Next Chapter

23 4 0
                                    


MAE's

Pinunasan ko ang luha ko. Bakit ba ngayon ko lang ulit nakita ang mga sulat na ito?
Iyon na ata ang pinakamahirap na apat na taon para sa akin. Yes, apat na taon bago ako naka-move on. Pinagdaan ko ang lahat ng stages ng pagmo-move on nang paulit-ulit-ulit-ulit at marami pang ulit. Ganon talaga siguro kapag first love mo.

Kamusta na kaya siya ngayon. Siguro may asawa na iyon at naitayo na rin nya ang pangarap niyang Resto. Wala na akong balita sa kanya mula nung grumaduate siya. Nagpunta ata ng ibang bansa para magpayaman. Pero salamat na rin sa pagkawala niya. Dahil mas madali para sakin ang kalimutan sya. Yeah. Joke yon. 4 years lang naman bago ako nakamove on. wahahahaha. Mula nang naghiwalay kami hindi na kami ng usap.

Pero salamat sa kanya dahil nakilala ko ang one great love ko. Ang fiance ko.
Yes! Ikakasal na ako! Di kayo makapaniwala no. Akala ko din walang pag-asa para sa akin.

Nakilala ko si Mark, 8 years ago. Nasa unang taon palang ako sa pagmo-move on nun. Hindi ko pa nga siya pinapansin nung una eh. Syempre si Keith parin mahal ko.  Tamang paramdam pa lang sya nun. Stalker ko, ay pang chaka nga pala un, admirer pala. So, Admirer ko daw sya matagal na (nung kami pa ni Keith) pero nun lang sya nagpakilala.

Sya ang tumulong sakin na mahanap kong muli ang sarili ko. Sya ang tumulong sakin para tuluyang malimutan si Keith.

Si Mark. Siya ang nagpatunay na ang pag-ibig hindi yan basta dumadating lang. MAy pagkakataon na nandyan na sya sa paligid mo di mo lang nakikita kasi bulag ka dahil nagmahal ka nang maling tao.  Siya ang gumising sa pagkatao ko na minsan nang namatay. Siya ang nagpakita sa akin na hindi lang dapat ako ang nagmamahal, dapat pati ako ay inaalagaan. Siya ang meron ako at ako ang meron siya. It may sound cheesy, pero iyon talaga ang totoo.Hindi perpekto ang relasyon namin. We sometimes argue on things but we never let go of each others hands. LITERALY! This may sounds wierd pero iyon ang totoo. Iyong tipong galit na galit na ako na, gusto ko na syang suntokin pero didiinan lang niya ang hawak nya sa kamay mo, unti-unting lalambot ang puso mo at magsu-subside na ang galit mo. Siya ang kahinaan ko at ako ang kahinaan nya. Iyon ang pagmamahal namin sa isa't isa. One year palang kami pero hindi na sya nakatiis na pakasalan ako. Adik to sakin eh. Wahahaha.

'Kahit ulit -ulitin ko ang mga nangyari sa aking buhay, okay lang basta sya parin ang aking patutunguhan'.

Madalas iyan ang sabihin ng mga taong nakahanap ng pangalawang pag-ibig sa ibang tao.

Pero ako, hindi na oy! Ayos na sa aking pagdaanan ang lahat ng iyon nang isang beses.

But I believe, Mark will never let me experienced that same pain all over again.

Dahil si Mark ang forever ko.

One Step FartherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon