Date Published: February 6, 2017
Final Re-Published: July 20, 2019CHAPTER 4.
AIKO'S POV
Matutulog na kami ni Mike at humiga na kaming dalawa sa kama. Niyakap namin ang isa't isa at naramdaman kong hinalikan niya ko sa noo.
"Love, are you happy? Are you bored?" Tanong niya. "Medyo bored kasi wala naman akong masyadong ginagawa." Sagot ko.
"Gusto ko sanang magtrabaho, hindi 'yong nakatambay lang ako dito tapos ikaw nagta-trabaho." Dugtong ko pa. Hinawakan niya ko sa pisnge.
"Nero told me that he needs someone to manage the restaurant that he owns somewhere here in Canada." Saad niya. "Do you want it? I'll tell him." Tumango ako.
"Sige. Payag ako pero hindi ako sure kung kaya kong i-manage 'yon ng maayos." Sagot ko naman. "He said that he's going to send someone there to help you." Sabi niya.
"Sige. Payag ako." Pinasandal na niya 'yong ulo ko sa dibdib niya. "Let's sleep. I'll talk to him tomorrow." Bulong niya at pumikit na ako.
~~
Dalawang araw na ang nakakalipas at nandito ako sa restaurant na sinasabi ni Mike. Maganda naman dito at maayos. Kasama ko 'yong isa pang sekretarya ni kuya Nero na si Steve.
"Miss, ito po 'yong opisina niyo." Saad ni Steve at pinakita sa'kin 'yon kwarto na nasa pinakalooban ng kitchen. Malinis naman dito saka parang minsan lang magamit.
"Pinapasabi po ni sir. Nero ay gamitin niyo po sa kahit kailan niyo po gustuhin. Kung gusto niyo pong may baguhin dito pwede naman daw po." Paliwanag ni Steve.
"Basta sabihan lang daw po siya ahead of time, miss. Para kung may mangyaring mali man po ay matulungan ka po niya." Tumango ako.
"Sige. Naiintindihan ko. Salamat." Nakangiting sagot ko. "Kamusta na pala sila kuya?" Tanong ko.
"Ayos lang po sila. Sa katunayan nga po ay bumalik na po sa dati ang mga ginagawa niya pero binabantayan pa rin po nila ang tatay niyo." Sagot niya.
"Gano'n ba? Okay. Salamat." Sagot ko. "Pwede bang malaman kung ano ang mga pagkain na nasa menu? At kung ilan ang empleyado dito?"
"Opo, miss." May binigay siyang mga folder sa'kin at kinuha 'yon. Umupo ako sa upuan at binasa ang mga nandoon.
"Magbu-bukas po ba ngayon ang restaurant, miss?" Tumango ako. "Wala pa naman akong babaguhin kaya magbu-bukas ngayon."
"Saka na-ikot ko na ang buong lugar kaya ayos lang. Aalamin ko muna ang mga dapat kong malaman." Nakangiting sagot ko.
"Opo miss. Naiintindihan ko." Sagot niya at tumayo. May tinawag siyang isang babae at tumango naman ito sa kaniya at umalis na.
Binasa ko na lang ulit ang mga papel na nandito sa lamesa at naglista para pag-aralan ko sa bahay.
~~
Maya- maya lang ay maraming kumakatok sa pintuan ng opisina at napatingin ako doon. Niluwa ng pintuan ang dalawang empleyado dito sa resto.
"Miss, we need help. We have a problem." Tumayo agad ako mula sa kinauupuan ko at lumapit sa kanila. "One of the customers are pissed because of one of the waiters." Agad akong naglakad palabas mula sa kitchen at nakita ko 'yong gulo.
Sumisigaw na 'yong waiter at napa-iling ako. Lumapit ako sa pwesto nila at pintahimik 'yong waiter. Tumahimik naman siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"May I know, what's going on, ma'am? Maybe we can talk this out." Mahinahong saad ko. "Are you the manager here?" Medyo galit niyang sambit.
"Ahmm... No. But I am the one who's handling this place for my brother's place." Sagot ko. "That guy doesn't want me to talk to the chef because my food has no taste at all."
Napatingin ako doon sa waiter at nakita kong nakatingin siya ng masama sa customer. Okay. Kalma Silence. Kaya mo 'to. Malalagpasan mo 'to.
"Is it okay if I will replace it with a new one, ma'am? I can replace it for you." Saad ko. Tinaasan niya ko ng kilay at tumango siya.
Tumingin ako sa lahat ng empleyado na nadito at nakikinig at nanonood. "Go back to your work." Saad ko at agad naman nilang ginawa 'yon.
Hinawakan ko sa balikat 'yong waiter na gumalit sa customer. "Apologize to the customer. And let's talk inside my office after this." Bulong ko at kinuha ko na 'yong pagkain at bumalik sa loob ng kitchen.
Pagkapasok ko sa loob ng kitchen at kumuha ako ng isang malinis na kutsara at tinikman 'yon. Wala ngang lasa.
Nilapag ko 'yon sa lababo at lumapit sa chef na nagluto ng pagkain. "Can I?" Tanong ko at may kinuha siyang hair net at apron.
Sinuot ko na 'yon at sinubukang i-resolba 'yong pagkain. "I'm very sorry, miss. This is all my fault." Saad ng chef sa'kin.
"No. No. It's fine. But next time, check the taste first before serving, okay?" Tumango siya at ngumiti ng onti. Hinawakan ko siya balikat at nginitian siya.
Dinagdagan ko na ng lasa 'yong soup at tinikman ulit. Pinatikim ko naman sa chef 'yong soup at napangiti siya. "Okay. Delicious." Nakangiting saad niya.
Kumuha na ako ng bowl at hinahin na 'yong soup. Pagkatapos kong ayusin 'yong soup ay lumabas na ako mula sa kitchen at sinerve 'yon sa nagwa-walang customer kanina.
"Here, ma'am." Napalunok ako dahil baka hindi niya rin magustuhan. Ayokong masira 'yong resto ni kuya. Kaya please lang sana magustuhan niya.
Ayokong ma-disappoint si kuya sa'kin. Gusto kong patunayan kay kuya na kaya ko 'to at tama siya na magtiwala sa'kin.
Pagkatikim niya si soup ay nakita kong napangiti siya. Ngiti ba 'yan ng anghel o demonyo? Halos mahimatay ako sa kaba dahil sa customer na 'to.
"I like it. It's very delicious, miss." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. "I have no idea that Nero has a sweet little sister like you."
"You - you know my brother?" Hindi ko makapaniwalang tanong. "I am his grandmother to his mother's side." Ibig sabihin no'n ay...
"I-I am very sorry about what happened. I'll make sure that this will not happen again, ma'am." Sabi ko pa sa kaniya.
Nginitian niya ko at pinakalma. "You're his little sister from his father, am I right?" Tumango ako. "I never knew that there is a sweet and kind girl from that criminal's family." Ramdam ko 'yong galit niya sa pamilya ko.
"Sit down. Let's talk for a while." Umupo naman ako dahil 'yon ang gusto niya.
"I'm going, to be frank, I don't like your family and most especially your father. But I think, you'll be an exception for that." Saad niya.
"Sana naman ay hindi ka lang pakitang tao sa'kin at sa'min ng apo ko kundi hindi mo magugustuhan ang gagawin namin sa'yo." Tumango ako.
"Opo. Naiintindihan ko po." Mahina kong sagot. Tulad ni kuya ay nakakatakot din siya. Pero mas nakakatakot siya kesa kay kuya.
"B-balik na po ako sa trabaho ko." Paalam ko. "Sige. Pasensya na kung medyo natakot kita at naistorbo." Saad niya.
"Ayos lang po 'yon." Sagot ko at tumayo na ko. Naglakad na ko pabalik sa loob ng kitchen at pilit ko pinapatigil ang kamay ko mula sa panginginig.
=== END OF CHAPTER 4. ===
BINABASA MO ANG
His Own Possession 2: Still Loving You (HOP Series #2)
RomanceBasahin po muna ang His Own Possession (HOP Series #1) para maintindihan niyo po 'yung story! (Revised Version.) After completely escaping her father's plans, Mike and Silence went to Canada to have a new life there and do their own business. They a...