Date Published: July 9, 2016
Final Re-Published: July 20, 2019SPECIAL CHAPTER #1.
AIKO'S POV
Naka-upo ako sa upuan at binabantayan ang mga bata habang naglalaro sa labas. Hinihimas ko ang tiyan ko na nasa kabuwanan na.
Habang pinapanood silang lahat ay biglang tumakbo palapit sa'kin si Mathew na naiyak. Niyakap niya ko at hinimas ang buhok niya.
"May nangyari ba?" Tanong ko. "Mommy disappoint me again." Umiiyak niyang sagot. "Mommy doesn't care anymore about me." Dugtong niya pa.
"Nasabihan mo ba daddy mo?" Tumango siya. "He said that he's going to talk to her later." Sagot niya at hinalikan siya sa noo.
"Ssshhh... Everything's going to be fine, Mathew. Sasabihan natin daddy mo mamaya ah. 'Wag kang mag-alala." Sabi ko.
"I wish, 'you're my mommy and not her." Tinapat ko ang hintuturo ko sa labi niya. "Don't say that. That's bad." Sabi ko.
"What happened here?" Tanong naman ni Mike na kakarating pa lang. "Hindi na naman tumupad sa usapan nila ang mommy niya." Sagot ko.
"Damn. I really want to talk with Margarette but she won't listen to me." Inis niyang saad at pumasok ulit sa loob. Lumapit naman si Laurence at hinawakan sa balikat si Mathew.
"Don't worry. You can stay with us for you not to be disappointed with your mommy." Tumikhim ako at napatigil si Laurence.
Napakamot siya ng buhok at umalis na silang dalawa ni Mathew. Pinanood ko silang dalawa at nakita ko na kung ano ang pagkaparehas nila.
Parehas silang umaasa sa parents pero sa huli ay nadi-dissapoint lang sila. Lahat ng pangako sa kanila ay napapako. Pero at least, nandiyan pa rin si Zero para kay Mathew hindi tulad ni Laurence.
Maya-maya lang ay nakaramdam na ko ng sakit sa tiyan. "Laurence! Mathew!" Tawag ko sa dalawang bata. Agad naman silang tumakbo palapit sa'kin.
"Mom! You okay?!" Tanong ni Laurence. Nakita kong tumakbo papasok ng bahay si Mathew. Sila Ella, Rage at Saber naman ay nagsisigaw dahil baka lumabas na daw 'yung mga kapatid nila mula sa tiyan ko.
"Love?!" Rinig kong sigaw ni Mike at binuhat na niya ako. Agad niya kong isinakay sa sasakyan at sumakay din 'yung mga bata sa likod.
Binigay naman ni Mike 'yung phone niya kay Laurence. "Call Aldrich now." Utos nito at pinaandar ng mabilis ang sasakyan.
~~
Nakarating na kami sa sasakyan at inihiga na nila ako sa stretcher. Nakita ko na maraming doktor ngayon dito kaya kinabahan ako.
Bakit ganito? Hindi naman ganito karami ang mga doktor no'ng una akong nanganak ah. Nakakatakot naman 'to.
Pinasok na nila ako sa delivery room at pumasok din sa loob si Mike. Rinig ko 'yung sigaw ng mga bata mula sa labas at napasapo ako sa noo.
"Those noisy kids." Binuksan ni Mike 'yung pintuan at sumigaw ng "Shut your mouths! Everyone here can't concentrate because of you!" Tumahimik naman 'yung mga bata.
Bumalik na siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay niya. Hinalikan niya ang kamay ko at pumasok na 'yung doktor.
"Wow. Pain, asawa mo pala pasyente ko. Walang hiya ka. Sinigawan mo pa 'yung mga bata." Sabi ng doktor. "Ako ang unang makakakilala sa mga pamangkin ko." Masayang saad pa nito.
"Okay. Aiko, Aiko diba?" Tumango ako. "Push, Aiko." Umire na ako at hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay ni Mike.
"More Aiko. Push." Sabi pa ng doktor at may narinig na kaming mga iyak ng sanggol. "Kaya medyo nahirapan siya dahil sabay silang lumabas." Paliwanag ng doktor.
Binigay na niya ang mga sanggol sa nurse. "Isang babae at isang lalaki po." Sabi ng nurse.
"Ano pong pangalan nila?" Tanong pa ng nurse. "Demetria Evangeline De Asis Arcana para sa baby girl." Sabi ko at napatingin kay Mike.
"Anong gusto mong pangalan para sa anak nating lalaki?" Tanong ko sa kaniya. Nakita kong napangiti siya sa'kin.
"Vulcan Ira Ignis De Asis Arcana for the baby boy." Napatingin ang nurse kay Mike na para bang gulat na gulat. Akala ko ako lang ang na-weridohan sa pangalan.
"Copy that po." Sabi ng nurse at biglang nandilim ang paningin ko.
~~
Nagising ako at nakita ko si Mike na natutulog sa sahig habang naka-upo. Sila Saber, Laurence at Mathew naman ay naka-upo sa sofa at natutulog din.
Sila Ella at Rage naman ay nagba-basa kasama ni Avi. Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko si kuya Nero na nakatingin sa'kin.
"You okay?" Tumango ako. "I'm going to call a doctor." Sabi niya at nagtawag na siya ng doktor. Napahinga ako ng malalim.
"Parang ayoko nang manganak. Ayos na 'yung apat, ayoko nang dagdagan pa." Sabi ko. "You can't stop Pain though." Sagot niya.
"Sasabihan ko na ba siyang gumamit ng condom?" Tanong ko. "And do you think that he's going to use some? I doubt that, little sister." Sagot niya ulit.
"Love? Are you okay?" Tanong ni Mike at lumapit sa'kin. "Ayos lang ako." Sagot ko. Napatingin kami sa pintuan nang bumukas 'yon.
Nakita namin sila Zero at kuya Rider, kasama din nila si ate Danica. Nakita kong may dala silang pagkain. Binigay 'yon ni Zero kay kuya Nero at kinuha naman niya.
"Alam namin na gutom na kayo eh." Komento niya. Nagising naman 'yong tatlo at lumapit si Saber kanila kuya Rider at niyakap.
Si Mathew naman ay nakatitig lang kay Zero pero hindi niya nilapitan. Napatingin naman si Zero sa anak niya at nilapitan.
"Can we talk, Math? This is about your mommy, okay?" Tumango si Mathew at lumabas na silang dalawa ni Zero mula sa kwarto.
"Sana naman magkaintindihan na 'yung dalawa." Komento ko. "Let's just hope." Sabi naman ni Mike. Lumapit sila Avi sa pwesto ko.
"My girlfriend, are you okay?" Tumango ako. "Mommy, where are our baby sister?" Tanong ni Ella. "No! He is a baby brother." Sagot naman ni Rage.
At ayon na nga. Nag-away na silang dalawa kung babae ba ang kapatid nila o lalaki. Pati rin ako ay naguluhan sa kanilang dalawa.
"Baby sis and baby bro, please stop. Don't fight." Pagpigil ni Laurence sa dalawa. Tumigil naman silang dalawa.
"Why are we going to fight if they are a boy or a girl? If we can have both." Mas napangiti naman 'yung dalawa. "Wow. May mga sapi talaga anak ni Pain." Komento ni kuya Rider.
"Handa ka na ba sa mga susunod na mangyayari?" Tanong ko kay Mike at umiling siya. "I can really feel that they will make us crazy." Natawa ako sa sinabi niya.
Hinayaan na lang namin sila na mag-usap lahat at pinakinggan na lang namin sila.
•••• END OF SPECIAL CHAPTER #1. ••••
![](https://img.wattpad.com/cover/26237997-288-k723548.jpg)
BINABASA MO ANG
His Own Possession 2: Still Loving You (HOP Series #2)
RomanceBasahin po muna ang His Own Possession (HOP Series #1) para maintindihan niyo po 'yung story! (Revised Version.) After completely escaping her father's plans, Mike and Silence went to Canada to have a new life there and do their own business. They a...