seventeen

104K 1.9K 49
                                        

Natutulog si Dylan sa tabi ko ng magising ako. Umalis ako at pumuntang banyo para sa early bath.

This past few days ay nagiging masyadong maantukin si Dylan. Kung dati'y 4:30am ang bangon niya ngayon ay 6:00am na. Kung hindi ko gigisingin para sa trabaho ay aabot siya ng hanggang tanghali.

Pagtapos kong maligo ay agad rin akong nakapagprepare ng breakfast. Naduwal pa ako ng maamoy ang pepperoni pizza sa ref. Kaya agad kong tinggal at itinabi iyon. Sayang kung itatapon ko.

"Dylan.." bahagya kong tinapik ang balikat niya at ungol lang ang isinukli niya. Ang hirap namang gisingin neto. He's been like this since we knew I'm preggy.

Nagsisimula na akong mainis kaya ng sumunod ay hindi tapik ang nagawa ko sa pisngi niya kundi sampal na.

"Urgh!! What is it, Ayesha! Damn it! It's too damn early!" Sigaw niya kaya naman nagulat ako. Hindi na ulit niya ako sinisigawan simula nung....

Ugh! Goddamit! Nararamdaman ko nanaman ang pag iinit ng sulok ng mga mata ko. Nakakainis talaga pag naglilihi. Ang hirap pigilin ng luha.

"Di wag!" Bulong ko sa sarili ko. I wiped my tears harshly at nagpuntang kusina para kumain.

Naglagay ako ng fried rice at bacon sa plato at habang kumakain ay para akong tangang umiiyak.

Di kalauna'y lumabas din si Dylan na parang katatapos lang maghilamos.

Akma siyang hahalikan ang ulo ko ng nag iwas ako at tumayo. Dinala ko na yung pinagkainan ko sa sink.

Nakita ata niya ang pamamaga ng mga matako kaya hinuli niya ang braso ko.

"Did you cry?"

Akala mo naman di niya alam. "Why?" Tanong niya ulit. Pero nanatili ako nakatingin sa gilid ko at di siya kinakausap. "Sabihin mo naman.." frustration evident in his voice.

"Anong gusto mong sabihin ko? 'Hello? Minura at sinigawan mo lang naman ako kanina.' Yun ba? Psh. Wag na. Magsasayang lang ako ng oras"

"Did I?" He's shocked. Asshole.

"No. You said I love you." I said sarcastically. And then realization hits me. "Okay, nevermind."

Umalis na ako dun at nagpunta ng kwarto niya. Simula ng magbuntis ako ay hindi na siya natutulog dito. Gustong gusto ko ang view mula rito sa taas. Yung hangin nakakapagparelax saakin.

Hindi namam niya ako binabawalan kaya nagiging tambayan ko rito.

"Yesh.." tawag niya mula sa pinto ngunit nanatili akong nakatingin sa labas. Nahihiya pa rin ako sa nasabi kanina. Tumabi siya saakin tsaka ako inakbayan. Gusto ko sanang sumandal tsaka samyohin ang amoy kaso nauna siyang sumandal saakin. Tsaka siya humikab. "Sorry.."

"Inaantok ka nanaman?" Nagsimula nanaman kasi siyang pumikit. Iniyakap niya ang isa niyag kamay sa bewang ko tsaka nakaakbay ang isa.

Tumango siya tsaka niya sinabing, "Oo eh. Ganito rin si Anthony nung naglilihi yung asawa niya. Kaya lagi kong napapagalitan noon. Now I understand why." Nakapikit pa rin siya habang nagsasalita.

"You better get up now. Male-late ka na."

"I'm the boss." Kaswal niyang sabi.

ilang minuto na ganun ang sitwasyon namin. I'm loving this. Kahit alam kong temporary. Kahit di pa ako sigurado sa nraramdaman ko. Kahit ang pag aadmit na gusto ko itong pangyayari ngayon ay magawa ko.

"Yesh?.." he sleepily called my name while I'm playing with his hands.

"Hmm.."

"The moment I told you I love you, please know that I'm sincere."

I froze.

Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Di ko alam kung may dapat ba akong sabihin. Kung ano ba dapat ang maramdaman ko.

Masaya ako but at the same time I'm terrified.

"I'm scared.."

Napaangat siya nung sinabi ko yun sakanya. Confused.

"Why?"

"That I might fall too and eventually got broken."

"Don't hold back." He said and his grip tightened.

"I don't. I'm just confused." Di ako sanay sa ganitong usapan namin ni Dylan. "I.. I think I l-love you too."

He smiled pero hindi umabot hanggang mata.

"Take your time. Pangako, mahal pa rin kita sa mga panahong sigurado ka na sa nararamdaman mo." Tumayo siya at hinalikan sa ulo.

"paano? Work na ako. Call me when you need anything. Okay?" I simply nodded. Di ko pa rin alam.

Akala ko pag nasabi ko na mas magiging malinaw saakin, hindi rin pala. Mas naging komplikado pa.

--

"Hi wifey!" Bati ni Dylan ng buksan ko ang pinto. Akay akay siya ngayon ni Melissa. Obviously, lasing siya at hindi alam ang ginagawa.

He kissed me on my lips torridly in front of his secretary na ngayon ay gulat pero halata mo namang natatawa sa pangyayari.

Bahagya ko siyang tinulak dahil sa amoy ng alak.

"Anong nangyari?" I asked cupping his face but my eyes on Melissa.

"Joe's birthday. Nagkaayaan. And boom! Lasing." And laughed out loud. "Kaya mo na ba o tulungan pa kita ipunta sa kwarto niya?"

"No." Agad kong sabi ng kukunin niya ulit ang braso ni Dylan. "I-I mean, kaya ko na."

"I'm sorry. She's just jealous." Said Dylan.

"What the hell!" Shocked kong sabi, as in shock. Ganito ba ito malasing?! Urgh!

They both laugh and, "I know." Said Melissa na agad na ring umalis pagtapos niyang sabihin yun.

Nang naihiga ko na siya sa kama ko ay nagpumilit siyang tumayo kahit di na kaya ng katawan niya

"Ano ba kasing naisip mo at nagpakalasing ka ng ganyan!" At talagang si Melissa pa naghatid.

Di niya sinagot ang tanong ko kundi, "dun na ako sa kwarto ko. Lasing ako, di kita pwedeng tabihan." Lasing niyang sabi.

I understand naman. Ayoko rin dapat siyang katabi pero gusto ko? Ewan. Amoy alak kasi pero di naman siya mabaho.

"Okay lang naman."

He chuckled, "Alam kong gusto mo akong katabi pero amoy alak ako at buntis ka." He continued chuckling.

Ang kapal neto..

"Oh siya. Diyan ka nalang, ako na dun sa kwarto mo."

"Okay.." the next thing I heard is his snore.

Pagkatapos ko siyang mapalitan at mapunasan ay Lalabas na sana ako ng marinig ko siyang tumawa ng mahina at nagsalita,

"Yung girlfriend ko?.... Ahhh, si Ayesha... Ulul mahal na mahal ko yun."

Si Dylan. Nagsleep talk, at anong sabi niya? M-mahal niya talaga ako..

Magiging masaya ba ako o matatakot? Hindi ko alam...

He's sincere kas lasing siya. Drunk people tell the truth. And what should I feel? What to do?

A big OH-NO.

Sold For A Million Dollar (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon