Chapter 19.

5.6K 136 6
                                    

Final Re-Published: July 20, 2019

CHAPTER 19.

THIRD PERSON'S POV

Kumatok si Mike sa pintuan nila Nero. Binuksan naman 'yun ni Nero habang nagsu-suot ng t-shirt. "Something happened, little brother?" Tanong niya.

"Keep that kid safe. He's coming here to get my wife. And when he saw your son, he's going to use him as bait." Saad ni Mike.

"Got that. I'm going to keep him here." Sagot ni Nero at tumingin kay Lirreanne. Niyakap naman ni Lirreanne si Avi para hindi makaalis.

"Wife, stay here, okay?" Tumango si Lirreanne at kumuha na ng baril si Nero. Lumabas na rin siya ng kwarto niya.

"How's my little sister?" Tanong ni Nero habang naglalakad sila papuntang secret room. "She's fine. She's sleeping peacefully." Sagot ni Mike.

"Someone's guarding her?" Tumango si Mike at pumasok na silang dalawa sa secret room. Agad silang lumapit kanila Asunta at Raphael.

"Kanina pa 'yan nakatingin mula diyan." Paninimula ni Raphael sabay turo doon sa monitor. Napatingin naman ang lahat dahil sa lalaking nakikita nila sa monitor.

"One of their men, huh?" Saad ni Nero. "Matagal ko nang nakikita 'yan eh. Nagmamasid sa labas. Sa tuwing naalis pa ang lahat at ang naiiwan lang ay si Silendence ay may tinatawagan 'yan." Pagkwento ni Zero.

"Pero 'pag lumalabas ako ay agad niyang binababa 'yung cellphone niya at umaalis na lang." Dugtong niya pa.

"Isang beses din ay nakatambay ako sa labas ng bahay at nakikita rin 'yan. Nakatingin lang at parang may hinihintay. Pero maya-maya ay umaalis din." Pagkwento din ni Rider.

"At hindi niyo man lang sinabi sa'min?" Tanong ni Asunta. "Dahil alam po namin na always ready kayo mom." Napa-iling na lang si Mike dahil sa sinabi ni Rider.

"We can take them all out. It's dangerous for others if we have a lot of men here." Komento ni Nero. "Prepare your pistols with silencers. Ayaw naman natin silang istorbohin mula sa pagtulog." Saad ni Raphael.

Maya-maya lang ay may nakita na silang dumating na tatlong van at nagsilabasan na ang mga armadong lalaki at si Jomari.

"They're here. Prepare and be safe everyone." Saad ni Nero at naglakad na siya palabas. Sumunod na sila Mike at lumabas na rin.

Hinalikan muna ni Raphael si Asunta sa labi at lumabas na. Ni-lock ni Asunta ang pintuan ng secret room at tinignan ang mga monitor at pinanood an lahat mula sa pwesto niya.

~~

PS. Skip this scene kung ayaw po ng mature content. Thank you.

Nandito si Frenan at kausap na ang isang CEO sa isang kilalang kumpanya. Nag-uusap na sila tungkol sa binebenta niyang drugs sa kanila.

Naninigarilyo si Frenan habang nakikipag-usap sa mga kliyente niya. "Okay. We'll get those for 100 million." Saad ng kausap ni Frenan.

"Deal. Here's the drugs." Pagkalapag ni Frenan ng case sa lamesa ay nilapag na rin ng kausap niya ang case sa lamesa. Kinuha na 'yun ni Frenan at napangiti nang nakita na niya 'yung pera.

"Thank you Mr. De Asis for the transaction. Until next time." Saad ng kausap niya. "Yes. Until next time sir." Tatayo na sana si Frenan nang biglang may pumasok na mga babae sa loob.

His Own Possession 2: Still Loving You (HOP Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon