Alone

40 6 1
                                    

Ilang oras na akong narito pero tulala lang ako. Walang nararamdaman. Walang emosyong ipinapakita.

Masaya pa kaming nagkwe-kwentuhan sa sasakyan nina Papa. Excited na ako dahil sa nalalapit akong pagtransfer. Handa na ako sa magiging bagong buhay namin sa Amerika.

Pero sa isang iglap, nagbago ang lahat.
Nawala ang magulang na syang meron lang ako.

Naalala ko nung sinabi ni Papa na wala daw preno ang sasakyan. Lumipat si Mama sa likod para samahan ako. Takot na takot na kasi ako nang mga oras na iyon.

"Mae, hold my hand" sabi pa ni Mama sa akin para kumalma ako.

"Ma. Mamamatay na po ba tayo?" naiiyak kong sabi sa kanya.

"Hindi anak. Hindi iyon mangyayari. Just trust your Papa." Alam kong natatakot na din si Mama sa nagyayari. Nung tumingin si papa sa rear Mirror, alam ko na ang mangyayari.

"Ma. I love you." sabi pa ni Papa. "Mae, mahal ka ni Papa."

Umiiyak ako nang sabihin niya iyon.

"I love you Pa. Mae, mahal na mahal ka namin." umiiyak naring sabi ni Mama sa amin.

"I love you Ma, Pa."

Iyon ang huling Iloveyou's namin sa isa't isa. The next thing I knew, niyakap ako ni Mama nang sobrang higpit tapos nawalan na ako ng malay.

We spent our last day with so much happiness. Pero dahil dun, mas masakit sa akin na kalimutan ang araw na iyon.

Napaiyak na ako sa harap ng libingan ng mga magulang ko.

"Ilang linggo lang ako natulog tapos pagising ko wala na kayo. Ang daya nyo naman. Magkasama kayo tapos iniwan nyo ako." sabi ko sa kanilang dalawa. "Masaya na dapat tayo eh, pero bakit ganon? Lagi nalang hindi natutuloy? Lagi nalang may expiration? Kayo lang ang meron ako eh. Kayo lang ang nag-mamahal sa akin. Pero bakit iniwan ninyo ako?"

Ang sakit. Ang sakit-sakit.

Sa sobrang sakit halos wala na akong maramdaman.

Iyong mga taong nag-iisang naniniwala sa akin.
Iyong nag-iisang nag-aalala sa akin.
Iyong tunay na nagmamahal sa akin.

Wala na.

I spent the next two hours crying and reminiscing the times we've spent together.

Iyon lang ang tangi kong magagawa.

I can't bring the time back. If only I could.

"Mae, halika na. Umuwi na tayo." sabi ng Tita Juliet ko na ngayon ko lang nakita. Siya daw ang kukupkop sa akin. Nag-iisang kapatid siya ni Mama. Pinagbenta na kasi ang bahay namin dahil malaki ang naging hospital bill ko. Maliit lang naman iyon kaya nacover nun ang hospital bill ko. Iyong ipinagpalibing ay galing sa insurance ni Papa. May monthly allowance akong makukuha sa isang bangko pero maliit lamang iyon. Saka lang daw ako magkakafull access sa pera nila Mama at Papa kapag tumuntong na ako ng 18. May educational plan ako ang problema, naka-assign parin iyon sa Crensaw Heights.

Pinaghandaan nila ang lahat. Parang alam nila na pwedeng mangyari ang ganitong traheda.

Pero may isa silang hindi inihanda. AKO.

Kung tahimik na ako noon. Mas tumahimik pa ako ngayon. Nagsasalita lang ako kapag tinatanong ako ng mga teacher namin.

Himala naman dahil tumahimik din ang mga kaklase ko. Pero hindi ko talaga masikmura na harapin sila. Sukang - suka ako sa kaplastikan nila.

Habang nagtuturo ng Trigo si Ma'am Caeg, ay bigla akong tumayo.

"Ma'am. Magpapalipat po ako nang section. If you excuse me." kinuha ko ang gamit ko at lumabas pagkatapos kong sabihin iyon.

One Step FartherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon