Chapter 28.

5.3K 114 15
                                    

Date Published: June 25, 2016
Final Re-Published: July 20, 2019

CHAPTER 28.

AIKO'S POV

~ AFTER ONE WEEK ~

Nandito ako sa sala at tinutulungan ako ni Laurence sa pagbabantay ko sa kambal. Siya lagi ang tumutulong sa'kin sa tuwing nasa trabaho pa si Mike.

Ako ang nag-aalaga kay Ella at si Laurence naman ang nag-aalaga kay Rage. Sa totoo lang ay talagang tinotoo niya ang sinabi niya sa'min na magiging isang mabuting kuya siya sa kambal.

"Mom, I think Rage is hungry again." Napatingin ako kay Rage dahil sa naglalaway na naman ito. Inabot ko kay Laurence 'yung bote ng gatas at pina-inom na niya ito.

"Pakipunasan din 'yung laway niya." Sabi ko at ginawa naman niya 'yon. Sumandal ako sa sofa at narinig kong tumawa si Ella.

"Baby, masaya ka na naman." Komento ko at sinundot ang pisnge niya. "Ella is always happy, mom." Komento naman ni Laurence.

"Sa bagay. Tama ka doon." Sagot ko at napatingin kay Steve nang naglakad siya palapit sa'kin. "Ma'am, may bisita po kayo." Sabi niya.

"Sino?" May nagpakitang babae na hindi ko kilala. Ngayon ko lang siya nakita. Pinsan din kaya siya nila Mike?

"Siya po si Mrs. Zarina De Asis Azacura." - Steve.

"De Asis?" Tumango silang dalawa. Ano kaya ang kailangan niya? Nandito kaya siya para hanapin si daddy o si kuya Frenan?

Umupo na si Zarina sa tabi ko at umalis na si Steve. Nilagay ko muna sa isang maliit na higaan si Ella na nasa tapat ko lang.

"Ahm... M-may kailangan ka ba?" Tanong ko agad sa kaniya. Nginitian niya ako at yumuko. Huminga muna siya ng malalim.

"Nandito ako para magpakilala sa'yo." Paninimula niya. "Nakilala ko na dati pa si kuya Nero at kayong dalawa lang ang kinikilala kong kapatid mula sa kriminal kong ama." Dugtong niya.

"Kaya nandito ako para magpakilala bilang kapatid mo." Napangiti ako at niyakap siya. Dahan-dahan niya kong niyakap.

"Masaya akong makilala ka, ate." Bulong niya at mas lalo akong napangiti. Napahiwalay kami sa isa't isa at tumingin sa mga bata.

"Anak namin ni Mike. Sila Mikaella at Michael. Si Laurence pamangkin natin kaso, inampom namin siya ni Mike dahil inabandona na siya ng magulang niya." Sabi ko.

"Pamangkin?"

"Anak siya ni kuya Frenan na kapatid natin." Napatingin siya kay Laurence. Hinawakan niya ito sa pisnge.

"Tulad ng totoo kong ama, wala ding kwenta ang ama mo." Komento niya at ramdam ko na galit siya kay daddy.

"Tulad ko, si kuya Nero din, galit sa kaniya at sa buong angkan niya." Dugtong niya pa. "Mula sa mga anak ng hayop na 'yon ay ang tinanggap ko lang kayo ni kuya Nero, ate."

"Pati rin naman ako ay galit kay daddy kaya nga ako nag-rebelde sa kanilang dalawa ni mommy." Pagkwento ko.

"Tinulungan ako ni Mike na makawala mula sa kanila kaya mas lalong nagalit si daddy sa mga Arcana eh." Dugtong ko.

"Kamusta kayo si Mike?" Tanong niya at mas lalo akong napangiti. "Okay lang at masaya." Simpleng sagot ko at dumating na si Mike.

"Dad!" Tawag ni Laurence at tumakbo palapit kay Mike. Niyakap niya si Mike kahit na karga niya pa si Rage.

His Own Possession 2: Still Loving You (HOP Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon