabihin ng utak mo na hindi dapat pero hindi ng puso mo. That's my case in what I feel for him. I want to stop this unrequited love but my heart wont stop beating for him.

I'm on my way sa lunch date ng barkada. DJ left the office earlier. Hindi alam ng barkada na hindi kami ngayon in good terms but for sure pagdating namin mahahalata na nila.

I saw DJ's car in the parking lot. I parked my car a little bit far from his. Then I entered the restaurant na pagmamay-ari ng college friend ni Francis. I saw them sitting sa may right side ng resto na tanaw na tanaw ang magandang view ng hanging garden sa labas ng resto.

Nagtatawanan ang mga boys at nahagip ng mata ko si DJ. Hindi man lang siya tumingin sakin. Para ngang wala siyang pakialam na dumating na ako. MAbuti nalang at hindi by artners ang seating arrangement namin. Girls are seated at the right side of the table sa left naman ang boys pero magkaharap pa rin. Mas awkward pala na kaharap ko na na hindi man lang kami nagkikibuan sa isa't isa.

"Late ka girl." salubong sakin ni Ella sabay beso.

"I'm sorry. May tinapos pa ako ehh." I answered back. Katabi ko si Ella sa upuan.

"Yun nga ang sabi ni DJ kanina nung tinanong namin bat di kayo magkasama."

I glanced at DJ pero hindi pa rin siya tumitingin sakin. Nakikipagtawanan pa rin siya sa mga boys.

"Stop na boys. Kakain na tayo." sita ni Julia sa kanila.

Habang kumakain kami, lahat sila ay nagtatawanan dahil sa mga jokes ni Francis at Kris even DJ laughed too. Ako lang ang tahimik sa amin at konting tawa lang ang ambag ko. I cant barely laugh  with this awkward situation.

"Bakit ang tahimik mo Kath? Hindi ka ba natatawa sa joke ko?" puna ni Francis sa akin.

"Tumatawa naman ako ahh." pag-dedefend ko.

"Ang corny naman kasi ng mga joke. Hindi nga rin ako natawa eh."pang-aasar ni Ella kay Francis.

"Grabe ka babe, hindi ka talaga supportive."

Nagulat ang lahat nang tawagin ni Francis si Ella na 'BABE'. Last time na balita namin sa dalawang to ligawan stage pa lang pero ngayon mukhang sila na.

"Kayo na?" gulat na tanong ni Julia.

"Kaya nga kami nagpatawag ng urgent lunch date. Para sabihin sa inyo" nahihiyang sagot ni Francis.

"Mabuti ka pa sinagot na. Di kagaya nami ni Kris, parang maghihintay pa rin." sabi naman ni Enrique sabay fist pump kay Kris.

Sa tatlong real loveteams ng barkada sina Ella at Francis pa lang ang officially together. Ang dalawang natira parang malapit na rin.

"Cheers for Ella and Francis! May you have a long lasting relationship at sana kayo na ang susunod sa yapak nina Daniel and Kath." pangunguna ni Kris.

After umamin ni Ella at Francis panay na ang kantyaw ng mga boys kay Francis. Tumatawa lang kaming mga girls.

"Kanina ko pa napapansin bat hindi yata nag-uusap si Kath at Daniel?" pukaw atensyon ni Joyce sa lahat.

A Deal For 100 Days (KathNiel FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon