Chapter 20

1.4K 29 13
                                    

>DJ’s POV<
Nakokonsensiya ako ngayon. Nabadtrip si Kath dahil sa sinabi ko. Hindi ko dapat sinira ang gabing to. She prepared everything tapos sinira ko lang. Hindi talga ako nag-iisip. Pero I’m just letting her know the truth. Ayoko kong saktan naman siya dahil idedeny ko ang totoong nararamdaman ko.

Sinundan ko siya sa loob ng bahay. Alam kong hindi siya pupunta ng CR. Dumiretso ako sa kwarto naming at doon ko siya nakitang nagbabasa ng libro. I know she’s trying to divert her attention and feelings to her stress reliever buddies.

“Akala ko ba pupunta ka ng CR?” I interrupted her.

“Okay na ko. Sorry hindi na ko nakabalik kasi parang inaantok na ako.” She’s lying. I can sense it.

“Balik na tayo sa baba. Sayang ang absent mo sa office, sayang lang ang pagkukunwari mo na may sakit, at ang isang linggong pag-aaral sa mga niluto mo kung matutulog ka lang ngayon.” I’m trying to convince her.

“Okay, but can I have a really big favour?” she said.

“Sure. Kahit ano gagawin ko.” I replied to her proudly.

“Kahit ngayong gabi lang kalimutan muna natin sila. Si Julz, si Khalil. Pwede bang kahit ngayon lang tayo muna? Kahit ilang oras lang? Let’s just pretend that they don’t exist in our world and life is just the two of us.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Ilang oras lang naman eh. At okay lang talaga dahil ayaw ko nang sirain pa ang gabing to. I want this night to be perfect also.

“If that’s what you want Chand. I’ll do it. I’ll forget Julz tonight and you’ll forget Khalil. Let’s make this night a perfect night for the two of us.”

Bumalik kami sa garden at ipinagpatuloy an gaming dinner. We’re talking about random stuffs. Highschool memories, hatest person, likes, dislikes, and even favourite food until we’ve got to the poin of talking about the remaining 40 days of our contract marriage.

“Sa natitirang 40 Days natin, ano gusto mong gawin kasama ako? Saan mo balak punta?” I ask her. She’s thinking for a while and answered me.

“I want to go to Greece, and to Palawan kasama ka. Actually gusto kong pumunta sa Japan na tayong dalawa lang kaso pupunta naman tayo with the whole barkada kaya sa Greece or Palawan nalang.” She said.

“Ayaw mong pumunta sa Paris?” every girls want to got to Paris because it’s a romantic place pero siya wala sa option niya ang Paris.

“I will go there if I’m with my true love. If I’m with the one that I will be spending my whole life with.” Seryosong sabi niya.

“Good to know then. I’ve never been to Paris and I’ll also go there with my true love.” I said to her.

“Iset na kaya natin ang date for our trip to Japan para maset na rin natin ang trip nating dalawa sa Greece and Palawan. Para na rin makapagfile tayo ng early leave of absence.”

“Kahit naman hindi na tayo magfile ng leave of absence okay lang. Tayo ang may-ari ng kompanya Chand. We can do whatever we want.”

“Kahit na tayo ang may-ari, it’s proper pa rin na magpaalam tayo. We’ll need to inform our secretaries na wala tayo para naman mainform niya in advance ang mga kameeting natin.”

“Okay. You’re right. Sige, let’s start planning tomorrow. I’ll inform the boys about our plan.”

I can see in her eyes the excitement. Excite siyang umalis kasama ang barkada at kasama ako. I can’t deny the fact also that I’m excited knowing that we’ll be visiting Greece and Palawan. Excited rin akong makasama ang buong barkada sa Japan. I guess it’s the first time na aalis kaming mga boys na may kasamang mga babae.

“Ang lalim ng iniisip mo ah.” She interrupted my thoughts.

“Nothing. I’m just starting to think of the plan for our trip.” I said to her.

“Bukas mo nay an isipin. Maraming pang time para jan.”
“Okay. So anu gusto mong pag-usapan natin?” tanong ko sa kanya.

“I don’t know. Naubusan na rin ako ng topic eh.”

“Let’s talk about our what ifs and future plans. Ngayon lang to kaya lubus-lubusin na natin.”

“What do you mean na what ifs?” nagtatakang tanong niya.

“What if maging tayo talaga. What if tayo ang magkatuluyan. Parang ganun.” I explained to her.

“So ano ang first question? What if maging tayo talaga?” she asked.

“Yes. What if maging tayo how many kids do you want?”

“Wow ha. Ang bilis naman yata ng tanong mo. Maybe 2. Gusto ko kasi girl and boy ehh.” I saw the happiness in her face.

“Gusto ko dalawang babae. I want them to my princess. Ayokong magmana sakin kung lalaki. You know I’m not a good man. Gwapo lang ako pero alam mong ang pangit ng ugali ko.”

“Your a good man Deij, alam mo yan. In denial ka lang talaga. At for your info your not handsome. Masyado ka lang feeling.” Natatawang sabi niya. I like the music of her laugh. Nakakagaan sa pakiramdam.

“Pag ako nagging asawa mo, hindi kita papayagang magtrabaho.” Kunwari seryoso ako sa sinabi ko pero binibiro ko lang naman siya.

“Mabuti nga lang at hindi ikaw. Anong gusto mo maging plain housewife lang ako tapos walang gagawin kundi maghintay sayo buong magdamag.” Nakasimangot na siya.

“Maraming gawain sa bahay na pwede mong gawin.”

“Dalawa lang naman tayo ang nakatira paanong madami?” mataray na saad niya. I can sense the anger in her voice. Malapit na siyang mapikon. Natutuwa ako.

“Edi gagawa tayo ng bata para may babantayan kang baby.” Seryos pa rin ang facial expression ko pero gusto ko ng matawa dahil galit na talaga ang mukha niya.

“Ewan ko sayo. Mabuti na nga lang at hindi ikaw ang makakatuluyan ko.” Galit na sabi niya.

“Alam mo bang namumula ka na sag alit. I’m just joking Chand. Hindi ko naman papayagan ang sarili ko na Makita kang nalulungkot na mag-isa dito sa bahay. Kung saan ka Masaya susuportahan kita”

May sasabihin pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone ko. I opened my phone para tignan kung sino ang nagtext. It’s Julz. Nasiraan daw siya ng kotse nakiusap siyang sunduin ko siya.

“Chand, may pupuntahan lang ako. Pero babalik ako. Just wait me ago mo ligpitin to.” I said to her.

“Sino pupuntahan mo? Gabi na. Kung hindi naman yan importante ipagpabukas mo na lang.” I can feel the coldness in her voice.

“Julz needs me now Chand. Nasiraan siya ng kotse. I need to pick her up.” Ayoko namang magsinungaling pa sa kanya kaya sinabi ko na lang ang totoo na si Julz ang pupuntahan ko.

“Sige. Mag-ingat ka. Take your time. Aayusin ko nalang to. Magpapahinga na rin ako.”

Tumango lang ako at iniwan ko siya. Nagmamadali ako ngayon na puntahan si Julz. Pero parang nagiguilty ako. Iniwan ko na naman si Chand na mag-isa. We agreed na ngayong gabi it’s just the two of us. Pero hindi ko matiis na hindi puntahan si Julz. Naguguluhan ako ngayon kung sino ba talaga ang dapat kong sundin. Babalik ba ako sa bahay para mag-explain kay Chand o didiretso ako ngayon kay Julz para ihatid siya. I stopped the car and think for a while.

Then I made my decision. Alam kong maiintindihan naman ako si Julz. May asawa ako kaya siya dapat ang kasama ko ngayon. I promised her na ngayong gabi kakalimutan muna naming sila, it’s just the two of us. Kaya babalikan ko siya at tatapusin ko ang araw na to na may ngiti sa kanyang mga labi at galak sa kanyang mga mata.I’m on my way to make your day complete Chandria.

*YEY! Tapos na ang Chapter 20. Feel free to comment and please Vote. Thank you. Wait for my next update. 11.8K reads na tayo! Achievement to! Salamat ng marami! God bless us all

*PS. I want to know your reactions. Pwede niyo po bang icomment ang mga nararamdaman niyo while reading? Thank you!

A Deal For 100 Days (KathNiel FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon