one

222K 3K 166
                                    


"Mamaaa! Pasok na po ako!" Sigaw ko mula sa sala. Nakuuu. Late nnaman ako.

"Ay nakung bata ka! Kelan ka ba papasok ng maaga! Oh sya! Humayo ka na"

"At magpakarami?" Tawa ko skanya kaya ako nakatanggap ng batok mula sakanya. "Aray naman mama. Joke lang eh"

"Ay ewan ko sayong bata ka! Lumayas ka na nga!"

"Ouch un mama ha? Hahaha. Bye mama!!" Nagmano ako sakanya at kumaripas na ng takbo.

Pagrating ko ng school. "Good morning, manong!"

"Late ka nanaman, Ayesha!" -manong

"Hehe, as usual. Bye manong!"

Tumakbo na talaga ako hanggang third floor. Diyos kong mahabagin, wala muna sana prof ko.

Pero nasaken talaga ang malas ngayon.

"Late as usual, Ms. Reyes" bati saken ni Sir Dylan. Nakasandal siya sa teacher's table, crossed arms exposing his well built triceps. Oh my gosh, Im gonna drool.

Ayy no! "S-sorry Sir. Good Morning po." Sabi ng nakayuko.

"Okay. Proceed to your seat. You're interrupting my discussion." Nglakad ako tungo sa upuan ko.

"Okay, as I was saying. ----" nagpatuloy sya sa pagdidiscuss na hindi ko na napakinggan. Naghahabol pa rin ako ng hininga ko hanggang ngayon.

"Ms. Reyes! Care to share what's on your mind?" Hayy. Eto nanaman siya. Magsasalita na sana ako ng...

*kriiiing* literally saved by the bell. Mehehe. Pero teka, masyado pang maaga para sa susnod na subject namin ah?

"Okay class, I want you all to go to the library and search for the Male and Female's repro system. I think we will be having an emergency meeting. Bye class."

"Bye, Sir"

"And oh, by the way, report that topic tomorrow Ms. Reyes. Understood?"

"Y-yes sir." Naku namaaaan. Mahaba habang research nanaman to mamayang gabi. Ugh!

****

My day went soooo well *sarcasm*

Late ako ng first class plus reporting. Sa cafeteria naman kanina, kinukulit nanaman ako ni Lloyd. That guy, di nya ako tatantanan. Sa locker ko, may nakita akong stem of rose. At sguradong kay Lloyd din galing. Sino si Lloyd? Manliligaw ko na ng isang taon at isang taon ko na ring inaayawan. Wala pa saaking pag iisip yan ngayon.

"Hi Uncle!" Saby ngisi ko. Bati ko sa kaibigan ni Mama na bakla. Close rin kami kaya nabibiro ko sya.

"Ay kastress kang bata ka! It's auntie, okay?"

"Hahaha. Okay Auntie Carlo. Hahahaha"

"Lumayas ka sa harap ko Ayesha!!"

"Hahaha. Labyu Auntie!" At dumiretso na ko sa bahay at ng masimulan ko na rin ang research ko.

"Mamaaaaa! Nakauwi napo ako." Tawag sa mama kong dyosa!

"Aga mo anak, ah? Osge na, magpahinga ka na"

"Kwarto lang po ako mama, gagawa ng report." Sabi ko pagtapos magmano.

"Sige. Tawagin kita pag handa na ang hapunan."

Dumiretso na akong kwarto, nagbihis at kinuha na yung laptop ko tska yung reading glasses ko. Sumasakit kasi ang mata ko dahil sa radiation.

Nagsimula na akong gumawa ng power point presentation at nireview na rin yun. After tatlong oras natapos ko na un.

Narinig ko na rin ang taxi na pinapasada ng papa ko.

Nagpapasada si papa ko ng taxi maghapon, scholar naman ako sa school kaya hindi mahirap. Tuwing summer, may summer job ako. Si mama, dito lang sa bahay kasi may sakit siya sa puso.

Pagtapos kong maligo agad akong lumabas at hinanap si Papa para makapagmano.

"Papa!?"

"Dito anak!" Nadatnan ko si papa na nakahilig sofa. Nilapitan ko sya para makapagmano at tinaggal ko rin anh sapatos niya.

Nag-iisa lang akong anak ng mama at papa ko dahil natanggalan na ng bahay bata si Mama nung nanganak saken. Hindi na rin kaya ng puso niya, kaya raw swerte na nabuhay pa kaming dalawa.

Agad akong tumabi kay papa at niyakap siya. Yun daw pampawala niya ng pagod.

"Pa? Anak?" Tawag saamin ni Mama. "Kain na. Tara na dito."

Tumayo kami ni papa at naglakad na papuntang kusina.

"Fully charged" anang papa ko sabay stretch pa.

"Haha. Papa talaga."

Sa hapag kainan ay masaya kaming nagkwekwentuhan. Nakwento ko rin sakanila yung nangyari kaninang Biology. Tawa ng tawa si papa habang nagkwekwento ako.

"Magrereport pa ako sakanya. Sana Lord di ako ma-late bukas." Nagcrossed fingers pa ako at tumingala. Parang musika naman sa tenga ko ang halakhak nila mama habang ginagawa ko yun.

"Oh, natapos mo naman na ba yung presentation mo?" Tanong ni papa.

"Ofcourse, Papa! Ako pa?" Kindat ko pa sakanya.

"Halla. Mama!" Tawag ko sakanya ng nagsisimula na siyang magsalinsin ng mga pinagkainan. Tumayo ako at hinawakan siya sa balikat tska siya pinaupo. "Stay put ka lang diyan, inay! Ako ng bahala." Kinindatan ko din siya. Humalakhak naman sila ni papa.

Niligpit ko yung pinagkainan at nilagay sa lababo. Nagsimula na rin akong maghugas. Nilingon ko ang lamesa at nagsisimula ng magpunas si papa dun.

Ang ganda nilang pagmasdan na nagtatawanan.

"Ma? Halika na sa kwarto. Sundan natin si Ayesha." muntikan kong mabitawan ung hinuhugasan kong pinggan dahil sa kay Papa.

Narinig ko naman ang tawa nila mula sa hapag.

"Woy woy. Ano yan papa. Naku naku. Magpahinga na nga kayo. Nai-stress nako ha?" Sabi ko na sinamahan ko ng halakhak.

"Bakit? Ayaw mo ba ng kapatid, anak?" Tawa ni mama.

Aynako mama. Kung alam mo lang. Gustong gusto. Pero di na pwede. Ayokong sabihin un dahil magshishift ang mood naming tatlo panigurado.

"Naku Mama at Papa. Makontento na kayo sa maganda nyong anak, okay? Ayoko ng kaagaw sa mamanahin ko." Biro ko sakanila.

"Anong mamanahin mo, nak? Itong barong barong natin? Hahahaha" -papa

"Why not? Ang ganda ng bahay natin noh. Puno ng masasayang alaala. Bow!" Literal na nagbow pa ako habang mabula ang mga kamay.

Tumawa naman kami dahil sa ginawa ko "Oh siya sge, bilisan mo na dyan. Sumunod ka ng magpahinga huh?"

"Aye aye captain!" Naghand salute pako. Iiling ilinh naman si papa habang inaalalayan si Mama papasok ng kwarto.

Pagtapos kong maghugas ang nagcheck na ako ng buong bahay. Bintana, pintuan, yung mga nakaplug na saksakan.

Okay na!

Nang nasa kwarto nako ay nanalangin na ako. Ipinagpasalamat ko ang lahat na meron ako at kalusugan ni mama. Humugot ako ng malalim na hininga at humiga na.

Tomorrow, magrereport pa ako. Gising ng maaga, ok? Kaya yan, Ayesha! Aja!

Sold For A Million Dollar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon