"DYLAAAAAAAN!!!" Sobrang sakit ng tiyan ko! Parang hinahalukay na ewan! Basta masakit. Which is expected since kabuwanan ko na but I never expected it to be like this! Damn.
"Dylaaaan!! Ano ba?! Nasaan ka?! Ugggh!!" Sigaw ko mula sa kwarto di na ako makalakad pa para hanapin siya. Naiiyak na ako sa sakit pero wala na atang ibang paglalagyan ang sakit para umiyak pa.
"Why?! What happened?!" Nag aalala niyang tanong na naka-aphron pa dahil nagluluto siya ng kung ano sa kusina. "Shit." Agad niya akong sinikop ng makita niyang pumutok na ang panubigan ko.
Ni hindi niya pa tinatanggal ang aphron niya!
"Yana.. manganganak na si Ayesha. Dumaan ka ng condo and check everything there, ngayon na! Merong bag sa kwarto ni Ayesha at bitbitin mo yun pag sumunod ka ng hospital. Bilisan mo!" Tuloy tuloy niyang sabi at hindi na ata nakapagsalita si Yana ng pinatay niya ang tawag. Nasa kotse na kami ngayon.
He called his parents and mine right after para ibalita ang nangyari.
"Dylan.. bilisan mo.." nanghihina kong sabi.
"Yesh, huwag ang matutulog, okay? Malapit na tayo." Hinawakan niya yung kamay ko and he squeezed it. Pakiramdam ko kaya ko lahat pag hawak niya yung kamay ko.
"Mommy, you need to push harder!" Sigaw ng doktor saakin dahil tumigil ako sa pag-iri.
"Dylaaaan!!" Sigaw ko tsaka umiri.
"Call her husband!" Sabi ng doktor sa isa sa mga nurse.
Naramdaman ko nalang na hinawakan ni Dylan ang kamay ko tsaka bumubulong ng mga words of wisdom.
"Dylan.. di ko na ata kaya." Hagulgol ko sakanya. "Ahhh!!" Sigaw ko. Tsaka ko hinawakan ang kamay niya. I think I already broke his fingers!
"Dun ka na. Mababali ko lahat ng daliri mo pag nandito ka at hinahawakan kita!" Sigaw ko.
"Break it all! I don't care! Now you need to give birth! Push!" Sigaw niya saakin. And i scream at the top of my lungs.
Unti unti nalang ako nawawalan ng lakas. Tsaka lang ako napangiti ng narinig kong umiyak yung anak ko.
Anak ko...
"You made it, A. I'm so proud of you.." bulong saakin ni Dylan tsaka niya ako hinalikan sa ulo tsaka labi
"No, D. We made it." I smiled until exhaustion ate me.
-
"Hi baby Nate.." rinig kong sambit ni Yana sa kung saan.
Unti unti kong minulat ang mga mata ko para makita sila. Andito sila mama, papa, Tito, Tita, Dyanara, andito din sila Lloyd. Pati si Dylan na may hawak na sanggol. Meron ding nurse sa tabi ko at may chinicheck na kung ano.
"Ma.." mahina kong tawag kay mama na nasa paanan ko. Pinapanood niya si Dylan na hinihele ang sanggol.
"Anak!" Masiglang sagot niya kaya nakuha ko ang atensyon ng lahat ng nasa silid.
Sari-saring pangangamusta ang narinig at natanggap ko sakanila.
"Ma. Gusto ko ng tubig." Tuyong tuyo na ang lalamunan ko. Ilang oras ba kong walang malay? O araw? Hindi naman siguro araw.
"Sandali. I'll get you a glass." Sabat ni Dylan na pinigilan ni papa.
"Hijo, ako na dyan. Bitbit mo na nga si Nathaniel ay ikaw pa ba ang kukuha? Ako na, baka ay mabitawan mo ang apo nmin." Sabi ni papa habang nagsasalin na ng tubig sa baso para mainom ko.
Pagtapos kong uminom ay binigyan ko ng pansin ang mag-ama ko. Ang ganda nilang tinitignan. I never imagined that at the age of 20, magkakaroon ako ng mag-ama. I never pictured this. I never imagined that it would be this beautiful.
Naramdaman ni Dylan ang paninitig ko kaya nilapitan niya ako ng may malawak na ngiti. They give him space para mapuntahan ako and to give us enough privacy.
"Uhm, bibili na po kami ng lunch. It's almost 12 na rin po." Biglang sabi ni Lloyd kasama si Jacob. Nginitian niya ako kaya nginitian ko din sya.
"Oh!" Sabi ni Tita Mariabel. "Please hijo, thank you." Sabay abot niya ng two thousand pesos kay Lloyd.
"No tita. Please keep it. It's all mine." Ngiti ni Lloyd tsaka niya iniwan ang cash sa mga kamay ni Tita tas umalis na. Nahuli ko pa ang pag-irap at pagbulong bulong ni Yana sa tabi.
I smell something fishy. Napahagikhik ako kaya napatingin si Dylan saakin ng nakakunot ang noo. Umiling nalang ako.
Inilipag niya si Nathaniel sa tabi ko. Inunan niya ang ulo sa aking braso bahagya naman akong tumagilid para mahaplos ko ang pisngi niya.
Kamukhang kamukha niya si Dylan. Kahit na nakapikit siya ay halatang halatang nakuha niya ang mga mata ni Dylan na singkit. Ang mala-rosas sa pula niyang labi ay nakuha rin niya. Ang mahahabang pilik mata, makapal na kilay ay nakuha niya!
Pero ang ilong at tambok ng pisngi ay saakin niya nakuha. Kung tutuisin ay hati kami ng features na nakuha niya pero kung titignan siya ay si Dylan ang makikita mo.
"Kamukhang kamukha mo siya." automatikong sinabi ko habang pinagmamasdan si Nathaniel. Mukha talaga siya anghel.
Pinahid ni Dylan ang pisngi ko. Di ko alam na lumuluha na ako! Nilingon ko siya at ngumiti siya.
"Kuha pa din niya ang ilong mo." He chuckled. Di man lang niya dineny! Well, wala namang idedeny. Madaya!
"Parehas n parehas kayo ng reaksyon niyang nobyo mo anak nung dumating dito ang sanggol!" Sabi ni mama na humahagikhik.
"You can't blame me, Ma. It's overwhelming." Turan ni Dylan ng hindi inaalis ang tingin saamin ng anak niya.
Three months ago ay dinalaw namin ang venue ng reception at hindi na nasundan yun. Tinanong lang niya ako sa maid-of-honor ko, which is Yana, tapos wala na. ang sabi niya ay huwag muna daw dahil baka mai-stress lang ako.
Ngayon siguro ay matututukan ko na yun.
*baby cries*
Or not.
--
A/N** This is just a filler chapter kaya medyo short. Next chapter will be Dylan's point of view which is epilogue na rin. Dun makikilala kung sino talaga si Sophia Fuego.
And I promise to have special Chapter/s.
Xoxo
BINABASA MO ANG
Sold For A Million Dollar (COMPLETED)
RomanceHe's Mr. Dylan Sy. My Bilogy professor. He's smoking hot and makes his students drool. And apperently, I was sold to him for a million dollar. *** A story of Ayesha Reyes ******* Copyright (c) 2016 by xxChinchin All rights reserved. No portion of th...
