"Bakit ang sama ata ng timpla mo? Woke up in the wrong side of the bed?" Tanong saakin ni Jacob.
Kasalukuyan kaming naglilibot libot sa campus. Niyaya ko silang maglakad lakad muna para magpalamig ng ulo. Di ko rin magets kung bakit ganito nararamdama ko. Naiinis ako. Feeling ko sa buong mundo ay may galit ako.
"Ganyan lang talaga kapag nagbabago na ng fashion sense." Sabay hagalpak ng tawa ni Lloyd kaya lalo akong nainis.
Tumigil ako ng lakad. Naiinis na kasi talaga ako. Ayoko ng may kasama kapag ganito na masama ang timpla ko.
"Dyan lang kayo ha? Huwag kayong aalis dyan." Kalmado kong sabi sakanila tsaka nagsimulang maglakad ng paatras tsaka sila sinesenyasan na wag gagalaw dun.
"Teka! San ka pupunta?"
"Basta! Dyan lang kayo ha?"
"Ayesha..." rinig kong tawag pa ni Jacob pero huli na. Nabunggo na ako sa pader sa lakas pa ng impact ay muntik pa akong matumba buti na lang ay nasalo ako ng pader.. Ay este, nung matigas na nakabunggo saakin.
"Careful, woman." Parang teleserye lang na natulala ako sakanya habang inaalalayan niya akong tumayo. Nang maitayo niya ako ay di ko pa rin naitanggal ang kamay ko sa mga braso niya at kamay niya sa likod at braso ko.
Parang bigla yatang tumahimik? Bigla nawala ang mga tao sa paligid. This foreign feeling na sakanya ko lang nararamdaman.
"Ayesha!" Tila napaso ako sa hawak ni Dylan at agad akong napabitaw sakanya at napaatras ng bahagya. Pinagpagan ko pa ang damit ko kahit di naman narumihan.
"Ayos ka lang?" Napatango nalang ako sa tanong ni Jacob tsaka nagsimulang maglakad palayo. Ay mali, tumakbo ako. Na parang hinahabol ako ng pulis at ako ang kriminal.
Narinig ko pang tinawag nila ako the hell I care?
Nagtataka na ako sa inaasal ko.
Basta ang gusto ko lang ngayon ay lumayo sakanya, sakanila. Gusto kong mapag isa. At kapag ganito ay isa lang naman ang gusto kong makita at makasama...
Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa mahanap ang hinahanap ko. Napangiti nalang ako ng mapait ng makita ko.
Dumeretso ako sa stall na puro gummies at naupo sa isang monoblock.
"Shiela, pakibantayan lahat ng makukuha ko ha? Babayaran ko ng minsanan." Sabi ko sa isang ka-block ko.
"Sige lang, Ayesha. Wala rin naman kami gaano costumer."
Sinimulan ko ng kumuha plastic tsaka yung plastic na tong na pangkuha nila ng gummies. Hinayaan nalang ako ni Shiella na magself service dito. Buti nalang at di niya ako dinadaldal. Dahil sigurado, iinit lalo ulo ko.
Sinimulan ko na sa gummy bears at gummy worms ang pagkain ko. Nung bata ako tuwing nagtatampo ako kay Papa ay ito lang ang ibinibili niya saakin. Nagiging maayos at mahinahon ako.
Meron pa nung walo o siyam na taon palang ako ay kinaaway ako ng kalaro ko sa kapit bahay dahil ayaw kong ipahiram ang manikang binili ng papa ko. Sa galit niya nun saakin ay sinira niya yun. Tinanggal ang mga kamay at paa pati ang ulo. Ang mga damit ay pinagtatapon niya sa basurahan.
Umuwi akong umiiyak habang hawak ang sirang manika ko. Nang makita ako ng papa ay agad niya akong inalo pero dahil sa mahal ko ang manika ay di ako tumahan. Ibinili nalang niya ako ng gummy bears sa malapit na sari sari store. Dun lamang ako huminahon.
Gummies ata ang comfort food ko.
Nakailang balik pa ako bago napagpasyahan mg umalis na at lumipat ng makakainan.
BINABASA MO ANG
Sold For A Million Dollar (COMPLETED)
RomanceHe's Mr. Dylan Sy. My Bilogy professor. He's smoking hot and makes his students drool. And apperently, I was sold to him for a million dollar. *** A story of Ayesha Reyes ******* Copyright (c) 2016 by xxChinchin All rights reserved. No portion of th...
