"Ui, Best. Si Keith iyon di ba?"sabi ni Janice sa akin habang may itinuturo sa labas.
Nakakagulat ba na may best friend na ako? Ako nga din nabigla eh. hahahaha. Blockmate ko siya mula pa 1st year hanggang ngayong 3rd year na kami. Medyo maarte pero mabait naman. Kahit contrast ang personality namin itinuring ko na din siyang matalik na kaibigan.
Sinundan ko ang direksyon na itinuro niya at nakita ko si Keith na naka-akbay sa isang babae.
Bumigat ang pakiramdam ko. Ilang buwan nang hindi kami nagkakausap nang maayos. Unti-unti siyang bumabalik sa dating Keith. Iyong nakikipag-away. Iyong babaero. Ramdam ko na may problema siya pero sa tuwing ioopen ko iyon ay lagi syang nagagalit at nagwa-walk out. Gusto kong malaman kung ano ang problema niya. Handa naman ako maghintay hanggang masabi niya sa akin. Pero sana man lang maisip niya na nasasaktan ako.
"Hindi parin ba kayo ayos?" tanong ni Janice sakin habang nagme-makeup
"Hindi pa eh. Hayaan mo na muna iyon. May quiz pa tayo sa Aud Theo, aral muna tayo." sabi ko nalang sa kanya para hindi niya mahalata na hindi ako okay.
After nang klase namin, inaya ako ni Janice na pumunta sa Mall. May bibilhin daw siyang damit na kalalabas lang sa market. Hindi naman ako sumama dahil may trabaho pa ako mamayang alas 8. Iyong ilang oras na pagitan ng pasok ko at trabaho, inilalaan ko iyon sa mga assignments at pagrereview.
Kahit may access na ako sa pera nina Papa sa bangko, nagtatrabaho parin ako pandagdag sa allowance na natatanggap ko sa scholarship ko. Madami kasing binabayaran kapag college kana. Gusto ko rin makatulong kina Tita Dolores sa bahay.
Maaaring sabihin na isa ang trabaho ko kung bakit wala na kaming oras ni Keith sa isa't isa. Pero hindi dumadaan ang gabi na hindi ko siya tinetext. Kahit wala syang reply okay lang basta naihatid ko sa kanya na I still care for him and that I love him.
Umuwi muna ako para makapagreview, maaga pa naman.
Habang nagsasagot ako ng isang problem sa MaCon, narinig ko na kumatok si Tita Dolores sa pinto ko.
"Mae, nandito ang ina ni Keith."
Nagulat ako dahil hindi naman pumupunta si Mama Cass sa bahay.
Lumabas ako ng kwarto ko at sinalubong si Mama papasok. Natuwa ako dahil ngayon nalang ulit kami nagkita pero nag-aalala ako dahil sa kakaibang presensya nito.
"Ma, napadaan po kayo? May problema po ba?" tanong ko sa kanya.
"Mae, isang linggo nang hindi umuuwi si Keith. Alam mo ba kung nasaan siya?"
Isa na namang kagulat-gulat na rebelasyon ang aking nalaman.
0-0-0-0
Hindi na ako nakapasok sa trabaho ko dahil tinulungan ko sina Mama na hanapin si Keith. Tinawagan ko ang ibang kaibigan ni Keith pero wala naman kaming nakuhang impormasyon sa kanila.
"Papunta na kami dyan." napatingin ako sa kinatatayuan ni Tita dahil mukhang may nalaman ito.
"Nasa Maxi Bar sila."
Nangunot ang noo ko nang sabihin niya iyon.
-0-0-0-0
Mabilis na pinaandar nang driver nina Mama ang sasakyan nila.
Makalipas ang labinlimang minuto, narating na namin ang tinutukoy na Bar ni Mama. Kaibigan ni Mama ang nag-mamay ari ng Maxi. Kanina pa daw naglalasing sa bar nito at halos wala nang malay.
Naghiwalay kami ni Mama para mas madali ang paghahanap namin kay Keith. Nahihirapan akong makakita dahil sa patay-sinding ilaw sa bar na iyon. Hindi pa man ako umiinom ng alak ay parang nahihilo na ako. Para akong tanga na nakatayo lang sa gitna habang ang iba ay bigay na bigay sa pagsayaw.

BINABASA MO ANG
One Step Farther
Short StoryIt's hard for you to move on but it's harder for me to let you go. Sa bawat kwentong natapos Sa bawat relasyong nasayang Dalawang istorya ang dapat malaman. Dalawang tao ang dapat pakinggan.