Chapter 13

1.7K 57 5
                                    

** P.M me for dedications for the next chapter.

------------
>DJ's POV<

It's been 2 days. Dalawang araw na naging okay kami ni Chand. Dalawang araw na walang sigawan at away na nangyayari sa pagitan namin. Sana naman tuloy-tuloy na to para hindi namin nasasaktan ang isa't isa. I'm here in my office tinatapos ang mga gawain para bukas dahil probably hindi ako makakapasok bukas. May konting salo-salo sa bahay namin mamaya kasama ang barkada kaya paniguradong magdamag na inuman na naman to.

I checked my watch kung among oras na dahil baka malate ako sa pinag-usapang oras namin ni Chand. Mamimili kami ng mga ingredients para mamaya. Siya raw ang magluluto kaya pagbibigyan ko na. Minsan talaga ang babaeng yun hindi ko maintindihan kung isip bata o tinotopak lang talaga.

"Alis na tayo." bigla nalang sumusulpot sa pintuan ko ang babaeng to. Hindi na kumakatok porket alam niyang hindi ako magagalit.

"Masyado ka namang excited." 30 minutes pa ang natitirang oras bago ang usapan namin tapos nandito na siya para sunduin ako na dapat ako ang susundo sa kanya sa office niya.

"Tapos na kasi ako sa mga ginagawa ko eh. Nakakainip kasing maghintay. And yes I'm excited to cook." parang bata na binigyan ng candy ang expression ng mukha niya ngayon. Ganun ba niya kamahal ang pagluluto at sobrang excited siya?

"Just wait for more minutes. Tatapusin ko lang to. Hindi kasi ako papasok bukas kaya nag-advance ako ng trabaho."

"Bat hindi ka papasok? Wala ka naman atang sinasabi sakin na importanteng pupuntahan mo bukas. Or else may hindi ka sinasabing pupuntahan mo? Oy ha mapaglihim ka na ngayon."

Natatawa amo sa expression ng mukha niya kung kanina ang saya niya ngayon nakapout na parang inagawan naman ng candy. Ang sarap kurutin.

"You know, hangover. Inuman to the max na naman panigurado mamaya."

"No. Papasok ka bukas. Hoy Daniel John Gomez sino ang nagsabi sayong maglalasing ka na naman mamaya. May inuman to the max ka pang nalalaman. Tapos ano, ako na naman ang mag-aalaga sayo dahil lasing ka. Walang aabsent bukas. Period."

"Ok, fine. Papasok na po."

Ayoko nang makipagtalo pa sa kanya kasi hindi naman siya magpapatalo eh. Nasa good mood ako ngayon kaya pagbibigyan muna. Bagay na bagay sa kanya ang magsungit dahil mas lalo ata siyang gunaganda. Kakaiba talaga ang babaeng to. Ang swerte ni Khalil sa kanya.

"Bakit ka tumatawa diyan? Bilis na alis na tayo."

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako dahil tinitingnan ko siyang pinaglalaruan ang buhok niya. Bored na siguro.

"Total hindi naman ako pwedeng umabsent bukas, edi bukas ko nalang to tatapusin. Sige na tayo na at nang makarami tayo."

"Makarami? Hoy Daniel John Gomez anu bang pinagsasabi mong makarami?" nagulat siya sa sinabi ko na siya namang nagpatawa sa akin ng malakas.

"Bakit hindi ba tayo mamimili ng marami? Naku Chandy iba ang iniisip mo ha. Sabihin mo lang kung gusto mo na." sabi ko naman sabay labas sa.office dahil baka mabatukan ako nun masakita pa naman mangbatok yun.

"Langhiya! Ikaw ang madumi mag-isip! Hoy hintayin mo ko!" narinig ko nalang ang sigaw niya sa office ko. Natatawa ako dahil nakita ko siyang nagblush kanina nung sinabi kong aalis na kami para makarami. Inosente pa ang pag-iisip ni Chandy dahil alam kong hindi siya expose sa mga ganun na bagay. Strikto kasi ang Mommy niya pagdating dun. Kahit na magkatabi kaming matulog gabi-gabi nandoon pa rin ang respeto ko sa kanya bilang isang babae.

"Aray ko." nabalik ako sa tamang pag-iisip nung may nambatok sa akin na ubod ng lakas at hindi ako magkakamaling si Chandy yun. Pagtingin ko sa likod ko, siya nga na timatawa pa.

A Deal For 100 Days (KathNiel FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon