Date Published: June 25, 2016
Final Re-Published: July 20, 2019CHAPTER 27.
AIKO'S POV
Nagising ako nang narinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yun at binasa ang text. Nanlaki ang mga mata ko nang nabasa ko na 'yung message.
From: +6358263957689
I'm here right now at gusto kong makilala ang anak ko at gusto rin kitang maka-usap tungkol sa mga nangyari.Magkita tayo sa resto na pinagta-trabahuhan mo.
- Frenan.
Agad akong tumayo at nagbihis. Lumabas na ako ng kwarto at hinanap sila Mike. Naabutan ko silang apat na naglalaro sa sala.
"Love." Napalingon siya sa'kin at lumapit. Pinabasa ko sa kaniya 'yung message ni kuya at sumama ang aura niya.
"I think this is a trap."
"Paano kung hindi? Paano kung gusto niya lang talagang makilala si Laurence. Hindi natin pwedeng ipagkait 'yung bata sa kaniya." Paliwanag ko.
"At hindi din pwede na hindi natin ipakilala si Laurence kay kuya dahil si kuya pa rin naman ang ama niya." Dugtong ko pa.
"Okay. I get it. I'm coming with you but I'll stay inside the car while watching the three of you from the outside." Tumango ako sa kaniya.
"Get ready." Pumunta na ako sa banyo at naligo na.
~~
Dumating na kami sa resto ni kuya Nero at kasama ko si Laurence. Hinihintay naming dumating si kuya nang nilapitan kami ng isang waiter.
"Do you want some drinks, miss?" Tumingin ako kay Laurence. "Are you thirsty?" Tumango siya. "Give him an iced tea." Nakangiting sagot ko at agad namang umalis 'yung waiter.
"What are we doing here?" Tanong niya. "Someone wants to meet you." Simpleng sagot ko. "Mommy?" Umiling ako. Nakita ko naman na mas lalong lumungkot ang mukha niya.
"I'm sorry." Sabi ko. "It's okay. I always feel this when it comes to mommy. Her promises are always meant to be broken." Sabi niya.
Parang pinipiga na naman 'yung puso ko dahil sa sinabi niya. Sana talaga ay makipagkita si kuya sa kaniya ngayon para naman mabawasan 'yung dinadalang hinanakit ng bata.
Napatingin ako sa phone ko nang nag-vibrate 'yun. Binasa ko 'yung message at mas lalo akong nadismaya para kay Laurence.
From: +6358263957689
Hindi na ako makikipagkita sa anak namin. Sa'yo na lang ako makikipagkita kaya iuwi mo na siya.- Frenan
Napasapo ako sa noo ko at hindi ko alam kung paano ko 'to sasabihin kay Laurence. Dumating na 'yung iced tea na inorder ko para sa kaniya.
Kinuha 'yun ni Laurence at ininom. Napatingin ako sa bandang kitchen at nakita kong lumabas si kuya Rhay. Tinaas ko 'yung kamay ko para makita niya ko at agad naman siyang lumapit sa'kin.
"Why? May problema ba? Hindi pa ba dumadating 'yung order niyo?" Pinaupo ko siya sa upuan at may binulong.
Nakita ko naman na dismaya din siya at napatingin sa batang kasama ko. "Hello kid. I am your friendly uncle and do you want to come with me?" Nakangiting saad ni kuya Rhay.
"Where?" Tanong niya habang nainom ng iced tea. "Inside the kitchen. I'm going to let you taste anything." Sagot ni kuya.
Nakita ko naman na napangiti si Laurence at sumama na siya kay kuya Rhay. Lumingon siya sa'kin at nag okay sign.
Hinayaan ko na silang umalis at pumunta sa kitchen nang may umupo sa pwesto ni Laurence kanina. Nakita ko si kuya Frenan na parang may sakit.
"Alam mo bang ako na ang nadidismaya at nasasaktan para sa anak mo?" Paninimula ko. "Una inabandona siya ng nanay niya at ngayon ayaw mo siyang makilala." Dugtong ko.
May binigay siyang envelope sa'kin at kinuha ko 'yun. Binuksan ko 'yun at binasa ang nakasulat sa papel.
"Will of testament? B-bakit may ganito kuya?" Takang tanong ko. "Para sa anak ko. Sa kaniya na lahat ng mga pinaghirapan ko." Sagot niya.
"P-pero hindi ito ang gusto niya. Ang gusto niya ay kayo at hindi ang pamana." Sagot ko.
"Sa ngayon, ikaw muna ang magha-handle nito at ibigay mo sa kaniya 'pag nasa wastong gulang na siya. Ikaw lang ang pwede kong pagkatiwalaan tungkol dito, Aiko." Mahabang saad niya.
"May pirma na 'yan at verified na. Hindi na 'yan pwedeng bawiin. Walang pwedeng makakuha kundi ang anak ko lang at wala nang iba." Dugtong niya pa.
"Ipapamana mo sa kaniya 'yung mga katarantaduhan mo? 'Yung mga pagbe-benta mo sa mga babae, drugs at body organs?"
"Kuya, 'wag mong itulad sa'yo 'yung anak mo. 'Wag mo siyang turuan kung paano maging kriminal." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Aiko, hindi lang 'yun ang ginagawa ko. Meron din akong hina-handle na hotel na malinis. Walang krimen doon." - kuya Frenan.
"Pwede niyong baguhin ang pamamalakad sa org na ipapamana ko sa kaniya. Tutal, ikaw naman muna ang magha-handle habang wala pa siya sa wastong gulang niya."
"Bakit hindi ka na lang magpakita at magstay para sa kaniya? Ikaw ang gusto niya. Ikaw ang gusto niyang makasama dahil ikaw ang ama niya." Umiling siya.
"Hindi ako pwedeng manatili dito. Aalis na ako. Ikaw na ang bahala sa lahat ng ari-arian ko at sa anak ko. Ikaw na ang bahala sa lahat ng bagay na para sa anak ko." Pinigilan ko siyang umalis pero hindi ko nagawa.
Naiwan 'yung envelope na nasa lamesa at napatingin sa bintana kung saan nakikita ko si Mike. Napabuntong hininga ako at tumayo na.
Kinuha ko na 'yung envelope at pumasok sa loob ng kitchen. Hinanap ko sila kuya Rhay at nakita ko sila sa loob ng practice kitchen.
Pumasok ako doon at naabutan ko silang kumakain. Napatingin si kuya Rhay sa direksyon ko at inalalayan nang matutumba na ako.
Pina-upo niya ko sa upuan at huminga ng malalim. "What's that?" Tanong ni kuya habang nakatingin sa envelope.
"Will of testament. Ako muna ang magha-handle ng lahat habang wala pa siya sa wastong gulang." Paiyak kong sagot.
"Another stress. Kung kailangan mo ng tulong, nandito kami." Saad niya. "Naawa ako sa batang 'to." Komento ko.
"Salamat sa pagtulong kuya pero oras na para makilala ng batang 'to ang mga kapatid namin at nanay ng tatay niya." Pagtanggi ko sa inaalok niyang tulong.
"Kami na ang magha-handle para sa kaniya." Ngumiti at tumango si kuya Rhay. "Naiintindihan ko Aiko." Sagot niya.
"Ayokong mas dumagdag pa ang mga gawain niyo dahil sa'min. Kami na ang bahala." Saad ko at tumayo na. "Tapos na ba kayo?" Tanong ko.
"Yes. So, nephew, you're going home now. See you next time." Tumango si Laurence at hinawakan na niya ang kamay ko.
"Thank you kuya." Saad ko at naglakad na kami paalis ni Laurence para umuwi na sa bahay.
~~
Gabi na at matutulog na kami ni Mike nang nagsalita siya pagkatapos niyang basahin ang will ni kuya.
"Wow. He really got a nerve, huh? This is why I hate your brother, love." Tumingin ako sa kaniya at tumabi.
"Wala naman tayong magagawa kung ayaw nila kay Laurence. Alagaan na lang natin siya." Sabi ko. "Yeah. Let's take care of him." Sagot niya.
"But I'll be the one who's going to handle the org first while he's still not in a right age. But I'm going to teach him everything slowly." Tumango ako.
"Ikaw po ang magaling diyan kaya ikaw na ang maghandle." Nakangiting saad ko at natulog na kami.
•••• END OF CHAPTER 28. ••••
BINABASA MO ANG
His Own Possession 2: Still Loving You (HOP Series #2)
RomanceBasahin po muna ang His Own Possession (HOP Series #1) para maintindihan niyo po 'yung story! (Revised Version.) After completely escaping her father's plans, Mike and Silence went to Canada to have a new life there and do their own business. They a...