A/N*** Since I just finished reading a story from watty written by my fave autor.I'll update :) Hope you enjoy!
--
I cooked for dinner since hindi dito naglunch si Dylan kanina. After the call kasi umalis na siya hindi niya sinabi kung saan siya pupunta but I guessed na tungkol ito sa tawag.
I don't mind, tho.
But..
Who am I kidding?! I do mind! Ilang oras na siyang wala dito sa bahay! Ni hindi nga niya ako nitetext o tinatawagan. He didn't even bother telling me where he'll go.
7:36pm on my clock.
Ready na lahat ng kakainin namin. The table is set. Pero wala pa din siya. Gutom na ako. I missed him already!
I texted him. Ilang beses. I even called him pero operator ang sumasagot.
Naghintay nalang ako ng Dylan na uuwi. Pero nakatulog na ako't lahat. Wala pa din siya, nalipasan na rin ako ng gutom.
11pm na.
Tinakpan ko lang yung kanin at ulam pero di ko ginalaw ang set up. Makonsensya sana siya.
Nawalan na rin ako ng gana. Uminom nalang ako ng gatas ko na unang beses kong tinimpla. Ni hindi ko nga alam kung tama pagkakatimpla ko kasi si Dylan ang gumagawa nun para saakin. Na ngayon, di niya ginawa.
Makonsensya sana siya na ginutom ako kahihintay sakanya!
I posted a sticky note on the plate na nakatakip sa ulam.
"I didn't eat kaso hinihintay kita. But turns out, di ka uuwi. Nalipasan na rin akong gutom so I lost my appetite already. Makonsensya ka!"
Di manlang nagpasabi na hindi uuwi. What the hell, di ba?
Nagising ako kinabukasan na wala akong Dylan na nakita sa condo. Just a sticky note on the fridge saying, "I'm sorry for last night. Gigisingin sana kita for dinner kaso hindi kita magising. I atr the dinner you cooked, anyway. But please eat your breakfast on the table. Just put water on your milk. It's on the table too. I love you. -D"
Nakakainis lang talaga siya! Ang daya! Ni hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi ko pa man siya nakikita!!!
God knows how much I miss him.
Instead na lunurin ko sarili ko sa inis sakanya ay nagsimula na akong magbihis at nagpuntang school. Dylan don't want me to dahil sabi niya baka daw mabully ako and my child is at risk. Pero anong gagawin ko dito? Magmumuni muni? No way!
I texted Lloyd na papasok ako ngayon, pati siya against but I prmosied I would be fine kaya pupunta pa din ako. He insisted na susunduin niya ako kaya di na ako nagpatalo. Baka di rin talaga niya ako payagan pumasok.
Nang makarating kami sa campus, the usual stare from judgemental people is what I recieved.Sanay naman na ako e so we go straight to my class.
"Are you going to be okay here?"
"Yes."
"Okay. Text me from time to time okay?" I just nodded in response. Paranng kapagod ko ng sobra.
Nung papunta na ako sa upuan ko ay may kaklase ako na tumalisod saakin, luckily nahawak ako sa upuan na nasa likod kundi bumagsak ako sa sahig and that might cause God knows what.
kumalabog ang puso ko. Shit muntik na yun. MUNTIK NA! Gusto kong magalit. Gusto kong sigawan si Angelika. She just won't stop! Pag may nangyaring masama sa baby ko, patawarin ako ng Diyos pero baka kung anong magawa ko sa kung anong magiging dahilan neto.
"Angelika!" Boses ni Lloyd ang narinig ko mula sa pinto. Sigurado nakita niya ang ginawa ni Angelika. Di pa din kumakalma ang puso ko. Kinakabahan pa din ako. Shit talaga!
"What? I didn't do anything!" She said with her innocent face. Crush ko sana tong babaeng to kung di lang siya demonyo eh.
Hindi na siya sinagot ni Lloyd yung sinabi ni Angelika. Pumasok siya sa classroom namin at inalalayang maupo.
"Akala mo naman kung ituring yang slut na yan ay damsel in distress na siya. Kaya niya nakuha ang simpatya ng mga tao noon dahil akala ng lahat Maria Clara siya. If I know, mas virgin pa ako saknya." She said rolling her eyes. Papatulan pa sana siya ni Lloyd pero pinigilan ko na siya. Sinamaan nalang niya ito ng tngin.
bumulong ako skanya, "Natatakot ako, Lloyd. Hanggang ngayon kumakalabog pa din yung puso ko. Paano kung nadapa ako at tumama sa isa pang upuan? Paano kung..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng tuluyan na akong napahagulgol. Shit, takot na takot pa din ako. I should've listened. Hindi nalang sana muna ako pumasok.
Lalo na't hanggang ngayon suspended pa din si Dylan dahil pending ang kaso namin dito sa school.
"Shh, walang mangyayaring masama sainyo ng baby mo. I promised." He said in a hushed tone tsaka niya ako tinatahan sa pag iyak.
"Napatid lang naman pero kung makaiyak akala mo inaapi na." BUlong bulong ni Angelika mula sa upuan niya.
It's more than that,Angelika. It's more than that.
****
Tinapos ko lang yung subject na yun tsaka na ako hinatid ni Lloyd pauwi. Pinilit pilit niya akong umuwi na dahil stress lang daw ang dala ng school saakin which I agree. Nag-stay din siya sa condo ng malaman niyang wala akong kasama. Nang tanungin ko kung may pasok ba siya o wala ang sagot niya lang ay; "Mas kailangan mo ako"
I appreciate it tho, nandyan siya sa mga panahong wala si Dylan sa tabi ko pag kailangan ko ng tulong.
Nakaupo ako ngayon sa dining at pumapapak ng chocolates. Si Lloyd ay nanunuod sa sala ng basketball.
Ngayong mag-isa ako ay nakapag iisip isip ako. Posible pala yun noh? Yung kamuhian ka ng mga taong di mo naman talaga kilala. It's Disappointing that they'll judge you just because you made a mistake and that is to love someone.
Ang hirap pala ng ganun. Ang bigat bigat sa dibdib. Feeling ko may nakadagan na ilang kilo ng bigas sa dibdib ko at wala akong magawa para matanggal yun. At anytime, pwede akong bumagsak dahil padagdag ng padagdag yung bigat. The bullying and the hatred I'm recieving? Those hatred I don't deserve.
Isa pa yang Dylan na yan. I Can't understand him. Mapapaiyak ka nlang talaga minsan sa depression.
Sumubsob ako sa dining table tsaka tahimik na umiyak.
Di ko manlang naimagine na magiging ganito ang buhay ko. I used to be nobody, now, I'm their center of attraction. Ako na ang nagiging prospect nila in bullying. How frustrating it can get, right?
"Still thinking about it?" Di na ako nagulat ng marinig ko ang boses ni Lloyd. Narinig ko ang upuan na gumalaw, siguro ay umupo siya.
"I just don't get it. Nakakapanghinayang kasi." Sabi ko sakanya ng hindi siya tinitignan. Naiiyak nanaman kasi ako.
"Yesh. Mas maraming bagay tayo na dapat pagtuunan ng pansin. Your baby and the wedding. Hindi mo dapat sila iniisip. There are more thing that desereves your time." He's combing my hair with his finger that soothes me well. Alam talaga niya kung paano pagaanin ang loob ko.
"Natatakot lang kasi ako. Paano kung sa susunod hindi na ako makahawak sa upuan? Paano kung sa susunod matuluyan na? Paano kung..." Hindi ko na naituloy dahil napahagulgol lang ako sa kaiiyak.
"Tahan na, Yesh. Di yan makakabuti sa baby."
Patuloy lang niya akong inalo hanggang sa maramdaman kong hinihila na ang talukap ng mga mata ko.
"Everything will be okay, Yesh." Is the last words I hear before darkness swallowed me.
**
A/N** I didn't re-read this chapter. So kung may dapat mang i-edit ay bare with it muna. 'Kay? 😉
BINABASA MO ANG
Sold For A Million Dollar (COMPLETED)
RomanceHe's Mr. Dylan Sy. My Bilogy professor. He's smoking hot and makes his students drool. And apperently, I was sold to him for a million dollar. *** A story of Ayesha Reyes ******* Copyright (c) 2016 by xxChinchin All rights reserved. No portion of th...