Nakaupo kami ngayon sa sala ngayon. Magkatabi kami sa malaking sofa ni Dylan at si papa sa tapat namin na nasa single sofa. Sa pagitan namin ay ang coffee table.
"Bakit kayo nagsinungaling saakin?" Ganun pa rin ang tono ni Papa. Malamig. Ma-otoridad.
"Papa--" pinutol ni Dylan ang sinabi ko.
"With all due respect sir, I'm sincerely sorry." Sorry lang sinabi niya. Walang explanations. Wala. Hindi ako makatingin sa kahit sino sakanila. Hiyang hiya ako sa nangyayari. Dapat 'friend' nalang ang pagpapakilala ko sakanya kay mama.
"Uuwi na si Ayesha dito." Matigas na sabi ni papa. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako. Dahil yun ang gusto ko. Pero parang may masakit?
"Kung yun po ang nais niyo ay masusunod." Dun ako napalingon.
"Dylan.." napalingon sya saakin. Nagtama ang mga mata namin tsaka niya hinawakan ang kamay ko. Ngumiti siya pero hindi umabot ng hanggang mata.
"Mabuti. Makakaalis ka na." Sabi ni papa tska siya tumayo at nagpunta siya kusina.
"Pero..."
"Shh. Ayos lang. Dito ka na muna." Ngumiti siya at tumayo. Sumunod sya kay papa sa kusina. Ilang sandali ay lumabas na silang dalawa. Nakakunot ang noo ni papa ng lumabas sila. "I have to go Sir."
Tumayo ako at tumango sakanya. "Mag iingat ka." Hinalikan niya ako sa noo at nag paalam na.
Nang makaalis na siya ay hinarap ko si papa at yumakap saknya. "Sorry papa. Sorry." Umiiling pa ako habang humihingi ng tawad sakanya.
"Shh. Anak. Okay na. Humingi lang ako ng hanggang bukas para makasama ka. Uuwi ka rin sakanya." Ngumiti siya habang hinahaplos ang buhok ko.
"Po?"
"hanga ako sa batang yun."
"Po?" Ulit ko. Ano kayang pinag usapan nila kanina sa kusina? Yun kaya ang dahilan kung bakit ganito si papa.
Tumawa lang ng mahina si papa tsaka ako giniya papunta kay Mama. Tumabi kami kay mama at pinagitnaan siya. Maaga pa pero hinila ako ng antok. Naramdam ko pa ang labi ni papa sa noo ko bago tuluyang hilain ng dilim.
Bandang ala una na ng magising ako sa haplos sa buhok ko. "Dylan.."
Nakarinig ako ng tawa na mahinhin sa tabi ko. "Ginagawa ba ng boyfriend mo sayo ito anak?" Tumatawa pa din siya.
"Mama!" Napabalingkwas ako ng maalalang hind nga pala si Dylan ang katabi ko.
"Naku. Dalaga na ang anak ko at may nobyo na."
"Mama naman.."
"Haha. Ayos lang yan anak. Unang nobyo mo palang naman eh."
Pinamulaan ako sa sinabi ni mama. Buti nalang at pumasok na si papa.
"oh gising ka na pala, anak. Magtanghalian ka na."
Kumakain ako sa hapag ng mapansin kong makulimlim ang langit. Mukhang uulan.
Kumain na kaya si Dylan? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Tss. Bakit ko ba iniisip yun? Ofcourse kakain yun kasama si Melissa. Ni hindi nga makapagtext saakin eh. Psh.
Sinilip ko ang cellphone kong may isa palang text galing sakanya.
Dylan Sy:
See you tomorrow, woman!
I unconciously smiled. Yun lang naman ang text niya pero bat ako napapangiti? Baliw na ata ako.
Ako:
Have you eaten lunch?
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasesend ang text ko. Nagtatalo pa din ang isip ko. Sa huli, ay pinili kong idelete ang buong text ko.
Baka mapagkamalan akong masyadong clingy sakanya. Baka akalain pa niyang masyado akong concern. It's not that I'm not concern, it's just that. Uhm. Uhh. I don't know!
Biglang bumuhos ang malakas ng ulan ng magring ang cellphone ko. Tumatawag siya!
Agad kong sinagot yun sa unang ring palang.
"Hey.." rinig kong bati niya mula sa kabilang linya.
"Uh hi!"
"How are you?"
"Fine. are you home?"
"Not yet. You're my home.." kaswal niyag sabi. Ako naman ay parang tumambol ang puso. Parang gusto nitong kumawala mula sa ribcage ko.
"Uhmm..." shit! Wala akong masabi!
"You don't need to reply. Traffic ngayon, I'm on my way home."
"Daan ka dito." Hindi ko alam. Basta nalang lumabas sa bibig ko. Sa pagkabigla ko ay bigla kong napatay ang tawag.
Ilang saglit lang nagbeep ang cellphone ko.
Dylan Sy:
Okay..
Shit. Anong sasabihin ko?
Pinili ko nalang na wag siyang replyan. Nagbihis ako ng pambahay tsaka naligo ng ulan. Wala. Feel ko lang maligo.
"Pa.. liligo akong ulan!" Sigaw ko tsaka tumakbo palabas.
"Huwag kang lalayo, Ayesha!"
"Opo!"
30minutes na akong naliligo ng ulan nang may pumaradang pamilyar na sasakyan sa tabi ko.
Lumabas ng sasakyan si Dylan na may dalang malaking payong tsaka niya ako pinuntahan.
"What the hell, Yesh! Anong ginagawa mo?! Baka ka magkasakit!" Iritado niyang sabi. Pinayungan pa niya ako na wala ring saysay dahil basang basa na ako.
Napangiti ako tsaka kinuha ang payong sakanya. Tsaka iyon tinapon sa kung saan.
"Ayesha!"
"What?! You'll miss the fun if you don't!" sigaw ko sakanya.
Kahit ayaw niya ay wala siyang nagawa. Para akong batang tumatakbo takbo dun. Siya naman ay parang tatay na saway ng saway.
Tinatawanan ko lang siya. Ilang minuto pa ay lumabas na si papa.
"Ayesha! Mag iisang oras ka na dyan! Magbihis ka na." Sigaw niya mula sa pintuan ng bahay. "Oh Dylan, hijo, nariyan ka pala. At isinama pa sa kapilyahan ng anak ko. Halina kayo rito at nagpainit ako ng kape."
Nang makapasok na si papa ay binalingan ako ng kasama ko. "Mag iisang oras?" Nagkibit lang ako ng balikat tsaka niya ako marahas na hinila papuntang bahay.
May nakaabang ng towel sa may cloth rack kaya di ko na kailangang pumasok ng basa. Habang nagpupunas ay nakangiti ako. Parang ang saya ko. Di ko alam kung bakit.
"Stop smiling like an idiot." Sabi ni Dylan habang nagpupunas siya ng buhok.
Napanguso ako para pigilan ang pagngiti ko.
"Huwag mo ng uulitin to." Malamig na pahayag ng kasama ko.
"Ang alin? Ang hilain ka para maligo ng ulan? Okaaay. Hindi na." Kabadtrip. Minsan na nga lang, magagalit pa. Hmp!
"Hindi yun. Ang maligo ng higit isang oras sa ulan. Paano kung magkasakit ka? Ubuhin? Sipunin? Sinong mahihirapan? Hindi ba't ikaw rin?" Woaah. Deretsong tagalog. I can say, he's pissed.
"Sorry.." napayuko nalang ako. Galit nanaman siya. Psh.
Nagulat nalang ako ng bigla akong nakulong sa mga bisig niya. Yung lamig na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng init. Init na mula sa katawan niya.
"Tss. Basta wag mo ng uulitin. Ayoko lang na magkasakit ka."
Alam kong mali pero bakit parang may kakaiba akong nararamdaman? May galak sa puso ko na pati ang sarili ko'y hindi ko kayang lokohin.
Pati sarili ko'y di ko kayang pagsinungalingan, na gusto ko siya. Na unti unti nagiging dependent na ako sakanya.
At natatakot ako. Natatakot ako sa nararamdaman ko. At sa pwedeng sakit na maidulot nito.
BINABASA MO ANG
Sold For A Million Dollar (COMPLETED)
RomanceHe's Mr. Dylan Sy. My Bilogy professor. He's smoking hot and makes his students drool. And apperently, I was sold to him for a million dollar. *** A story of Ayesha Reyes ******* Copyright (c) 2016 by xxChinchin All rights reserved. No portion of th...