Their Past

66 8 2
                                    

Mae's

"Keith!" sigaw ko sa kanya. Kanina pa siya tumatakbo at ako naman si tanga kanina pa rin syang sinusundan. Habang pauwi na kasi ako sa amin ay nakasalubong ko siya. Nagulat ako dahil may dugo sa kamay niya at may pasa siya sa mukha.

Tumigil naman siya sa pagtakbo pero nabigla ako nang lumingon siya sa akin at masama akong tinitigan.

"Pucha! Sinisigawan mo ba ako?!" sigaw niya din sa akin.

"May pasa at sugat ka. Nag-alala lang naman ako." mahina kong sagot sa tanong niya at napatungo nalang ako dahil hindi ko matagalan ang pagtitig niya sakin.

"Anong pake mo?" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. 'Pakielam mo nga naman kasi Mae. Bakit ka kasi sumunod sa kanya. Alam mo naman na exercise nyan ang makipag-away.'

"Hindi kita kaibigan at lalong hindi kita kaano-ano. Bakit ka ba nangingialam?" Nanigas ang dila ko. Hindi ako makaimik. Sa mga oras na iyon, hiniling ko na sana Pipe nalang ako para atleast may rason ako para hindi makapagsalita.

"Nakalimutan ko. May gusto ka nga pala sa akin." Hindi ako makapaniwala. Paano niya nalaman? Wala naman kasi akong pinagsasabihan na kaibigan kasi WALA naman talaga akong kaibigan. Am I that obvious?

Nagulat ako nang nasa mismong harap ko na siya. Napatingin tuloy ako sa gwapong mukha niya na kahit putok ang labi at may pasa sa kanang pisnge, hindi parin maitatanggi na madami na itong babaeng napaiyak.

Yumuko siya at itinaas niya ang baba ko para magpantay ang tingin namin. First time ko siyang maka-face-to-face. Hindi na ako magtataka kung mamaya nakahiga na ako sa sahig dahil sa sobrang kaba.

"Mae. Ito ang tandaan mo. Kung ayaw mong umiyak, kung ayaw mong masaktan, hanggat kaya mo pa, lumayo ka sakin. Dahil kahit matagal na tayong magkakilala, I. Will. Never. Like. You" unti-unti nangilid ang aking luha.

Lumakad siya muli papalayo sa akin. Bakit ba sa tuwing nakakahanap ako ng lakas na lumapit sa kanya siya naman ang lumalayo.

Bago pa siya tuluyang makalayo, huminga ako ng malalim at isinigaw ang matagal ko nang gustong sabihin sa kanya.

"OO! GUSTO KITA!" Na-istatwa siya sa kanyang kinatatayuan. May ilan rin na natigilan pero wala na akong paki alam. "Mula nung narealize kong gusto kita, mula pa nun, nasasaktan na ako. Mula pa Grade school, sa iisang classroom lang tayo nag-aaral, iisang ingay ang naririnig natin, iisang hangin ang nilalanghap natin, pero kahit ganon, hindi mo parin ako napapansin. Hindi mo parin ako nakikita. Ganon na ba ako ka invisible sa mga mata mo?"

"Hindi ako bulag. Hindi ka lang kapansin-pansin." Lalong bumigat ang pakiramdam ko. Feeling ko may kung ano na nakadagan sa dibdib ko. Iyong bigat na konte nalang maaabot na ang spine ko. "Wag ka nang umasa na magugustuhan kita. Dahil wala akong plano mahulog sa babaeng lulunukin ang pride nya para lang mapansin ng lalaki."

Dahil sa sinabi niya. Hindi na ako nakatiis. Mabilis kong nilakad ang distansya namin at sinampal ko siya sa mismong pisnge niya na may pasa.

"Kahit gusto kita, you don't have the right to judge me. Kahit gusto kita, wala kang karapatan na maliitin ang pagkatao ko. Oo, gusto kong mapansin mo ako pero hindi para gustohin mo ako. Pagod na pagod lang talaga ako na lumakad sa harap nyo pero para lang akong mahinang hangin na hindi nyo mapansin. Pagod na pagod na akong sarili ko lang ang meron ako. Pagod na akong walang kaibigan. Pagod na akong manahimik. Pagod na pagod na akong ipilit ang sarili ko sa mundo nyo. Dahil kahit ano ang gawin ko, wala akong lugar dyan!." Sigaw ko. Para akong nilalamon ng sarili kong kalungkutan. Unti-unting nanghina ang mga binte at paa ko. Napaluhod ako sa mismong harap niya habang patuloy ang pag-agos ng luha ko. "Nageeffort naman ako eh. Pero bakit kahit anong effort ko, wala parin. Akala nyo ba masaya ang mag-isa. Akala nyo ba masayang walang kaibigan. Akala nyo ba ayos lang ako? ANG MANHID NYO NAMAN PARA HINDI MARAMDAMAN NA HINDI. IYON. OKAY!"

"M-mae." mahinang tawag niya sa pangalan ko.

"Kung hindi naman nakakahiya sayo, pwede bang umalis ka sa harap ko? Kung hindi mo napapansin, hindi ko kayang tumayo para ako nalang ang lalayo. Kaya please lang. Tulad nang lagi nyong ginagawa, ikaw na ang unang umalis." mahinang pakiusap ko sa kanya.

"Halika. Tutulungan na kita." Hinawakan niya ang baywang ko para alalayan ako pero nagwala ako para makaalis sa pagkakahawak niya.

"PWEDE BA UMALIS KA NA! HINDI MO BA TALAGA NAPAPANSIN? NASASAKTAN AKO DAHIL SA'YO. KAHIT NGAYON NAMAN MAGING AWARE KA SA NARARAMDAMAN KO!" sigaw ko ulit. Mas malakas sa sigaw ko kanina.

Unti-unting nawala ang paa niya sa harap ko. 'Ang tanga mo Mae, sa lahat nang magugustuhan mo, Iyon pang gago'


Hi there! Salamat kung pati ito binabasa mo. Ang kwento na ito ay para sa'yo. Pero hindi lang sa'yo kundi para sa lahat ng nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa. Ito ang una kong kwento na kompleto na. Ito ang huli kong ginawa pero ito ang unang natapos. Salamat po

GA Magtibay
thegreenbalancer

One Step FartherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon