Chapter 14.

7.8K 167 3
                                    

Final Re-Published: July 20, 2019

CHAPTER 14.

AIKO'S POV

Tapos na ang trabaho namin at kausap ko ngayon si kuya Nero sa opisina. Nakayakap ako sa kaniya dahil sa na-miss ko siya ng sobra.

"So, you want to remove something from the menu and add something new?" Tumango ako. "'Yung mga pinatikim namin ni kuya Rhay 'yung ipapalit namin." Sagot ko.

"Okay. I love those dishes so; you have my permission." Napangiti ako at niyakap siya ng mahigpit. "Thank you kuya." Bulong ko.

Humiwalay ako sa kaniya at sinulat na 'yung mga dish sa isang papel. Maya-maya lang ay hinawakan ni kuya ang braso ko at tinignan 'yun.

"What happened? Why do you have a bruise here?" Tanong niya. "Nandito 'yung lalaking kasama ni daddy kahapon." Sagot ko.

"And he hurt you?!" Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw. "Hinawakan niya ko ng mahigpit tapos pilit niya kong hinihila papunta sa kung saan." Sagot ko.

"That fucking bastard will pay." Galit niyang bulong at hinimas 'yung braso ko na may pasa. "Let's put some ice to heal." Agad ko siyang pinigilan.

"Hindi kuya. Okay lang. Ayos lang. Hindi naman siya masyadong masakit eh." Sagot ko naman sa kaniya at napabuntong hininga siya.

"Okay. Go home safe, little sister." Hinalikan niya ko sa noo.

"Bye kuya. Ingat ka ah." Saad ko at kinuha na 'yung gamit ko. Naglakad na ko palabas mula sa resto. Nakita kong wala pa si Mike kaya naman ay babalik na sana ako sa loob nang biglang may dumating na itim na van kinuha nila ako.

"Ahhh! Kuya! Kuya!" Sapilitan nila akong pinasok sa loob ng van at sinara agad. Nanlaban ako sa kanila pero agad nilang nilagay ang mga kamay ko sa likod ko at pinosasan ito.

"Bitiwan niyo ko! Pakawalan niyo ko!" Sigaw ko. "Sabi ko naman sa'yo na kukunin kita diba?" Napatigil ako nang narinig ko 'yung pamilyar na boses.

"'Wag ka mag-alala, magugustuhan mo 'yung gagawin natin mamaya." Saad niya at nilagyan ng panyo ang bibig ko ng isa niyang tauhan.

THIRD PERSON'S POV

Agad na tumakbo palabas sila Nero nang narinig nilang sumigaw si Aiko. Pagkalabas nila ay nakalayo na 'yung van mula sa pwesto nila.

"Damn. They got away." Inis na saad ni Nero. "What's the plan?" Tanong ni Rhay. Pinulot naman ni Lexus ang bag ni Aiko.

"Patay tayo kay Pain nito." Komento ni Lexus at dumating na si Mike. Agad siyang bumaba at lumapit sa kanila. "They got her." Mahinang saad ni Nero.

"What?! They got her?!" Galit na tanong ni Mike. Kinuha niya 'yung phone niya at may tinawagan na kung sino doon.

"Help us." Saad agad ni Mike sa kausap niya sa kabilang linya.

~~

Nandito sila Blade at Blaize sa isang building na nasa harap ng building na pinagmamay-ari - ninakaw ng mga Ramirez.

Nanonood lang silang dalawa habang dinadala nila si Aiko papasok ng building. "Ms. De Asis? Why is she there?" Tanong ni Blade.

"You know her?" Tumango si Blade kay Blaize. "My former student. Pain's girlfriend." Sagot niya sa kapatid. "She's beautiful." Komento ni Blaize.

His Own Possession 2: Still Loving You (HOP Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon