Chapter 20.

5.8K 141 8
                                    

Final Re-Published: July 20, 2019

CHAPTER 20.

THIRD PERSON'S POV

Nakapasok na sila Jomari sa loob ng bahay. Lumipat sila Lirreanne sa kwarto nila Mike kung saan ay mahimbing pa ring natutulog si Aiko.

Inihiga ni Lirreanne si Avi sa kama dahil sa natutulog na ito. Nag-aalala siyang tumingin sa pintuan dahil sa mga sumugod sa bahay.

~~

Inilipat naman ni Zero si Mathew sa loob ng tagong kwarto para hindi ito mapahamak pero binigyan niya pa rin ito ng baril para lang makasiguro na ligtas ito.

"Always remember to be careful. Okay?" Tumango si Mathew at hinalikan si Zero sa pisnge. "I'll be careful po, daddy." Sagot ni Mathew at lumabas na mula sa kwarto si Zero.

~~

Binaril ni Mike ang mga lalaking nakikita niya. Bumaba na siya papunta sa unang palapag ng bahay para mahanap si Jomari.

~~

Nandito si Zero at binaril din ang mga lalaki at kumuha siya ng isa pang baril para dalawa ang gamit niya. Binaril niya 'yung isang bagong dating na lalaki.

Pumunta na siya sa bandang kitchen at may nakita siyang isa pang lalaki. Lumapit siya doon at inumpog sa lamesa dahil nainom pa ito ng tubig galing sa ref nila.

"Lakas ng loob mong uminom ng tubig sa bahay na may bahay ah." Kinuha na ni Zero 'yung pitchel at hinugasan 'yun.

~~

Bumaba na mula sa ikatlong palapag ng bahay si Rider at pinagbabaril niya lahat ng mga nakikita niyang lalaki. Sinipa niya 'yung isang malapit sa kaniya.

Binaril niya ulit 'yung isa pa at napa-iling na lang. "Ang sabi ko hindi ko na gavawin 'to eh." Bulong niya sa sarili niya.

Nagulat naman siya nang may tumumba sa likod niya at nakita niyang binaril ito ni Nero. Lumapit sa kaniya ang kapatid at hinawakan sa balikat.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito. Tumango si Rider. "Magagalit sa'kin si Danica." Iling-iling na saad ni Rider.

"She won't know. Don't worry." Sagot ni Nero at bumaba na siya sa ikalawang palapag.

~~

Bumalik na si Raphael sa loob ng secret room at umupo sa tabi ni Asunta. Hinanap na nila kung nasaan si Jomari dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila makita ito.

"Where's that bastard?" Tanong ni Raphael. "I think alam ko na kung nasaan siya." Napatingin si Raphael sa tinuro ni Asunta at agad niyang sinabihan an lahat tungkol doon.

~~

Dumating na sila Rhay sa bahay nila Mike at agad nilang kinuha ang mga baril nila nang nakita nila 'yung tatlong van.

"I think we're not the only visitors here." Komento ni Lex at lumabas na mula sa sasakyan. Lumabas na rin 'yung dalawa at pumasok na sa bahay dala ang mga baril nila.

~~

Niyakap ni Lirreanne si Aiko at pilit nilang dalawa na takpan ang katawan nito dahil sa nakasuot lang ito ng isang manipis na damit.

Nakangiti ng malademonyo si Jomari habang nakatingin kay Aiko. Nagising din si Avi at dahan-dahang kinuha 'yung baril na nasa drawer ng bedside table.

"Nandito na ako at lalaspagin na kita dito mismo sa kama ng asawa mo." Tumatawang saad ni Jomari. Nang nakalapit na siya ay agad siyang hinawakan ni Lirreanne sa braso at pilit na nilalayo mula kay Aiko.

His Own Possession 2: Still Loving You (HOP Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon