☆・゜★・。・。☆・。・・。★・゜★
Lumubog ang araw
Dumaan ang ilang buwan
Nananatili parin ang sakit
Nananatili parin ang pait☆・゜★・。・。☆・。・・。★・゜★
MARRY CHRISTMASS AND HAPPY NEW YEAR!
Nakakapanibago. Nakakalungkot. Nakakapanghinayang.Tatlong beses tayong nagcelebrate ng pasko at bagong taon. Tatlong beses kong nakasama ang pamilya mo sa special na araw na ito. Pero ngayon, mag-isa nalang akong naghintay ng hatinggabi. Mag-isa nalang na kumakain. Mag-isang nagsindi ng luses. Mag-isang nanunuod ng mga fireworks ng kapitbahay.
Siguro kung tayo pa, siguro masaya ako ngayon at kasama ka habang binabalikan ang nakaraang taon. Pero heto ako't mag-iisang inaalala ang sakit na dulot mo sa akin. Makakamoveone pa ba ako?
Gusto kitang sisihin sa kalungkutan na nararamdaman ko ngayon. Kahit iyong pangbabalewala mo, at mga pagkukuang mo, hinahanap - hanap ko. Sinanay mo akong lagi kang kasama. Kaya ngayon, hindi na ako sanay nang nag-iisa. Hindi na ako sanay na wala ka.
Nung sinabi mong ayaw mo na, half of my system shut down. It is as if I lost half of my being. I'm unable to move.Unable to breathe. Unable to feel. Unable to live.
Pero tulad ng ipinangako ko sayo nung gabing sumuko ka. Kakayanin kong wala ka. Kakayanin ko. Kahit ang sakit-sakit.
BINABASA MO ANG
One Step Farther
Short StoryIt's hard for you to move on but it's harder for me to let you go. Sa bawat kwentong natapos Sa bawat relasyong nasayang Dalawang istorya ang dapat malaman. Dalawang tao ang dapat pakinggan.