three

123K 2.1K 2
                                        


"Auntie? Auntie, andyan po ba kayo?" Tawag ko mula sa labas ng bahay ni Auntie Carla. Baka wala na sya at nagpunta sa bar na pinapasukan niya.

Kailangan ko talaga ng trabaho at siya lang makakatulong sakin.

"Oh Ayesha. Buti naabutan mo pa ako. Paalis na ako ehh. Anong kailangan mo? Kamusta pala ang mama mo?" Automatic na nanlumo ako ng marinig ang pangangamusta ni Auntie kay mama.

"Ganun pa rin po, Auntie. Uhm, Auntie, kelangan ko po ng trabaho baka matutulungan nyo po ako."

"Ano? Hindi papayag ang mga magulang mo dyan!" Sabi na nga ba't hindi siya sasaang-ayon.

"Kahit waiter nalang sa bar, Auntie. Wag nyo nalang sasabihin kay papa." Nagmamakaawa kong sabi.

"Oh sya. Susubukan kitang ipasok sa club pero waitress lang, ha? Kapag inalok ka ni Miss Garcia na sumayaw wag kang papayag. Maganda ang katawan mo at fresh looking ka. Kaya madaling makakaagaw ng atensyon yan. Pero, Yesh. Wag na wag na wag kang papayag!" Napatango nalang ako kahit kabado ako. Hindi rin naman ako papayag na ibenta ang katawan ko sa kung sino lang dyan.

"Magbihis ka na at aantayin kita." Kinuha niya ang phone niya tska may dinail na numero. "Tatawagan ko lang si Miss Garcia."

"Opo, Auntie. Bibilisan ko po. Thank you po, Auntie." Binigyan ko sya ng mabilis na yakap tska tumakbo na papasok sa bahay.

****

Sa likod kami ng bar dumaan. Maaga pa at wala pa sa peak ang party na nangyayari sa loob.

"Miss Garcia!" Tawag ni Auntie sa babaeng nasa mid-30's na siguro.

"Siya na ba yan?" Sabay turo sakin ni Miss Garcia na tinanguan lang no Auntie. "Sigurado ka ba? Mas malaki ang kikitain niyan kung magsasayaw siya. May disi-otso ka na ba, ija?"

Tumango ako sakanya at magsasalita na sana ng unahan ako ni Auntie.

"Naku, Miss Garcia. Masyado pa siyang bata para sa pagsasayaw. Waitress lang ang maaari, Miss."

"Oh sya sige. Papuntahin mo na kila Mira yan at ng maayusan"

"Oho, Miss."

Nakarating kami ng dressing room at bumungad saakin ang 4 na mga babae. Magaganda ang mga katawan at maamong mukha. May isa lang na parang bitch ang itsura pero never mind.

"Oh girls, eto ang inaanak kong si Ayesha. Makakasama niyo siya sa pagseserve. gandahan niyo ang pakikitungo sakanya, okay?"

"Sge, Carla. Ako ng bahala sakaniya." Sabi ng babaeng maputi at petite.

"Osige, Mira." Binalingan naman ako ni Auntie sabay sabing "magpakabait ka ha? Pupunta na ako sa trabaho ko."

"Thank you, Auntie." Nginitian ko siya at binigyan ng mabilis na yakap.

"Basta mga pangaral ko, wag mo kakalimutan." I noddee as response.

"Oh, halika na girl. Magsisimula na tayo. Light make up ang i-a-apply ko sayo ha? Maganda ka na kasi ehh." sabi ni Mira.

Sinimulan na nila akong ayusan. Light make up gaya ng sabi niya. Naka-pig tail din kami at medyo naka-cirl. Nakapolo shirt kami ng red, close neck at naka-tuck in sa skirt na isang ruler ata ang haba mula sa tuhod ko. Ang iksi! Naka medyas ako ng may lace sa taas at black shoes na heels. May puting apron din na nakatali ang sa waist.

Ilang paalala din ang sinabi nila saakin, wag daw akong papabastos. Okay lang daw tumanggap ng tip kasi parte yun ng trabaho. Pero yung tip na walang kapalit. Kaya nga tip eh.

8pm na ng gabi at wala pa sa peak. Kaya wala kaming gaanong ginagawa. Pero makalipas ang ilang oras ay nasa peak na ang party at ang wild na nila. Hindi maiiwasan na mahipuaan ka. Pero pinagsasawalang bahal ko nalang basta hindi natatapakan ang dignidad ko bilang babae.

Ang sakit na ng paa ko dahil sa heels at pati ang pinaghalo halong amoy ng usok ng sigarilyo at alak. Hindi ako sanay sa ganito. Sa trabaho, oo. Pero sa amoy ay hindi.

2am na at out ko na.  Binilang ko ang tip na nakuha ko at 1,250 ang nakuha ko. Hindi na masama sa nagsisimula palang. Hayys.

Nagpaalam na ako sa mga kasama ko at kay Auntie. Nauna na akong umuwi pagtapos magbihis. Hanggang closing na kasi si Auntie mamayang 4am. Eh may klase pa ako kaya di ko aabutan yun.

Pagdating ko sa bahay ay wala pa si papa. Malamang doble-kayod din siya ngayon.

Nilagay ko sa box ng sapatos ko yung pera na nakuha ko ngayon. Nakakapagod. Buti nalanh at 9am-3pm lang ang pasok ko kaya di ako mahihirapan sa shifting ko ng school at trabaho. Makakatulong pa ako sa pag aayos dito sa bahay.

Yun nga lang baka madalang kong mabisita si Mama. Pero dibale na, para naman sakanya to eh.

Naglock nako ng bahay para makatulog na. May spare key naman si Papa kaya ayus lang.

I must say, productive ako ngayon. At maliban sa problema ko kay mama ay wala ng iba. Stable ang scholarship ko at ayos ang trabaho ko.

I sighed. I kneel-down and pray to my Almighty God.

Pagtapos kong manalangin ay nagpahinga na ako. Maaga pa ako mamaya, walang oras na dapat sinasayang.

I heard my Papa's taxi's engine before I went to a deep sleep.

Sold For A Million Dollar (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon