Dalawang buwan na si Mama sa hospital, ganun rin ako sa trabaho ko pero yung lagay ni mama ay di pa rin umaayos. Wala. As in, bokya! Wala talagang kahit anong pagbabago!!
Kasalukuyan akong nakikinig sa prof kong gwapo este nagtuturo.
Si Sir Dylan Sy ay half chinese at half Filipino pero dito daw siya lumaki. Kilalang notorious playboy nung kabataan niya. 27 na si Sir Dylan at wala pa ring asawa. Bakla kaya siya? Sa ganda ng katawan niya ay hindi naman siguro.
Natapos ang klase niya at Philosophy naman ang next subject ko. Nakinig ako dahil malapit na rin ang Finals. Nakikinig nalang ako ng maayus at sinisiguradong natatandaan ko sila dahil sa bahay ay wala na akong oras mag review.
Agad ding natapos ang mga klase ko at maaga na akong nakauwi. Dederetso nalang ako sa trabaho kahit na hindi ko pa duty. Dagdag bayad din yun.
"Ayesha!" Tawag saakin ni Auntie.
"Bakit po? Okay lang po ba kayo? Namumutla po kayo." Nakajacket din si Auntie at singhot ng singhot.
"Trina-trangkaso kasi ako, Yesh. Kaya di ako makakapasok. Pakisabi nalang kay Madame."
"Ngayon lang po ba yan? Osige Auntie ako na po ang bahala. Magpahinga po kayo ng maayos. Ipagluluto ko po kayo ng Champurado bago ako gumayak." Sabi ko kay Auntie.
Kung lagnatin pa man din si Auntie ay umaabot ng isa hanggang dalawang linggo. Minsan lang pero grabr sya magkasakit.
Auntie smiled. "Osige. Salamat, Yesh!"
Papunta na ako ngayon sa trabaho ko. Naihatid ko na rin ang champoradong naipangako ko kay Auntie. Mas maaga ako ngayin dahil walang prof ang last subject ko kanina. Nakapag ayos pa ako sa bahay kahit papano bago gumayak.
"Mira!" Tawag ko sa kasamahan kong nagseserve na. Sa dalawang buwan ko ay natuto akong maglagay ng kaonting eyeshadow at lip tint. Naipapahiram saakin ni Mira ang make up niya kaya di ko na kelangang bumili.
"Oh? Ang aga mo ata Yesh?" Tanong niya ng makabalik mula sa pagseserve.
"Ah oo. Wala kasi akong prof ng last subject." Sagot ko saknya.
"Ay ganern? Okay sige. Alam mo naman kung saan nakalagay make up ko diba? Madami ng costumers kaya di na kita maayusan!" Sabay kuha niya ng limang bote ng smirnoff sa counter.
"Nang ganito kaaga?!"
"Oo! May nagrent ata. Parang celebration something. Idunno. Bilisan mo na dyan! Punta lang akong table 6." Nagtanguan lang kami tsaka na ko dumiretso ng dressing room.
Papa calling...
Kinabahan naman ako. Di ko alam kung may nangyari ba kay mama o dahil sobrang guilty ko dahil hanggang ngayon wala pa siyang alam sa mga pinaggagagawa ko.
Humugot ako ng malalim na hininga tska simagot ang tawag.
"Pa..."
"Hello? Yesh? Asan ka, anak? Ang mama mo!" Kumalabog ng husto ang puso ko sa narinig ko. Wala pa man ay sobrang kinakabahan na ako.
"Bakit pa? Ano nangyri?" Narinig ko na ang paghikbi ni papa kaya di na talaga maganda ang kutob ko.
Maaga akong nagsimula kaya ayos lang siguro kung aagahan ko ang paglabas.
"Hindi na maganda ang lagay ng mama mo Yesh. Kelangan na niyang maoperahan sa lalong mdaling panahon. Kung hindi, mawawala saatin ang mama mo." Patuloy ang paghikbi ni papa sa kabilang linya.
Gustuhin ko mang sabayan ang hikbi ni Papa perp pinigilan ko anh sarili ko. Kelangan kong maging matatag para kay Mama.
"Sabihin niyo po sa doktor na umpisahan na."
"Kelangan nating mag down at masettle ang 70% ng nauna nating bill, anak. Umabot na tayo ng dalawang milyon. Maliban pa sa mga gamot ng mama mo na binibili sa labas."
"Ako ng gagawa ng paraan papa. Wag ka mag alala." Alam kong magpro-protesta pa si papa kaya di ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Pinatay ko ang tawag at dumiretso kay Miss Garcia.
Naabutan ko pang nakikipag usap si Miss sa isang bartender ng agawin ko ang atensyon niya.
"Ano yun, Ayesha? Nakuuu! Sayang talaga ang katawan mo hija. Kung magsasayaw ka lang at mag e-entertain ng costumer ay pak na pak na!" Sabay kurot niya sa braso ko. "Mas malaki pa ang kikitahin mo kesa sa pa-tip tip lang dyan."
"Ayun nga po, Miss. Gusto ko pong magsayaw." Lunukan na to ng kahihiyan.
Noon pa man ay mahal ko na ang pagsasayaw pero di ko maisingit sa schedule ko kaya sa banyo nalang ang nagiging dance studio ko.
Kitang kita ko pa ang gulat na rumehistro sa mukha niya na agad napalitan ng pagkagalak. Inutusan niya akong magpalita at kapalan ang make up.
Bahala na kung magalit si Auntie Carla. Basta ang akin, mailigtas ko si mama.
At ngayo'y nakikita ko nalang ang sarili kong maluluha luhang gumigiling sa entablado at harap ng maraming tao. Nakikita ko pa rin ang pag aalala sa mga mukha nila Mira kanina ng masabi ko ang plano ko.
"Hindi mo naman kelangang umuwi kasama ang mga costumer. Entertain mo lang. Tsaka di pa kita papayagang lumabas. Konting hawak lang ay sigurado namang kikita ka ng malaki." Sinabayan pa ng kindat ni Miss Garcia ang sinabi niya kanina.
Buti nalang at wala si Auntie. Dahil kung hindi ay wala ako ngayon dito sa harap. Mula sa mga nakaupo sa naglalambutang mga sofa ay nakikita ko ang mga lalaking nagwawagayway ng kulay asul na papel.
Ganito ba talaga? Handa kang gumasta para makaraos ng isang gabi? Samantalang ako, kami, ay di magkanda ugaga sa kakahanap pang pa-opera ni Mama? Selfish bastards!
Pagtapos ng halos limang minutong performance ay agad akong hinila ni Miss G.
"Nakuu! Sabi na nga ba at magiging in demand ng beauty mo! Madaming nag dedemand sayo kanina, syempre naman, fresh, young, sexy, gorgeous ang virgin!!" Buong aliw niyang sabi. At sigurado akong parang kamatis na ang buong mukha ko sa mga compliment na narinig ko.
"T-Thank you, Miss."
"Oh siya! May costumer ka." Yun palang ang sabi niya ay parang may nangangarerang kabayo na sa puso ko. Sana ay wag akong mawalan ng pagkabirhen!
NapakamakaDiyos kong tao pero eto ako at gumagawa ng napakamalaking kasalanan sa Kanya.
Tahimik kong sinundan si Miss G sa may VIP room.
Ganon nalang ang paninigas ng buong katawan ko ng makita ang lalaking naghihintay sa akin.
"Sir, This is Ayesha."
Sabi ni Miss sa lalaki.
Bakit? Paano?
Prente siyang nakaupo sa mahabang sofa at nakadantay ang pareho nitong kamay sa magkabila niyang side. Nakadekwatro at maturan akonh tinignan.
Sinalubong ko ang kaniyang titig. Kahit dim lights ang kita ko ang nagliliyab nitong mga mata. Tila ba galit na galit. Makikita rin ang pag angat baba ng kanyang dibdib tila nagpipigil ng galit.
"Maiwan ko na kayo" paalam ni Miss G saamin.
"S-Sir..." pag aalangan kong tawag.
"Ayesha.." seryoso at malamig niyang tugon.
What is happening? What on earth is he doing in this place! For pete's sake!
He's my goddamn professor!!!!
---
A/N** I'll private the next chapter babeszcx 😚😂 you may follow me to be able to read the private chapters. 😊 sml 💕
BINABASA MO ANG
Sold For A Million Dollar (COMPLETED)
RomanceHe's Mr. Dylan Sy. My Bilogy professor. He's smoking hot and makes his students drool. And apperently, I was sold to him for a million dollar. *** A story of Ayesha Reyes ******* Copyright (c) 2016 by xxChinchin All rights reserved. No portion of th...
