Chapter 31.

6.4K 139 8
                                    

Date Published: July 8, 2016
Final Re-Published: July 20, 2019

CHAPTER 31.

AIKO'S POV

~ NEXT DAY ~

Nandito ako sa isang cafe at may hinihintay. Makikipagkita ako kanila Mica ngayon at buti na lang ay pinayagan ako ni Mike.

Sa bagay, pinagalitan na naman siya nila Zero at kuya Rider dahil sa ayaw na naman niya kong pasamahin pero dahil sa narinig nilang dalawa ang pinag-uusapan namin ay sumingit na sila.

At tulad ng inaasahan ay ako ang kinampihan nilang dalawa. Kaya naman sa huli ay walang nagawa si Mike kundi ang pumayag na lang.

Maya-maya lang ay nakita ko na sila Mica at sabay-sabay silang dumating. Umupo sila sa mga bakanteng upuan.

"Kamusta kayo? Na-miss ko kayong tatlo." Sabi ko at niyakap ko silang tatlo. "Ayos lang kaming tatlo. Ikaw, kamusta?" Sagot naman ni Anthon.

"Okay lang naman ako. Wala na sila daddy eh." Sagot ko. May dinukot akong tatlong invitation cards mula sa bag ko at binigay sa kanilang tatlo.

"Attend kayo sa kasal namin ni Mike ah kung hindi naman kayo masyadong busy." Sabi ko sa kanila.

"Congrats. Attend talaga ako para makita naman kitang nakasuot ng wedding gown." Sabi ni Mica sa'kin.

"Syempre, sama din kami ni Seth. Hindi kami pwedeng mawala sa kasal ng best friend namin." Nakangiting saad naman ni Anthon.

"Aasahan ko kayo ah." Nakangiting saad ko naman sa kanila. Napatingin ako sa kamay ni Mica at nanlaki ang mata ko.

"Kanino ka engaged?!" Gulat kong tanong sa kaniya. Napatawa naman siya at napahawak sa kamay ni Anthony.

"Sa'kin." Nakangiting sagot ni Anthony sa'kin. "Kapag 'yan umiyak nang dahil sa'yo, ipapasuntok kita sa kapatid mo." Pananakot ko.

"'Wag kang mag-alala, nasuntok ko na 'yan kaya hindi na niya sasaktan si Mica." Sabi naman ni Anthon sa'kin.

"Ikaw? Meron ka na ba?" Tanong ko kay Anthon at napa-iling. Nakita ko naman na medyo lumungkot siya.

"Sinaktan at binalewala ko kasi eh. Masyado kasi akong patay na patay sa iba no'n kaya ko nabalewala 'yung taong laging nandiyan." Sagot niya.

"Pero no'ng nawala siya, doon ko lang na-realize na mahal ko na pala siya. Hindi ko lang alam kasi lagi akong nakatingin sa malayo." Dugtong niya pa.

"Hindi mo pa ba siya nakikita? Hindi mo ba alam kung saan siya nakatira o wala ka bang contact?" Tanong ko pa.

"Alam ko kung saan siya nakatira pero sa tingin mo ba ay hahayaan niya pa akong bumalik sa buhay niya?" Tumango ako.

"Ipakita mo lang sa kaniya na gusto mong bumawi. Pero ang tanong, mahal mo ba?" Tumango siya at ngumiti na para bang nahihiya.

"Iparamdam mo sa kaniya na mahal mo siya pero 'wag kang maging agresibo. 'Yung tama lang." Sabi ko naman.

"After nito, puntahan mo siya at baka sakaling may second chance pa para sa inyong dalawa." Suhestyon ko at tumango siya.

"Veil, may nangyari sa inyo after graduation diba?" Hinampas ko si Anthon sa braso dahil sa narinig ko.

"Inanakan mo tapos sasaktan mo?" Sabi ko sa kaniya. "H-huh? Sa tingin mo ba mabu-buntis ko siya sa loob ng isang gabi lang?" Takang tanong niya.

"Baka lang naman." Sagot naman ni Mica at mas lalong kinabahan si Anthon dahil do'n. "Bakit ko ba kasi siya sinaktan noon eh?" Napakamot siya ng buhok.

"Bumawi ka na hangga't maaga pa, Anthon. Kesa naman sa mahuli ka at mas lalo ka pang magsisi." Sabi naman ni Mica.

~~

Nandito kami sa isang mall at nag-iikot. Ginawa namin ang mga ginagawa namin dati no'ng college pa kami.

Nanonood ng sine, kumain, nag-ikot sa buong mall at naglaro sa mga arcade. Wala kaming pake kung matatanda na kami basta makapag-enjoy kami ayos lang.

"Veil, tara na? Puntahan na natin 'yung babae mo?" Tanong ni Anthony at tumango si Anthon. Pinigilan ko silang umalis at lumapit ako sa babaeng nagtitinda ng bulaklak.

"Ate, pabili po ng isa." Sabi ko at inabot niya sa'kin 'yung bouquet ng bulaklak. Binayaran ko na 'yun at bumalik sa pwest nilang tatlo.

"Ito oh. Ibigay mo sa kaniya." Sabi ko at binigay ang bulaklak. Kinuha naman niya 'yon at inayos ko ng onti 'yung buhok niya.

"'Yan. Okay na. Punta na doon." Sabi ko at umalis na silang tatlo. Naiwan naman ako doon at napatingin ako sa umakbay sa'kin at nakita ko si Mike.

"Anong ginagawa mo dito?" Tinaas niya 'yung hawak niyang take out na pagkain. "The kids wants it. So, I bought them." Sagot niya at ngumiti ako.

"Uwi na tayo." Tumango siya at naglakad na kami pa-uwi ng bahay.

"Sana naman may second chance pa si Anthon para do'n sa babaeng sinaktan niya noon." Pagkwento ko.

"I'm sure that everything is going to be okay. Just trust him." Tumango ako at nanahimik na ulit kami habang naglalakad papunta sa sasakyan niya.

•••• END OF CHAPTER 31. ••••

His Own Possession 2: Still Loving You (HOP Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon