Isang buwan na rin pala ang nakakalipas mula ng dalawin namin si Mama. So far, so good. Maintainance.
Ang relasyon namin ni Dylan, stagnant. Nakakalito pa rin lahat ng ikinikilos niya. Masyadong mabait. Palangiti na siya. Pero pag sa labas, cold as ice siya. Rude. Ganon!
Katatapos lang din ng exams last week. And today is monday, which only means vacation starts today.
Kagigising ko lang ngayon at nakaupo sa tabi ng toilet bowl. Nakasandal sa malamig at puting tiles ng banyo ng kwarto ko. Kanina kasing paggising ko ay bigla nalang umikot ang sikmura ko at naduwal ako. Wala namang lumalabas.
Basa ang mukha ko dahil sa paghihilamos ko at ang ilang hair strands ko ay nakadikit sa mukha ko. Ang sama ng panlasa ko.
"Holy shit!" Kahit nagulat ako ay hindi nagawang makapagreact ng pagod kong katawan. "Hey! Are you okay? What happened?" Tanong saakin ni Dylan habang inaalis ang buhok kong naidikit sa mukha ko.
Umiling lang ako. Pagod para magsalita pa.
Binuhat niya ako papuntang kama. Sa sobrang panghihina ng katawan ko ay di na ako umangal.
"What happened to you? I'm worried sick!" Puno ng pag aalala niyang sabi.
"Ang ingay mo naman! Lumabas ka nga!" Nakakainis. Ang ingay ingay halata na nganv di maganda pakiramdam ko diba? Tss.
Nagulat ata siya kaya nagtakip nalang ako ng unan.
"Shit. Bat ba ang sama nanaman ng timpla mo?!" Sigaw niya.
Napabangon ako agad at naupo kama. Nag iinit ang sulok ng mga mata ko! Ang OA ko naman at naiiyak ako hindi naman ito ang first time na sigawan niya ako.
"Eh bat ka maninigaw?!" Sigaw ko pabalik. Yung luha ko tumulo na.
"Shit. Sorry. Sorry. Ano bang nangyayari sayo at bat ka umiiyak?"
Nilapitan niya ako tsaka pinahid luha ko.
"Ikaw kasi! Sinisigawan moko. Eh naiingayan lang naman ako sayo!" Hinampas ko ang dibdib niya tsaka nagtakip ng mukha gamit ang palad ako.
Niyakap niya ako, "Shh. Sorry. Di na mauulit." Kalmadong sabi niya tsaka niya ako pinahiga ng marahan. "Magpahinga ka na. Pupunta lang ako kompanya. I'll be back before dinner. Okay?"
Napanguso ako. Parang gusto ko kasing dito lang siya ngayon. Gusto ko lang na amuyin siya.
"Why?"
Gusto kong sabihin na dito muna siya. Pero baka kailangan sya dun sa kompanya nila tsaka nakakahiya..
"Uhm.. kelangan ka ba dun?" Nakagat ko ang pang ibabang labi ko.
"Yeah. Why?" Umiling nalang ako. Naiiyak nanaman ako. "Okay. Stay here. When you need anything call me. Okay?"
"Okay.."
Umalis na rin siya pagtapos niya akong bigyan ng halik sa labi. Nagtalukbong ako ng kumot at napansin kong may pumatak na luha galing sa mata ko. Bat ba napaka-emotional ko. Nakakainis.
Bandang ala una na ay nakaligo na ako at nakapag ayos sa buong unit. Nakaluto na ako pero wala akong gana.
Namimiss ko yung amoy ni Dylan. Gusto ko siyang andito. Naiiyak talaga ako.
Without hesitation ay tinawagan ko ang numero ni Dylan. Ilang ring pa bago siya nakasagot kaya nabwi-bwisit na ako. Humihikbi na rin ako.
"Ayesha.. hello?"
"Bakit ba ang tagal mong sumagot!!" Sigaw ko. Nakakainis kasi eh.
"I'm in the middle of meeting with some investors." Wala ng pag asang makakauwi siya ngayong oras dahil nasa meeting siya. Napahikbi nalang ako ng di ko namalayan. "Shit! Why are you crying again?! Is something wrong?"
"I-I want you here!" Halos pabulong na sagot ko.
"I can't. This is important. Can you wait until 4pm?"
Muli akong napahikbi. Ang tagal pa nun!
"Huwag ka nalanv umuwi!!" Tsaka ko siya binabaan ng cellphone.
Bahala siya. Kung ayaw niya edi huwag! Akala mo kung sinong gwapo. Mukha namang tsonggo. Hmp!
Umakyat ako ng kwarto ko at iniwan ang pagkain kong hindi ko manlang nagalaw. Nakakwalang gana kasi yumg intsik na yun eh!
Naglock ako sa kwarto at natulog nalang.
Isang oras palang ata ang tulog ko ng maramdaman kong may nakayakap saakin. Hindi pa ako nagmumulat ng mata ay naamoy ko na ang pamilyar na amoy. Amoy na kaninang umaga ko pa gustong maamoy.
"Dylan?"
"Hmm?" Tsaka niya ako ginawaran ng mumunting halik.
Siya nga! Napabalingkwas ako at napaupo siya. Nakasandal na siya ngayon sa headrest ng kama.
Ako naman ay parang batang tuwang tuwa. Tumili ako at kumandong ng paharap sakanya tsaka kobsinubsob ang mukha ko sa leeg niya. Inamoy ko ang pinaghalong natural nyang amoy tsaka mamahalin niyang pabango.
"Hey. What's up?"
"Shh. Ang bango mo."
I heard him chuckle. Tsaka niya inalalayan ang likod ko.
Kinakagat kagat ko pa ang leeg niya dahil sa panggigigil. Di ko na maintindihan ang sarili ko. Masyado ng unusual. Pero wala akong pake.
Ng matapos akong pagsawaan ang leeg niya ay napatingin ako sakanya. Hiyang hiya ako sa ginawa ko.
"Sorry.." hingi kong paumanhin tsaka tumungo.
"For what?"
"Napanggigilan kita. Kasi kanina ko pa hinahanap amoy mo. Di ko alam kung bakit." I pouted.
He chuckled, "it's okay. I love it, anyway." Namula pa ako ng bahagya sa sinabi niya. "You're cute when blushing." Inangat niya ang mukha ko para magtama anh tingin namin pero nanlaban ako.
Pinalis ko ang kamay niya, "Naman kasi!" Narinig ko nanamam siyang tumawa. Nakakainis. Pinagtatawanan niya ako. "Kita mo na! Pinagtatawanan mo pa ako!" Humalukipkip ako tsaka siya inirapan.
"Ang cute mo." Tsaka niya ako hinalikan sa labi.
"Teka, kumain ka na ba?" Umiling ako at ngayon sinamaan niya ako ng tingin.
"I see. May hindi nga nagalaw na pagkain dun sa lamesa."
"Eh kasi.." kasi gusto ko ng amoy mo at hindi ng pagkain na yun. "Baba na. At kumain ka na."
"Eh ikaw? Hindi kakain?" Umiling siya. Umalis ako sa lap niya tsaka nahiga sa kama. Nakakainis. Kumain nanaman siya kasama nung Melissa. Di niya tinitikman luto ko. Nagtalukbong ako at matutulog nalang.
I'm really acting weird. Mag iisang linggo na na ganito ako. Mood swings. Emotional.
"Hey.."
"Ewan ko sayo! Basta luto ko ayaw mo kainin. sabagay lagi mo naman kasama yung sekretarya mong maganda kumain. Eh bat hindi nalang kayo mag sama?!" Tuloy tuloy kong sabi. Damn it! I sound like a jealous girlfriend here.
Narinig ko siyang tumawa na lalong kinabadtrip ko.
"Hey my jealous girlfriend. I'm gonna eat late lunch with you. Okay?"
Napangon ako at parang kumislap ang mga mata.
"Talaga?"
"Yep. So? Let's go?"
"Ipasan mo muna ako.."
"What?!"
"Ayaw mo? Okay.." akma na ako hihiga ulit ng magsalita siya..
"Aish! Oo na nga! Halika na.."
Bumaba kami ng pasan pasan niya ako.
Yeah. I'm being childish. Emotional. I have mood swings. I have wierd cravings.
Mixed emotions. Masaya. Takot. Lungkot. Disappointment sa sarili.
And yeah, I'm not yet sure but I think I'm pregnant.
BINABASA MO ANG
Sold For A Million Dollar (COMPLETED)
RomanceHe's Mr. Dylan Sy. My Bilogy professor. He's smoking hot and makes his students drool. And apperently, I was sold to him for a million dollar. *** A story of Ayesha Reyes ******* Copyright (c) 2016 by xxChinchin All rights reserved. No portion of th...
