Twenty Eight

88.9K 1.5K 16
                                        

10:30am ng dumating ako sa bahay namin. Earlier than my mama expected. Ayoko lang talaga ng mag isa sa condo. And as usual, wala akong naabutan na Dylan sa unit.

But just like the routine, nakaprepare na yung breakfast ko kanina tsaka gatas, ang magsalin nalang na maligamgam na tubig ang ilalagay ko.

But that's not enough. Far from being enough.

I doubt him, yes. But still, I love him. It's him who I doubted and not the love I'm feeling. It's different.

"Aga mo ah?" Salubong saakin ni papa tsaka niya ako hinalikan sa noo. Inayakap ko naman ang braso ko sa bewang niya tsaka niya ako iginiya sa loob.

"Di mo masisisi ang anak na nakakamiss sa mga magulang." Sagot ko at tumawa ng mahina.

"Namimiss mo lang ang luto ng mama mo eh." Biro niya. Which is totoo naman kasi puro deliver nalang ang kinakain ko.

"Kinda. Kasi naman puro deliver nalang kinakain ko." Sagot ko ng may simangot sakanya.

Napakunot naman ng noo si papa sa sinabi ko.

"Bakit? Hindi iyon malusog para sayo 'nak."

Nagkibit balikat ako tsaka hindi nalang pinansin ang sinabi ni papa. "Nasan po pala si mama?" Pagda-divert ko sa usapan. Pag nalaman niyang si Dylan nagpapadeliver ng mga pagkain ko ay baka masapak lang sya ni papa.

"Andun sa kusina, naghihiwa kami ng mga rekado sa pakbet ng dumating ka."

"Ganun po ba? Osige po. Tulungan ko nalang po si mama sa kusina." Tumango lang siya at nagpaiwan na siya sa sala.

"Ma." Tawag ko kay mama na busy sa paghihiwa ng mga rekados. Umupo ako sa harap niya tsaka nakialam na sa paghihiwa pagtapos ko siyang yakapin at halikan sa pisngi.

"Oh anak. Kaaga mo ah?"

"Wala rin po kasi akong kasama sa bahay namin. Ang boring."

"Bakit nasan ang asawa mo?"

"Di ko po alam. Masyado po siya nagiging busy e. Di ko na po alam kung saan siya." Sagot ko ng hindi siya tinitignan. Pero kahit di ko siya tinitignan. Alam kong nakakunot na ang noo niya.

"Ma.." mahina kong pagkuha mg atensyon niya.

"Sige na anak. Anong problema mo?" Alam talaga ni mama kung kailan ako may problema. Yun ang ikinamamangha ko sa mga magulang. They always know kung ano yung mga binibitbit mo. And they're always there kunt sakaling nabibigatan ka na.

I wonder if magiging ganun din ba ako kung ako na ang magulang.

"Kasi mama.. Alam mo naman pong bago ako sa mga ganito di ba?" Tumango siya habang pinagpatuloy ang paghihiwa. Kahit di siya nakatingin alam kong mga tenga niya ay naka-focus sa kung ano ang sasabihin ko. Kaya nagpatuloy ako..

"Kasi mama si Dylan.." hindi ko na naituloy ng humikbi na ako. Napaangat na ng tingin si mama saakin at pinapanuod akong umiiyak. "Para kasing wala na. Para pong nagbago na siya."

"Paano mo nasabi?" Tanong saakin ni mama na mataman akong tinitignan habang umiiyak ako. Ang mama ko laging ganyan, tuwing naglalabas ako ng problema ko ay panunuorin lang niya ako. Hindi gaya ni papa na aaluhin muna ako bago ako pakinggan.

"Ma wala na siyang oras saakin. Madalang ko napang sya makita kahit nasa iisang bubong kami. Hindi na gaya ng dati na kahit gaano siya kabusy, may oras siya saakin. Mama ngayon wala na.." mahaba kong paliwanag. Di ko lang alam kung naiintindihan niya kasi panay pa din ang iyak ko habang nagsasalita.

"Nakausap mo na ba siya?" Umiling ako. "Kumonikasyon, anak.."

