>Kathryn’s POV<
**kring**kring**kring**kring**
Ang aga-aga may nang iisturbo na naman sa tulog ko kaya dinampot ko ang cellphone at pinatay ang tawag hindi ko man lang tiningnan kung sino yun.
**kring**kring**kring**kring**
After 5 minutes tumunog na naman ulit ito kaya sinagot ko nalang at si Mommy pala ang tumatawag kaya pinagalitan na naman ako nang ganito kaaga. Pinapapunta lang naman ako sa venue ng kasal namin ni DJ para daw mafinalize na ang lahat ng kailangang tapusin.
Bukas na pala ang kasal ko! Bukas na! Hindi ako excited. Kung sa taong mahal ko lang sana ako ikakasal bukas, siguro hindi ganito ang mararamdaman ko. Bakit pa kasi pinipilit nila ako sa taong yun eh daig pa nun si Hitler kung mang ayaw. Speaking of the devil hindi ko pala na enjoy party sa bar last night dahil sa kanya. Arggg! Bakit ba kasi sa dinami dami ng mga magiging kaibigan nina Julia eh yung friends naman ni DJ. Oh God! Hindi ba talaga ako lulubayan ng taong yun?
Nagbihis na ako ako at dumiretso sa kotse ko. Pupuntahan ko ang venue ng kasal ko bukas. Gusto ko sana sa Boracay ikasal dahil dream ko ang beach wedding pero sabi ng Mama ko sagrado daw ang kasal kapag sa simbahan ginanap. Alam ko namang maghihiwalay rin kami ni DJ kaya pumayag na ako dahil gusto ko kapag ikinasal ako kay Khalil beach wedding na. Parang ang perfect kapag ganun ang nangyari dahil sa taong mahal ko ako ikakasal at dream wedding ko pa.
Bakit nandito ang kotse ni DJ? Nandito rin ba siya? Malamang nandito siya kasi nga diba kasal namin tong dalawa. Kung alam ko lang sana na pupunta rin siya dito edi sana siya nalang ang nagfinalize ng lahat. Hindi na sana ako nag-abala pang magsayang ng oras para lang dito. Kapag nagkikita naman kaming dalawa puro sagutan at away lang naman ang nangyayari. Katulad kagabi sa bar din pala siya pupunta at sa table pa namin. Papaalisin niya ko eh nagpunta ako dun para mag-enjoy. Hindi ko naman matake na makasama siya kaya ako nalang ang umalis.
“Akala ko hindi ka pupunta.” salubong na tanong sa akin ni DJ.
“Kung alam ko lang sana na nandito ka hindi na sana ako nagpunta.” sarkastikong tugon ko sa kanya.
“Bakit ba ang init ng ulo mo? Early in the morning you're turning your day into a mess. Don’t be a spoiled brat Chandy. Ikakasal ka na bukas.”
"You know in the first place DJ that I am not even excited for this wedding. Marrying you? Pinakapangit na mangyayari sa buong buhay ko. I can’t imagine myself marrying a jerk like you! Kung hindi nga lang sana nakakahiya sa parents ko at sa parents mo eh tatakas ako bukas para lang hindi makasal sayo!”"
Walang hiya! Tinawag ba naman akong spoiled brat? Hindi naman iinit ang ulo ko kung hindi ko siya nakita.
“Mabuti at alam mo naman palang mahiya. Ako nga rin eh kung pwede ko lang takasan ang kasal natin eh ginawa ko na. And by the way don’t ever call me jerk miss spoiled brat!”
Namimihasa na talaga ang lalaking to ah! Kanina pa tawag ng tawag sa akin na spoiled brat!
“Shut up JERK!”
“Alam mo bang ang pangit mo kapag naiinis ka? Mas lalo kang pumapangit.”
At sinong pangit? Ako?
“Eh kamusta naman ang mukha mong parang talampakan? Na parang pwet ng baso at mas cute pa ang mukha ng aso?”
“Shut up SPOILED BRAT!”
Ha ha ha galit na siya. Halata sa mukha niyang namumula.
“Ikaw po kasi ang nag-umpisa. I defended myself from your out of this world critizations.”
“To cut this off, pag-usapan nalang natin ang deal na sinabi nina Daddy.”
He reminded me of the deal for 100 days. That deal will save my life. After 100 days babalik na rin sa normal ang buhay ko and makakasama ko na rin si Khalil.
“So, what about that? Hindi mo ba kaya? Naku wag mo sabihing baka mafall inlove ka sa akin? I admit I’m beautiful so no wonder.”
“Ang kapal naman ng mukha mo Chandy! Kaya ko nga inopen ang topic para maging successful ang deal natin. I know you love someone else at my mahal din ako kaya let’s make it work.”
Si Julz, siya yung long time girlfriend ni DJ na ayaw na ayaw ng Mommy at Daddy niya.
“Sure, gusto ko rin namang mangyari yan. Kaya mo bang matiis na hindi makita si Julz for 3months?”
Natahimik siya, malamang hindi niya kaya. Mahal niya ang tao eh. Ako rin naman hindi ko kaya pero kailangan kong gawin to para sa happy ever after namin ni Khalil. In love kasi kahit napakaimposibleng bagay kakapitan mo nalang. Ngayon, sasitwasyon namin kahit mahirap kinakapitan namin para lang bumalik kami sa mga taong mahal namin.
“To be honest, I can’t, but for her I will try. 3 months lang naman na pagtitiis diba. After that I can see her whenever I want.”
I saw the sadness on his face. I can see the love and pain from his heart. Alam ko ang nararamdaman niya kasi ganyan rin ako ngayon.
“Don’t worry DJ, I will cooperate. Pareho lang naman tayo ng goal eh. Para hindi tayo mahirapan let’s work on this together.”
Inabot ko ang kamay ko sa kanya para makipagkamay. At nagshake hands kami na parang pinapahiwatig na ito ng ang simula ng friendship naming dalawa. Can we still go back to the friendship that we had in our high school days. Siguro hindi na.
“Thank You Chandy. By the way, wala namang kailangang ayusin sa venue. All is set. So kung my lakad ka puntahan mo na. I will see you tomorrow then, mauna na ako.”
After niyang magsalita umalis na siya. Makikita mo talaga ang lungkot sa kanyang mga mata. Siguro dinadaan niya lang sa angas at away sa akin ang mga bagay-bagay para hindi makita ng ibang tao na nahihirapan siya. I know him for a long time at hanggang ngayon kilala ko pa rin siya. Alam ko pa rin kung nalulungkot siya at nahihirapan.
Umalis na rin ako dahil wala namang dapat ayusin pa. Sabi nga ni DJ nafinalize na daw lahat and there’s no need to worry.
Nagdrive ako papunta sa park kung saan nagsimula ang lahat. Sa park na to una kong nakita si Khalil at una akong naniwala sa love na pangmatagalan. Si Khalil ang first boyfriend ko. Kaya ako pumunta dito para magpaalam. Pansamantala lang naman pero kailangan ko paring gawin. He should understand that Im doing this para rin sa aming dalawa. Sabi nga ni DJ 3 months na pagtitiis lang. I will leave our memories together in this park. Bukas, magsisimula na ang bago kong buhay. Sana pagbalik ko dito sa lugar na to maayos na ang lahat at kasama ko na ang taong mamahalin habang buhay.
--------------------------------
Thank you for reading! Please Vote.
BINABASA MO ANG
A Deal For 100 Days (KathNiel FanFiction)
RomanceNaniniwala ba kayo sa kasabihan na the more you hate the more you love? Minsan kasi tadhan na ang nagdidikta na tayo ay para talaga sa isang tao. Akala natin madaling pigilan ang ating nararamdaman pero hindi ito kasing dali ng iniisip mo. Sa loob b...