Chapter 33

1.3K 27 9
                                    

>Kath's POV<

"I'm so happy for you Jul. Kahit na maraming challenges ang dumating sa inyo ni Quen, you surpassed those storms and look at now, kayo pa ang nagkatuluyan. I am your very supportive best friend. I wish the two of you a long lasting marriage and always remember to never give up with each other."

Halos maluha na ako nang magbigay ako ng message ko para kay Julia and Quen.

Pinuntahan ko ang dalawa at niyakap.

"Never give up on your love for him too, Kath. Baka malapit na ring dumating ang time na para sa inyo."

I smiled bitterly sa sinabi ni Quen. The group is still hoping for us to be together again pero parang nawawalan na ako ng pag-asa.

Bumalik na ako ng table namin kung saan nakaupo ang iba pa naming barkada. They're so happy to see me again after a long time.

"At ngayon naman, tawagin natin ang best man para magbigay ng kanyang personal message para sa bagong kasal. Just a trivia for everyone, the maid of honor and the best man are husband and wife. Dati. Pero baka po dahil dito, may chance pa diba. "

Pinandilatan ko ng mata si Francis. Him and Ella are the hosts of the wedding. Pumalakpak naman ang barkada at todo kantyaw pa. Nahihiya ako dahil kasama namin ngayon sa table si Julz. She's with Dj. Actually hindi dito ang table niya pero nag-insist si Dj na sa amin na siya umupo. Of course date niya yun. I'm hurt when I saw how Dj argue with Julz para lang sa upuan.

"Naks pare nakatali ka na. Masaya ako dahil kayo talaga ang itinadhana sa isa't isa. Siguro kung hindi ka binigyan ni Julia ng pangalawang pagkakataon baka nasa mental hospital ka na ngayon."

Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Dj. I have no idea kung ano ang story behind this. Julia did not tell me the story about their second chance love.

"Pero pare alam ko namang mahal na mahal mo si Julia at hindi mo na siya sasaktan pa. Kapag pinaiyak mo ulit yan lagot ka sa barkada. Please prove to her and to us that the second chance that she gave you is all worth it. Sana lahat ng pagmamahal ay katulad rin ng sa inyo. Willing to take the risk in having second chances for love and proving that all of us deserves a second chance in correcting our mistake and trusting each other again."

Natamaan ako sa huling sinabi ni Dj. I am looking into his eyes and I am not surprise that he is looking at me too.

"Pare, kanino ka ba may hugot jan sa second chance na yan?  Care to share? "panunukso sa kanya ni Francis.

"Spill the name!" sigaw naman ni Quen. Nagtawanan na ang lahat dahil parang nahihiya na si Dj. They're not changing sila pa rin ang barkadang puro kalokohan ang alam.

"I'm making my life private this time." pabirong sagot niya.

"Baka nahihiya ka kasi nasa table siya ng barkada natin." hindi pa rin maawat sa pangangantyaw si Francis.
Nagtitinginan na ang lahat sa table namin. Tiningnan ko si Julz, she's smiling. She's confident na siya ang tinutukoy nila. Siya naman talaga.

"I will not steal the night of the newly weds kaya I will not reveal who's that girl. Kilala niyo naman kung sino diba. Wala na akong sasabihin pa. To Quen and Julia, I wish you all the best and always remember nandito ang buong barkada sa bawat away bati niyo. Cheers for the newly weds."

Tinapos ni DJ ang kanyang mensahe at bumalik sa table namin. Hindi ko na siya tinapunan pa ng tingin. He sat beside Julz. Sa mga oras na to gusto kong tumakbo at umalis sa lugar na to. Naninikip ang dibdib ko sa sakit. Kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ngayon. Ako ang nang-iwan. Ako ang lumayo. And I am too late to ask him for the second chance of our love because he had his second chance with someone who deserves him. It's Julz and not me. Wala pa ring tatalo sa first love.

A Deal For 100 Days (KathNiel FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon