Chapter 30.

5.6K 115 11
                                    

Date Published: July 2, 2016
Final Re-Published: July 20, 2019

CHAPTER 30.

AIKO'S POV

Nandito kami ngayon sa isang opisina. Iniwan na muna namin si Laurence sa bahay dahil gusto niyang samahan si Mathew dahil sa nag-iisa lang 'to doon.

Kami pa lang ang nandito at dahil sa nakaramdam ako ng uhaw ay tumayo ako. Lumapit ako kay Mike na prenteng naka-upo sa pwesto niya.

"Love, bili lang ako ng inumin." Paalam ko. "Be careful love. There are many wolves here." Tumango ako kahit na hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

Naglakad na ko palabas ng meeting room at pumunta sa vendo machine na malapit mula doon. Medyo kinabahan ako nang napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao mas lalo na ng mga lalaki.

Bakit nila ako tinitignan? May mali ba? May dumi kaya ako? Bakit ganiyan sila makatingin sa'kin? Kinuha ko na 'yung tubig na binili ko at pumunta na muna ako sa C.R.

Pagkapasok ko doon ay tinignan ko ang sarili ko at hinanap ang dahilan kung bakit nila ako pinagtitinginan. Wala naman akong nakita kaya nagtataka ako.

Napahinga na lang ako ng malalim at kinuha na 'yung bote at pumasok sa isang cubicle para gawin ang gusto kong gawin.

Habang nandoon ako sa loob ay narinig kong bumukas ang pintuan ng C.R at may narinig akong mga yabag ng paa.

"Nakaakinis talaga boyfriend ko. May pinag-uusapan ba namang ibang babae mula sa mga kaibigan niya." Rinig kong saad ng isang babae.

"Pero girl, infrainess. Maganda talaga 'yung babae. Sobrang ganda parang model." Sabi naman ng kausap nito.

"Nakakainis talaga. Makita ko lang 'yung babae ay talagang ngungudngudin ko 'yung pagmumukha no'n." Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabi nito.

Tumayo na ko at inayos ang damit ko. Binuksan ko 'yung pintuan ng cubicle at lumabas na. Napatingin 'yung dalawang babae sa'kin at nakita kong nakanganga sila.

Nagtaka ako kung bakit pero hindi ko na pinansin 'yun. Naglakad na ko palabas mula sa C.R at bumalik na sa loob ng meeting room.

Pagkapasok ko ay napatingin ako sa lahat, nginitian ko sila at napayuko ng onti. Naglakad ako palapit kay Mike na busy nakikipaglaro sa mga anak namin.

Hinalikan ko siya at nakita kong namula siya. Hindi ko inaasahan na mamumula siya ng ganiyan. Pati tenga niya ay namumula din.

"Wow! Namula si Mike. First time 'to ah." Rinig kong komento ng isang lalaki. Lahat sila ay nagtawanan dahil do'n. "Ang ganda ng asawa mo ah. Paano mo nauto, Mike?" Pang-aasar pa ng isang lalaki.

"Just shut the fuck up." Sagot ni Mike at nagsimula na sila sa meeting nila. Kinuha ko sila Ella mula sa kaniya para makapag focus siya sa meeting nila.

~~

Pagkatapos ng meeting ay nagsilabasan na kaming lahat mula sa kwartong 'yun. Nilapitan ako ni kuya Zexal at nakipag-usap.

Maya-maya lang ay agad akong inakbayan ni Mike at sinamaan ng tingin si kuya Zexal at napalayo siya ng onti mula sa'kin.

"Akala mo naman aagawin 'yung asawa niya. Nakikipag-usap lang eh." Angal naman ni kuya Zexal kay Mike.

"We maybe are friends but my wife is always off-limits." Seryosong sagot ni Mike at lumapit naman sa pwesto namin si kuya Nero.

"Little sister, I'm going now." Pagpapaalam niya sa'kin at hinalikan ako sa noo. "Bakit si Nero hindi mo pinagsabihan?" Tanong naman ni kuya Zexal. "His wife is my step little sister so, shut the fuck off." Inis na sagot ni kuya Nero.

His Own Possession 2: Still Loving You (HOP Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon