Naisipan kong mag general cleaning ngayon sa condo ni Dylan. Wala. Feel ko lang maging OC ngayong araw. Lol.
Sinimulan ko sa kitchen. Wala namang masyadong spider web sa condo niya kaya di ko na problema ang ceiling.
After lunch ang uwi ni Dylan ngayon kaya dapat lunch ay tapos ko na lahat to.
Wala akong masyadong ginawa sa taas. Nagpalit lang ng linens. And whoa.. ang bigat ng comforters. Pagtapos ko sa linens at pillow cases, konting linis at sa sala na ako.
Pinalitan ko ang arrangements ng sofa, coffee tables and such. Sawa na ako sa ayos niya ehh. Ang dating sofa na napakalapit sa tv, ngayon ay medyo mas malayo na.
Minimalist ang disensyo ng condo kaya walang masyadong ililipat. Pinunasan ko rin ang abstract paintings na nasa wall.
Inabot pa ako ng dalawang oras sa pagliligpit at darn it. Sooobrang nakakapagod. Gusto ko pa sana maglaba ng linens, pero wag nalang. Sobrang pagod na ako na parang di ko na kayang bumangon mula sa pagkaka-upo sa sofa.
Ilang minuto lang ay napagpasyahan ko ng maligo. Nagtext na rin si Dylan na malapit na siya.
Pagbangon ko ay nabigla ata ko at nakaramdam ako ng hilo. Nanatili akong nakapikit para bawiin ang ulirat ko. Ng medyo bawi na ay umakyat na ako.
Pero nasa ikalimang baitang palang ako ay nag iba na ang pakiramdam ko. Nahihilo ako ng sobra. Napasandal pa ako sa metal railing ng hagdan para kumuha ng suporta. At nagsimula na akong kabahan ng sumakit ang bandang puson ko.
Nadagdagan ang hilo ko ng makita ang dugo sa may hita ko. Shit. This won't happen.
Mabilis kong dinial ang number ni Dylan. Buti nalang hawak ko ang phone ko.
Pero sa mga oras na sagutin niya ang tawag ko ay nagsimula ng umikot ang paningin ko. Kasabay ng pamimilipit ko sa sakit. Mga pagkalabog. Ang malansang amoy. Pati ang pangalan ko mula sa kabilang linya.
"Ahhhhhh!!!"
And everything went black.
***
Unti unti kong minulat ang mata ko at nakita ang pulos puting ceiling. Pati ang paligid.
Ang sakit ng buong katawan ko. Ang sakit ng...
Shit. Ang baby ko!
Nasan ako? Ang huling naalala ko ay paakyat ako ng hagdan. Tapos bigla akong nahilo... tapos... shit. Yung anak ko!
Napabngon ako ng marealize kong nasa ospital ako.
"Shit. Ayesha! Huwag ka muna bumangon." Tsaka ako inalalayan ni Dylan na mahiga ulit.
"Dylan.. Dylan.. yung. Yung baby ko Dylan." Hindi ako mapakali. Bat hindi siya nagsasalita. Wala na ba ang baby ko? Unconciously, napahawak ako sa puson ko.
Baby? Diba andyan ka pa naman? Di ba? Hindi mo naman iiwan si mommy di ba?
"Dylan..." tawag ko sakanya ng umiiyak. He cupped my face and wipe my tears using his thumb. Tsaka niya ako niyakap. "Ayos lang naman siya, dba? Nasa tiyan ko pa din siya di ba?" Sunod sunod kong tanong.
Hindi natuloy ang pagsagod niya saakin ng bumukas ang pinto at niluwa ang doktor, ang OB-gyne ko at pati si Papa?
Hindi ko mawari kung anong ekpresyon ang nakikita ko sa mukha ng pap ko. Isa lang ang alam ko, disappointed siya.
"Pa.." humikbi na ako. Hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko ni Dylan tsaka siya umalis. To give my Papa an access.
Malamig akong tinitigan ng papa ko habang papunta sa tabi ko. Inakbayan ako ni papa tsaka siya nagsalita.
BINABASA MO ANG
Sold For A Million Dollar (COMPLETED)
RomanceHe's Mr. Dylan Sy. My Bilogy professor. He's smoking hot and makes his students drool. And apperently, I was sold to him for a million dollar. *** A story of Ayesha Reyes ******* Copyright (c) 2016 by xxChinchin All rights reserved. No portion of th...
