Special Chapter #3.

1K 19 0
                                    

Date Published: March 24, 2020

PS. Ito na po ang pinakahuling special chapter. Enjoy. :)

SPECIAL CHAPTER #3.

AIKO'S POV

Nandito ako ngayon sa loob ng opisina ni Mike at tinuturuan niya ko kung paano sumagot ng tawag.

May meeting kasi siya ngayon kasama nila kuya Phinrelle at ng iba pa kaya sinabihan ako ni Mike na ako muna ang magha-handle ng mga tawag na gustong magka-appointment o may schedule ng appoitment sa kaniya.

"I know that I have a secretary but you should also know this, okay?" Tumango ako sa kaniya.

"Okay, first thing's first. When you answer the call, you should act busy. Like me."

"Tulad nito?" Sinubukan ko siyang gayahin pero napabuntong hininga lang siya.

"Don't act so sweet, love." Inulit ko ulit pero mas lalo lang siyang napabuntong hininga.

"Bakit kasi kailangan pa kitang gayahin kung pwede ko naman gawing natural 'to?" Tanong ko.

"Damn it." Bulong niya. Tumingin siya sa mga bata na nanonood lang sa'min ngayon.

"Fine. Handle it in your way, love." Napangiti ako at niyakap siya.

"Don't worry, ako na ang bahala dito. Tinuruan mo kaya ako." Hinalikan ko siya sa pisnge.

"Seriously? Anong pinaggagagawa niyong mag-asawa?" Tanong ni kuya Phinrelle na kakapasok pa lang sa loob.

"I'm training her to act like one of us most especially that she's my wife." Sagot ni Mike.

"Hayaan mo na lang kaya. Hindi pwedeng maging halimaw ang asawa mo dahil halimaw ka na nga." Sinamaan ng tingin ni Mike si kuya Phinrelle.

"Love, awat na. 'Wag mo na siyang patulan." Sita ko agad. Medyo kumalma naman siya at napatingin sa mga bata.

"Let's go to the meeting room. Love, call me if something happens, okay?" Tumango ako.

Hinalikan niya ko sa noo at lumabas na silang lahat para pumunta sa meeting ngayon.

Umupo na ko sa swivel chair ni Mike at medyo natuwa ako. Para akong reyna dito sa upuan ni Mike. Sa bagay, si Mike na nga pala ang CEO ng kompanya dahil sa kaniya binigay ni dad 'to.

Napatingin ako sa telepono nang tumunog 'yon. Sinagot ko agad 'yon at ginawa na ang tinuro sa'kin ni Mike.

"Hello, this Silendence Aiko Arcana speaking." Pagsagot ko sa tawag habang nakangiti.

Ang turo kasi sa'min no'ng college sa front office na subject ay dapat nakangiti habang sinasagot ang tawag.

"Ahm... Ma'am, is Mr. Arcana available for today? Mr. Torrefranca has an appointment with him." Sabi ng kausap ko. Napatingin ako sa schedule ni Mike at nandoon nga ang appointment nilang dalawa.

"Let them go here to the office. I'll talk and explain to them everything while waiting for Mike." Sagot ko at binaba ko na 'yong telepono.

Maya-maya lang ay may kumatok na doon sa pintuan at napatayo ako. May nakita akong dalawang lalaking pumasok at nginitian ko sila.

Nakita ko naman na medyo nagulat sila kaya nagtaka ako. Bakit sila nagulat?

"Mr. Arcana is still in the meeting right now. He told me to handle everything for now while he's still there." Sabi ko.

"Hello, I'm Silendence Aiko Arcana, Mike's wife. Nice to meet you." Nakipagkamay ako sa kanila.

"Hi, I'm Roderick Torrefranca and he's my son, Derick Torrefranca." Sinenyasan ko silang umupo sa sofa.

Kumuha ako ng tea pot at nilagay 'yong sa lamesa. Buti na lang at nakapaghanda na ko ng tsaa kanina pa.

"So, you're the CEO's wife, huh?" Tumango ako kay Mr. Roderick habang hinahanda ang tsaa.

"I didn't expect that the CEO's wife will be like you." Kumunot ang noo ko sa kaniya.

"Why?" Tanong ko.

"I'm not trying or I don't want to offend you but you don't look like an Arcana for us." Natawa ako ng onti.

"That's a compliment po for me. People around me knows me as the CEO's wife because I'm like this." Sagot ko.

"I see. But do you know our conflict with the Arcana?" Tumango ako.

"About the deal. May narinig kasi kami na may kapalit kapag nakipagdeal kami sa inyo." Sabi ni Mr. Roderick.

"Sa totoo lang po ay walang kapalit ang deal pagdating dito sa mga Arcana." Sagot ko.

"Kahit anong deal man 'yan po, walang kapalit except for your loyalty. 'Yon lang naman po ang importante sa mga Arcana."

"Loyalty." Nagkatinginan silang dalawa dahil sa sinabi ko. Sinabi sa'kin ni Mike lahat ng mga nangyayari at kondisyon ng mga Arcana. Talagang pinagha-handaan na ni Mike ang lahat kaya ganito kami ngayon.

"Pero ang sabi ng mga Dela Sensye sa'min ay ang kapalit ng mga Arcana ay ang mga ari-arian namin." Umiling ako.

"Hindi po sila nanghihingi ng mga kapalit pwera lang po sa loyalty ng mga taong tinulungan nila." Sabi ko pa.

Hindi ko masyadong kilala ang mga Dela Sensye at hindi rin ako sinabihan ni Mike tungkol diyan kaya wala akong alam.

"Dela Sensye is one of our competitors, Mr. Torrefranca. So, I believe that he said that to you to destroy our image." Napatingin ako kay Mike na kakapasok pa lang sa loob ng opisina niya.

"We defeated Dela Sensye in a battle of sales in one of our hotels, I'm not surprised if he's going to release any bad rumors against us." Naglakad na siya papasok at tumabi sa'kin.

Lumapit naman si Rage sa'kin at binigyan ko sila ng tsaa para inumin nila.

"Shit. Naipakasal ko na si Denisse sa anak ng mga Dela Sensye." Rinig kong bulong ni Mr. Roderick.

"You should've talked to us first before believing them, Mr. Torrefranca. It's your fault for falling into their trap." Agad kong pinigilan si Mike.

"What? I'm just telling them the truth, love." Tinignan ko lang siya at napabuntong hininga siya.

"How can we help with your problem?" Tanong ni Mike pero wala kaming nakuhang sagot mula sa dalawang lalaki.

Mukhang magkakaroon na naman ng problema at involve na naman kami.

•••• END OF SPECIAL CHAPTER #3. ••••

His Own Possession 2: Still Loving You (HOP Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon