"Oh my gosh!" Sigaw ko tsaka napahawak sa dibdib ko. Nakakagulat naman tong taong to. Paano kung nadulas ako? Tsk.
Palabas kasi ako ng banyo ng makita ko siyang nakaupo sa kama ko na ngumingisi ngisi pa. And for Pete's sake, nakaunderwear lang ako! My gosh!
Naglakad ako palabas at dederetso na sana sa closet ko para isuot ang maternity dress ko ng bigla niya akong hilain tsaka napaupo ako sa lap niya. Ilang beses na niya akong nakitang naka-undies lang kaya medyo nasasanay na din ako.
Pero sa ganitong posisyon ay siguradong namumula na ng parang kamatis ang mukha ko!
"U-uhm.. magbibihis lang ako." Sabi ko sakanya pero di pa din niya ako pinakawalan. Ngumingiti lang sya habang nilalaro ang tiyan ko na ngayon ay malaki na. Anim na buwan na rin kasi eh.
"Kapag ako nalamigan dito at nagkasakit, kasalanan mo." Panakot ko sakanya. Tsaka naman niya ako inangat ng dahandahan tsaka inupo sa kama ko.
Dimiretso sya sa closet ko tsaka namili ng isusuot ko. Bakit hindi nagsasalita to?
"Here.." inabot niya saakin ang puting maxi dress. Sweetheart ang neckline neto kaya bat eto? To think na he's very possessive.
"Sure?" Tumango lang siya saakin.
Nakapagtataka.
Isinuot ko nalang yun tsaka ko tinaggal ang strap ng brassiere ko. Humarap ako sa full length mirror. And damn, my skin above is too exposed.
"Oh!" Tsaka niya hinagis sa banda ko yung tela na kung ano man yun. Narinig ko ang tawa niya ng hindi ko yun masalo at tumama sa mukha ko.
"Urgh! Ano ba problema mo?!" Naiinis kong sabi sakanya. Kanina pa siya ah!
"You're just cute." Tsaka niya pininch yung ilong ko. Bakit ba sobrang saya niya ngayon??
Pinuntahan niya ako tsaka niya isinuot saakin yung blazer na inihagis niya. Ahhhm blazer pala yun.
Nagpunta ako sa shoe rock ko tsaka kinuha yung 2-inch wedge shoes na babagay sa maxi. Matatapakan ko kasi kapag nagflats ako.
"Na ah, baby" iiling iling pa sya tsaka niya kinuha saakin yung heels at kinuha yung sandals na string.
"Mahirap isuot yan." Protesta ko sakanya ng ibigay niya saakin yun. Duuh. Kailangang ayusin yung mga tali nun tsaka itatali sa baba ng tuhod. Malaki na ang tiyan ko kaya hindi na ako makakayuko!
"Halika, ako na magsusuot." Sabi niya tsaka niya ako pinaupo. I bet hindi niya alam kung paano isusuot yun saakin.
Nakahalukipkip lang ako tsaka siya pinapanyod na ayusin ang buhol. Nang matanggal na niya ay tinitignan lang niya yung sandals ko. Konti nalang e matatawa na ako sa pagkakakunot ng noo niya.
"ano? Kaya pa?" Tanong ko sakanya at tuluyan ng natawa.
"Tss." Lang sinabi niya tsaka niya isinuot yun saakin. Medyo nananaba na ang paa ko tsaka ko. Sabi nman ni mama ay normal lang ito. "Done!" Sabi niya ng matapos niya yung isa. Ng tignan ko yun ay tapos na niya yung isa pero natigil siya sa pag aayos nung isang sandals ng marinig niya akong tumawa. "What?" Iritado niyang sabi.
"Eh kasi.. pfft.." inikot ikot lang kasi niya yung tali sa may ankle ko. "D, dapat dito kasi nakatali!" Sabi ko tsaka ko tinuro ang baba ng tuhod ko.
"Ang dami namang arte." Sabi niya pero inulit naman niya yung tali.
Magpapaultra-sound kasi kami ngayon. Sabi kasi ng OB ko ay pwede na naming makita ang gender ng bata. Kaya excited na ako tsaka si Dylan.
"So, how are you both?" Dra. Ynarez asked us with a wide smile.
BINABASA MO ANG
Sold For A Million Dollar (COMPLETED)
RomanceHe's Mr. Dylan Sy. My Bilogy professor. He's smoking hot and makes his students drool. And apperently, I was sold to him for a million dollar. *** A story of Ayesha Reyes ******* Copyright (c) 2016 by xxChinchin All rights reserved. No portion of th...