Napamulagat ako sa sinabi ni mama. Nang napaangat ako ng tingin sakanya ay tipid lang siyang ngumiti.

"Oh ilagay mo na yang talong at ampalaya dun tsaka mo takpan yung kawali." I did what I was told.

Yun kasi ang kulang saamin, communication. One word lang but my mom meant a lot. The power of being a mother.

"Eh mama. Paano kami magco-communicate kung wala naman siya lagi." Tanong ko kay mama ng bumalik ako sa kinauupuan ko.

"Inaway mo kasi ako kagabi." Napatayo ako ng makita siya sa may hamba papasok ng kusina. May dala siyang bouquet ng mga iba't ibang klase ng bulaklak. Meron din siyang dala na ferrero rocher. Shocks! Fave ko yun!

Nang tinignan ko siya sa mukha ay nakangiti siya pero malungkot yung mga mata niya.

"D.." sabi ko pero nakatulala pa din sakanya.

"Di mo man lang ba ako yayakapin? Namiss kita e." Tsaka pa sya nagpa-cute. That pouty lips!

"Anak, ano na?" Nilingon ko si mama na nginunguso si Dylan tsaka mangingiti.

Para naman akong nagising at patakbong nagpunta sakanya tsala yumakap.

"Dahan dahan ka naman. Baka ka madapa." Sabi niya tsaka ibinalik ang yakap kahit may hawak siya sa parehong kamay tsaka niya pa ako hinalikhalikan sa ulo while he keeps on chanting his apology.

"No. Sorry." Sabi ko sakanya na hindi pa din humihiwalay sa pagkakayakap sakanya. Gawd! I missed this smell. Alam naman niyang kagusto ko ng amoy niya e. Tas lagi siyang wala.

I heard him chuckled. "Halika na nga dun sa sala. Nakakahiya na kay mama." Nilingon ko naman si mama na ngayon ay inilalagay na yung ibang gulay sa pakbet.

"I told you not to pout. Baka halikan kita sa harap ni mama." Namula naman ako sa binulong niya. Nakakaasar talaga siya e! Hinampas ko siya sa dibdib tsaka siya tumawa ng malakas.

Kinuha ko naman yung ferrero sakanya tsaka dumiretso na sa kwarto ko. Ang tagal ko ng nagcri-crave sa chocolate na galing sakanya!!

"Paano tong flowers??" Sigaw niya mula sa labas at alam ko tumatawa nanaman siya.

"Di ko makakain yan!" Sigaw ko rin pabalik mula sa kwarto. Natatakam na ako dun sa chocolate!

Sinimulan ko ng lantakan yung chocolates ng pumasok si Dylan sa kwarto ko. Alam ko namanh sya yun kaya di ko na sya tinapunan ng tingin.

"A.."

"Hmm?"

"Sorry. I've been so busy sa company kasi masyadong demanding yung foreign investor namin and I can't let this one slip." Pagpapaliwanag niya.

"Okay.. then?" I wanna hear more. Hindi sapat yun. "And Sophia?"

Nakita kong napamulagat siya sa tanong ko pero agad ding nakarecover.

"She's uh. uhm She's a college friend and uh, s-she just came home from States." Napakunot noo ko. If Sophia is just a college friend, why does he need to stutter.

"Really?"

He nodded and look away.

"Okay. Sabi mo e may tiwala naman ako sayo." I smiled and held his hand. "Just please don't ruin it."

"I love you, Ayesha. Okay? No matter what happen, I'll always love you." Hinalikan nya ako sa noo tsaka sa ilong and lastly on my lips. "Hmm. Ang sarap pala nung chocolate."

Hinampas ko naman siya a biro niya! Nakaasar siya! Parang umuusok na yung mukha ko sa sobrang init neto.

"Pasalamat ka mahal kita!" Asik ko sakanya.

"Salamat." Tumawa sya tsaka niya ako hinalikan ulit.

I responded to his kisses.

Masaya ako na maayos na kami. Na okay na.

Pero okay nga ba? I feel something wrong.

Para talagang may mali. But now, I just need to set aside those. Gusto na ulit maging masaya.

Sold For A Million Dollar (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon