"Ayoko na let's break up."
Ilang minuto akong natigilan.
Tumigil ang ikot ngmundo ko.
Tumigil sa pagtibok ang puso ko.
At unti-unting pumatak ang mga luha ko.Kahit na maliwanag ang mensahe niya, parang nahihirapan akong unawain iyon.
I called his number immediately after pero hindi niya iyon sinagot. Tinawagan ko ulit iyon ng paulit-ulit at sa hindi mabilang na pagkakataon, hindi niya iyon sinagot.
.Tinawagan ko si Mama. Sinagot naman niya at sinabing nandoon na daw si Keith.
Agad akong lumabas ng bahay at sumakay sa taxi na dumating. Narinig ko pang sumigaw si Tita Dolores pero hindi ko na siya nilingon.
Habang nasa biyahe ako, nakatingin lang ako sa cellphone ko. Nangingnig ang kamay ko noon at umiiyak na ako.
Dalawang buwan mula nang nagcool-off kami, lagi ko siyang kinakamusta, lagi ko siyang itnetext. Kahit sa text man lang maiparamdam ko na hindi siya ng iisa.
Ngayon lang siya nag text sa akin. At hindi talaga ako makapaniwala na ito pa ang text na matatanggap ko mula sa kanya.
Agad akong nagbayad nang makarating ako sa tapat ng subdivision nila. Mabilis kong nilakad ang papasok ng subdivision nila. Wala akong naging problema sa Security Guard dahil madalas ako dito dati.
Nang nasa harap na ako ng bahay nila, saka naman ako kinabahan sa mangyayari. Huminga ako nang malalim at saka ko pinindot ang door bell nila. Matapos ko pa lang pindutin ay nagulat ako dahil bumukas agad ang gate at lumabas doon si Keith. Halata sa mukha niya na nagulat din siya sa pagdating ko.
"M-Mae" Napapikit ako nang banggitin niya ang pangalan ko at tumulo na muli ang luha ko.
Kahit gusto ko na siyang yakapin. Kahit miss na miss ko na siya. Kahit gusto kong iparamdam kung gaano ako nangulila sa kanya, hindi ko iyon nagawa dahil nadurog ang puso ko sa sunod niyang sinabi.
"Anong ginagawa mo dito, di ba wala na tayo?"
"B-bakit?" natanong ko lang dahil hindi ko kayang magsalita ng mas hahaba pa roon.
"Dahil hindi na magwo-work out ang relasyon natin." daretsong sabi niya. Tiningnan ko nang mabuti ang mata niya, naghahanap ako nang kahit konting kalungkutan sa mata nya pero blanko iyon.
"D-dahil parin b-ba sa p-problema m-mo?"
"Hindi. Last week pa ako nakauwi dito at maayos na si Nanay at Mama."
"K-kung ganon, b-bakit?"
Napatungo siya at saka ngumiti ng malungkot "Malaki kasi ang kasalanan ko sayo. Niloko kita."
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. 'Ano bang sinasabi niya?'
"K-kung tungkol iyon sa nangyari sa bar. Napatawad na kita. Wala na...." hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil nagulat ako sa sunod na sinabi nya.
"Hindi kita nilapitan dati para humingi ng sorry. Nilapitan kita dahil nagpustahan kami ng mga barkada ko kung mapapasagot kita ng OO. Cliche right?" Tumawa siya at Sinabi niya iyon na para bang iyon ang pinakanakakatawang kwento na sinabi niya.
Nagulat ang buong sistema ko sa sinabi niya?
Para akong nabinge.
Kumpara sa sakit na dulot ng insidente sa bar, doble pa non ang nararamdaman ko ngayon.Mula nang mawala ang mga magulang ko, si Keith ang tumayong sandalan ko.
Sa tuwing nalulungkot ako, nandoon siya para inisin ako.
Sa tuwing naaalala ko ang mga magulang ko, lagi siya magkwekwento ng nakakatakot.
Sa tuwing nawawalan ako ng kumpyansa sa sarili ko, nandoon siya para ipagyabang ang mga acheivements nya.He is not the sweetest thing that happen to me but he is the right person to hold on to when all else fails.
He has his own move to make me feel better. He has his own way of making me feel special.
And now, after hearing those words, he has his own way of breaking my heart,torning it into piece and pounding it into ashes.
"Minahal mo naman ako diba?" lakas loob kong sabi sa kanya.
Naramdaman ko iyong pagmamahal niya sa tuwing hinahawakan niya ang kamay ko. Sa tuwing binabanggit niya ang kamay ko. Sa tuwing pinapatawa niya ako. Sa tuwing iniinis niya ako. Sa tuwing ngumingiti siya sa akin. Naramdaman ko iyon.
"Akala ko minahal kita. Pero makalipas ang ilang buwan, nasanay na akong wala ka. Actually mas malaya pa ang nararamdamn ko eh. Siguro iyong feeling na akala ko pagmamahal na, nakokonsensya lang pala ako" nakangiting sabi niya. Naghahanap parin ako ng kahit kaunting lungkot o kahit kaunting awa man lang sa akin. Pero nabigo ako.
"Bakit ngayon mo lang sinabi, after 3 years, BAKIT NGAYON LANG!" nagulat siya sa biglang pagsigaw ko. Pero muli siyang ngumiti ng pagak.
"Nakunsensya na nga kasi ako. Ayaw ko na niloloko ako pero manloloko din ako. Mabuti kang tao Mae. Kaya sabi ko sa sarili ko. Tama na ang kalokohan na ito." Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya.
"KALOKOHAN! SA TINGIN MO LARO LANG ANG LAHAT NANG ITO? HINDI MO BA NAISIP NA HABANG NAGLALARO KA, AKO NA SI TANGA AY HULOG NA HULOG SA'YO AT MAHAL NA MAHAL KA!" Humagulhol na ako sa sobrang sama ng loob ko.
"Sa buong tatlong taon, wala akong ginawa kundi ang maging mabuting girlfriend mo.
Nung nambabae ka, nagalit ba ako? Nung busy ka sa barkada mo, may narinig ka ba sakin?
Nung pinagpaliban mo ang date natin para sa laban ng paborito mong basketball team, nagtampo ba ako? Sa mga gabi na sinabi mong magtetext ka, tatawag ka, naghintay ako kahit pagod ako sa trabaho ko, kahit na alam kong nakatulog ka na. Sa ilang beses na nagsinungaling ka, pinaniwalaan kita.Sa dami kasalanan mo, pinatawad kita.Sa lahat ng pangbabalewala mo, inintindi kita.
Ginawa ko ang lahat nang iyon dahil mahal kita. Pero sa lahat ng oras na iyon naglalaro ka lang?PUTEK NAMAN KEITH!" napaupo at pinapahid ang mga luha ko na patuloy sa pagtulo."S-sorry M-ma..."
"SORRY! SORRY LANG ANG MAISASAGOT MO? DUROG ANG PUSO KO NOON PERO TOOK ADVANTAGE OF IT PARA LANG SA PUSTAHAN! PUTANGINA MO!" I cursed for the first time cause I can't contain the pain in my chest. "AAAHHHHHHH" sigaw ko. Tuluyan na akong napaupo sa pathway at ilang ulit na hinampas ang simento. I'm expecting that he will stop me from hitting the hard surface but he didn't. He just stood thier and watched me. "Minahal kita nang higit kanino man. Kasama ka sa lahat ng pangarap ko. Iniisip ko ang mararamdaman mo sa bawat gagawin ko. Pero bakit ganito? Nasaktan parin ako?"
Nasabunutan ko na ang sarili ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko pero wala parin.
"Makasarili ka Keith, makasarili ka." Inipon ko ang lahat ng lakas ko para makatayo ako.
"Hayaan mo, pininapangako ko sayo, kakayanin kong wala ka." Iyon lang ang sinabi ko at umalis ako doon na wasak ang puso.
Isa na naman akong basong walang tubig ngunit ngayon ay nagkalamat na.

BINABASA MO ANG
One Step Farther
Short StoryIt's hard for you to move on but it's harder for me to let you go. Sa bawat kwentong natapos Sa bawat relasyong nasayang Dalawang istorya ang dapat malaman. Dalawang tao ang dapat pakinggan.