Final Re-Published: July 20, 2019
CHAPTER 7.
AIKO'S POV
Maya-maya lang ay dumating na si Mike sa opisina ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak. Hinigpitan naman niya ang pagkakayakap niya sa'kin.
"Whatever happens, I won't let him do as he pleases." Seryosong bulong niya sa'kin. "Did he want to get you from me?" Tumango ako.
"Pati rin si tita ay gusto niyang kunin." Nakita ko 'yong galit niya sa mga mata niya. "He can't have mom. He can't have anything that he wants to have." Nanginginig niyang sambit.
Napatingin ako sa phone ko at nakita ko 'yong pangalan ni kuya Nero. Binuksan ko 'yong message niya sa'kin.
Little sister, grandma told me that, that bastard called you. We won't let him do what he wants to do. We're going to protect you.
Okay kuya. Mag-ingat ka lang saka lahat kayo.
Nilagay ko na ulit sa bulsa ko 'yong phone ko at pinunasan ni Mike ang luha ko. Hinalikan niya ko sa noo at niyakap ulit.
"I think we should go somewhere." Bulong niya. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko. "Where in we can ask for help." Sagot niya.
"Paano 'yong resto?" Tanong ko. "Steve can handle this. Right, Steve?" Nagulat ako nang biglang nagpakita si Steve sa opsina mula sa kisame.
"Yes master. Ako na po ang bahala dito." Sagot ni Steve at kinuha ko na 'yong bag ko. "Ikaw na ang bahala dito Steve. Magbigay ka na lang ng report. Salamat." Sabi ko kay Steve at umalis na kami ni Mike.
~~
Nasa byahe kami ngayon at tahimik lang kami. Gano'n ba talaga 'pag iniwan ka ng taong mahal mo? Para kang nasisiraan ng ulo at sisirain ang buhay ng mga tao na nasa paligid mo?
"Mike, magiging katulad din ba tayo ni daddy 'pag naghiwalay tayo?" Tanong ko. "Nope. Because we're not going to let go of ourselves." Napangiti ako sa sagot niya.
"But if that happens, I'll be courting you again and again just for you to come back to me." Dugtong niya pa. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.
"But of course, I still going to respect your decision and feelings. I don't want to be selfish when it comes to you." Dugtong niya pa.
"I'll keep coming back for you. Kakausapin at kukulitin kita 'pag nangyari 'yon." Nakangiting saad ko. "I know. We're in love with each other, that's why." Pagsang-ayon naman niya.
Maya-maya lang ay nandito na kami sa tapat ng isang malaking bahay. Lumabas na si Mike sa sasakyan at tinanggal ko na 'yong seat belt.
Pinagbuksan ako ni Mike ng pintuan at lumabas na ako. Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok na kami sa loob ng bahay.
Pagkapasok namin sa loob ay may nakita kaming mga tao at parang nagkakagulo silang lahat. Nang napatingin sa direksyon namin ang isang lalaki ay lumapit siya sa'min.
"Pain, we're going to help." Seryosong saad niya. Parang pamilyar sa'kin. Nakita ko na ba siya? Tinitigan ko lang siya habang inaalala kung saan ko siya nakilala.
"Stop staring at me." Masungit niyang saad at umiwas na ko ng tingin. Napatingin din si Mike sa'kin at niyakap siya. Nakasimangot kasi siya eh.
"Phinraite, this my fiancé, my dear Silendence." Pagpapakilala ni Mike sa'kin sa lalaking kausap niya. Ayon, naalala ko na siya.
"Ikaw 'yong bumisita sa bahay at hinahanap si Mike diba?" Tanong ko. Tumango naman siya. "I'm Celestino Phinraite Arcana." Pagpapakilala niya.
"Nice to meet you po." Sagot ko. "I'm happy to meet you too. Just call me Phinraite." Tumango ako.
Dinala kami ni Phinraite sa mga nagkukumpulang tao at napatingin silang lahat sa'ming dalawa ni Mike at biglang tumahimik.
Bakit bigla silang tumahimik? May problema ba? Napatingin ako kay Mike at nakikita kong parang gusto na niyang sabihin na 'Don't ever dare.'
"Woah!" Nagulat ako nang bigla silang nagsigawan lahat. May mga nagbabato pa nga ng mga papel sa ere at may mga pumapalakpak naman.
Nagtaka ako sa ginawa nilang lahat. Bakit parang tuwang-tuwa silang lahat? Anong meron sa kanila? Ganito ba talaga ang pamilya ni Mike dito?
"Anong meron Mike? Bakit sila natuwa? Bakit sila nagkagulo?" Bulong ko. "These idiots." Iling-iling niyang saad.
"Langya tol! Akala ko nagbibiro lang si Aldea!" Saad ng isang lalaki. "Fuck? I didn't know that you can do this, Pain." Saad pa ng isang lalaki na naka lab coat.
"Tang. Ina. Ang ganda ng babae mo, Pain!" Hahawakan na sana ako ng lalaking naka chef uniform nang bigla siyang sinuntok ni Mike.
"Nako po, Mike. Kumalma ka lang. Bakit mo siya sinuntok?" Humarang ako sa harap niya. Nakita kong naiirita na siya.
"Take off your filthy hands from my dear Silendence, Phiraite." Galit na sambit niya do'n sa lalaking sinuntok niya.
(Note. Fi-raite/Fay-reyt ang pronouncitation ng Phirate.)
"I told you to not mess with him, Phi." Saad ni Phinraite. Tinulungan niyang tumayo 'yong lalaking sinuntok ni Mike.
"By the way, we're here because I'm going to ask for help. Help to protect my fiancé." Paninimula ni Mike sa lahat.
"Sige! Kaming bahala sa fiancé mo!"
"Kami na ang bahala sa kaniya."
"Babantayan namin siya, Pain. 'Wag ka nang mag-alala."
"If I have free time, I think I'll visit her in her workplace."
"What's going on here? Why all of you are so loud?" Napatahimik ang lahat nang may dumating na isang lalaki. Parang kasing edad lang siya ni lola.
"Grandpa." Tawag ni Mike. Lolo niya 'yan? Nakakatakot siyang tignan. Tumingin siya sa direksyon ni Mike at lumapit siya. Niyakap niya si Mike ng mahigpit.
"I'm happy to see you again. I'm happy that you already manage to visit." Rinig kong bulong nito kay Mike.
"Grandpa, I can't breathe." Agad na lumayo ang lalaki kay Mike at hinabol niya agad ang hininga niya. Tumingin siya sa'kin at nginitian.
"Care to introduce her to me, Mike." Nakangiting saad niya kay Mike. Inakbayan niya ako at ngumiti ng matamis. Nagpalakpakan at naghiyawan na naman ang lahat.
"Shut the fuck up, kids!" Tumahimik ang lahat dahil sa sigaw ng lolo nila. Napalunok ako dahil sa sigaw niya. Pala-mura ba talaga ang mga nasa pamilya nila? Bakit hindi ko pa naririnig mag-mura si tito?
"Grandpa, I want you to meet my fiancé, Silendence Aiko De Asis. She's a rebel one but at the same time, she's kind and sweet." Pagpapakilala ni Mike sa'kin sa lolo niya.
"De Asis, she's...?" Tumango si Mike. "I see. I can totally see that Mike is really happy with you. He's changed, in a good way." Komento niya.
"Yow! My family and beautiful lady, let's eat." Rinig kong sigaw ng isang lalaki na naka-chef's uniform. Nagsenyasan silang lahat at pumunta na sa hapag kainan.
Nang umalis na ang karamihan dito ay tumitig sa'kin 'yong lolo nila at hindi ko mabasa 'yong nasa isip niya. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa titig niyang 'yon.
"Ms. De Asis, you're a daughter of that rapist but I will and we will choose to trust you for Mike's sake and happiness." Tumango ako.
Ngumiti ako ng konti sa kaniya dahil naiintindihan ko naman kung bakit sila ganiyan umasta sa'kin. Galing ako sa kalabang pamilya nila kaya hindi ako magtataka kung ganiyan ang pakikitungo nila sa'kin.
"I understand po." Sagot ko. Nakita kong napangiti siya ng onti. "Make my grandson happy, Ms. De Asis." Ngumiti ako at tumango.
"Let's go and eat." Pag-aya niya at sumunod na kami sa iba pa.
==== END OF CHAPTER 7. ====
![](https://img.wattpad.com/cover/26237997-288-k723548.jpg)
BINABASA MO ANG
His Own Possession 2: Still Loving You (HOP Series #2)
RomanceBasahin po muna ang His Own Possession (HOP Series #1) para maintindihan niyo po 'yung story! (Revised Version.) After completely escaping her father's plans, Mike and Silence went to Canada to have a new life there and do their own business. They a...