twenty-one

97.5K 1.8K 39
                                    

Matapos ang konting salo salo para sa birthday ko kanina ay agad ring umalis ang mga naging bisita ko. Sila Mama ay may appointment sa kanyang doktor at sila Mommy Mariabel ay inasikaso ang mga papeles na gagamitin para sakanilang business tour next month.

Nagkagaanan din agd ng loob mga parents namin at thankful ako don.

Sila Jacob at Yana na hindi magkasundo sundo ay parehong may klase naman. Ngayon ay pareho kaming naiwan ni Dylan dito sa kwarto ko.

"D, kwentuhan mo ako."

"What do want me to tell?"

"Anything under the sun or anything about you or anything about the past. Just anything."

Tiningala ko siya and he just smiled. Magkatabi kami ngayon sa hospital bed ko. Nakahiga ako sa bisig niya tsaka siya nakayakap ng mahigit.

"Okay.."

Di na ako sumagot. It's his cue to start.

"Do you believe in love at first sight?" I shook my head. You can't love a man in just first sight. Kung may kakaiba kang nararamdaman para dun sa taong una mo pa lang nakilala, do you consider it as love? Ofcourse not!

"Well, I did." He continued. "When I was taking my MBA, third year. I saw a girl in the university and she's kinda lost. I think. Instead of asking or helping her to find her way in the university, I stalked her. I followed her for the rest of the day. And that's resulted to two-chapter reporting. But you know, it's all worth it."

Nakakainis! Aware ba siya kung ano kwinikwento niya? Hello? Fiancée na buntis here! And he's talking about the love of his life. Pero pinili ko pa rin siyang pinakinggan.

"We never crossed paths in the university, dahil pag alam kong masasalubong ko siya? Tataguan ko lahat ng pwede kong taguan." He chuckled.

"And she's also the reason why I became a professor. To watch over the girl." Aray ha?!

Nakita ata niyang nakasimangot ako kaya inangat niya baba ko gamit ang index niya. "Ano ba!" Tsaka ko pinalis ang ang kamay niya.

Sa dami ba naman niyang ikwekwento ay ayun pa! Kahit halata na na naiinis ako ay nagpatuloy siyang makwento. "You know? I fell inlove with her kahit na estudyante ko na siya."

Edi sana siya inalok mong kasal. Edi sana siya binuntis mo!

"Tama na. Pagod nako. Inaantok ako. Alis ka na dito." Galit kong sabi. Nakakairita na kasi siya!

"Edi matulog ka katabi ako."

"Masikip."

"Kanina naman hindi ah?"

"No choice lang. Alis na. Nakakairita ka naman eh!"

"Sabi mo magkwento ako. Tas tsaka ka maiirita?" He chuckled.

"Don't get jealous of yourself." He said and he mockingly laugh.

"I am not je-- what?! Of me?! What do you mean?!"

Huwag niyang sabihing....

"Yes, baby. Ikaw si her sa kwento ko." He laughed again. "Cute mo magselos!" Then he pinched my cheeks. Now, my cheeks are burning reeeed.

"But yes, I love you to the infinity and beyond" then he kissed me on my lips. Hinding hindi ako magsasawa sa mga labing ito.

Sabi ko noon sa sarili ko, bakit parang ang bilis yata? Mahal na ba niya ako agad? Kasi to sum it all, months palang kami nagkakasama. Does we consider it love? Pero napatunayan ko ngayon na hindi lang pala ilang buwan niya akong mahal, years na pala.

Ako? Ilang buwan ko palang siyang minamahal. Kelan nga lang nung aminin ko sa sarili ko eh.

But does it matter? Hindi naman sa tagal ng panahon yun ehh. Kundi sa nararamdaman mo. D believed in love at first sight, i don't. Kung sa unanv kita niya palang saakin ay alam na niyang pag ibig yun, why would I doubt my own feelings, dba?

Love is complicated. Really complicated.

But when you are with your man, knots can be untangled in seconds.

--

"Good Afternoon, maam. I'm nurse Shennyn. Ako po muna ang magmomonitor ng meds niyo. On leave po kaso yung nurse ninyo."

Sabi ng isang magandang babae na ngayon ay nasa harap ko. Busy na siya ngayon sa pag aayus ng gamot ko ng biglang lumabas ng banyo si Dylan. Kaliligo lang niya. And he's topless!

Napanganga naman ang nurse na ngayon ay titig na titig sa boyfriend ko.

"Miss! Yung gamot ko!"

"Ayy sorry po maam." Iniabot niya saakin yun pero ng naibigay na niya ay bumalik ang tingin niya sa kay Dylan na naghahanap ng tshirt sakanyang duffel bag.

"Miss. Gusto mong makakita ng buntis na nagtatanggal ng mga mata?"

"P-po?" Confused na tanong ng nurse at ngayon ay masama na ang titig ko sakanya.

"Gusto mo tanggalan kitang mata?! Kanina pa ako nakainom ng gamot oh? Tapos na. Makakaalis ka na."

"S-sorry po." Hinging pasensya niya tsaka siya pumihit patalikod at bago pa siya umalis ay tinawag ko siya. "B-bakit po?"

"Pakisabing ayaw na kitang makita sa kwarto ko" tsaka ko siya tinaasan ng kilay. Para siyang napahiya at natatakot nasaakin kaya di na siya sumagot at umalis nalang ng nakayuko.

"That was extremely rude." Sabi ni Dylan over his shoulder.

Don't blame me! It's the hormones that talking!

"I don't care." I rolled my eyes.

"D!! Ano ba?! Kagusto mo din kasing tinitignan yung katawan mo eh! Bilisan mo nga maghanap ng tsirt! Nakakairita ka!"

He just laughed and that made me more pissed.

--

"D? Kaya ka ba galit ng makita ako sa bar na nagsasayaw is because since day 1, crush mo na ako?" I tried to ask it mockingly para light lang ang maging flow usapan but then again, I saw his jaw clenched and he stopped slicing pears. "Sorry. please don't answer." pambawi ko sakanya.

"I'll answer it anyway. Yes. I was furious back then. Gusto kong tanggalan lahat ng matang nakatingin na nanunuod sayo nun. I am possessive kahit alam kong hindi naman kita pag aari nun. So, napilitan akong lapitan ang manager mo noon. I tried to tell her na patigilin ka but she doesn't want to. Kaya sinuhulan ko. I'll do everything para maialis ka dun. I bought you for a million dollar and I paid the manager for half a million."

Ganun? Ganun kalaking halaga para lang maialis niya ako sa trabaho? But isn't that much? Masyado siyang gumasta para lang saakin. I don't deserve it.

"Isn't that much? Masyadong malaki ang nainvest mo para lang mailabas ako dun? I don't think I deserve it."

Lumapit siya saakin and he caressed my cheeks, "You deserve everything in this world, A." He smiled. And that's enough reason for me to feel at ease.

Sold For A Million Dollar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon