THIS IS IT! ITO NA TALAGA! After 6 months of preparations. MANGYAYARI NA ANG KATUPARAN NG MGA PANGARAP KO!
Masaya ako. Masayang masaya. Walang wedding jitters. Walang tensions. Just a pure happiness.
"Anak, hindi mo pwedeng makita si Mae. Baka hindi matuloy ang kasal. Diyos ko naman. Bakit ngayon ka tumigas ang ulo mo." narinig kong sabi ni Mama, ina ni Mark.
"Ano po iyon Mama?" lumapit ako sa may sala ng kwartong inupahan namin para sa wedding.
"Naku, Mae! Yang pakakasalan mo ayaw paawat. Gusto ka daw makausap.!" natatarantang sabi sa akin ni Mama. Bigla namang bumukas ang pinto kung saan nandoon si Mark. Seryoso ang mukha nya na nakatingin sa akin. Kinakabahan ako dahil sa tingin nya. Don't tell me, ayaw na nya akong pakasalan.
Tumulo na ang luha ko dahil sa naisip ko.
"Mae." Please. Wag mong ituloy.
"Mark. Hindi mo na ba ako papakasalan." Naiyak na ako. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko.
Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang baba ko. Pinunasan niya ang luha ako at hinalikan ang ilong ko.
"The day when I laid my eyes on you, the day when I saw how miserable you are, it is the same day that I told to myself, this girl, you, you're the only woman that I'll fall in love with, deeply and deeper." Hinalikan niya ulit ang ilong ko.
"This time, I want you to put an end on the unclose chapter of your life."
Nanlaki ang mata ko.Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang sinasabi nya.
NANDITO SYA?
PAANO?Hinila niya ako palabas ng kwarto. Dinala niya ako sa lobby ng hotel. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ano ang nararamdaman ko. Mahal ko si Mark pero ano itong nararamdaman ko?
"M-Mae" napatingin ako sa pamilyar na boses na iyon.
"M-mama!." mabilis kong tinakbo ang distansya sa pagitan namin. Hindi ako makapaniwala! Muli akong napaiyak.
Unang bumitaw sa pagkakayakap si Mama. Hinalikan naman niya ako sa noo.
"Kay ganda mo hija at kay laki mo na!" sabi naman ni Tito Arman
"P-papa" Niyakap ko rin siya ng mahigpit.
Napabitaw ako ng yakap nang makita kong umalis si Mark sa kinatatayuan nya.
"Mark!" tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Malungkot na ngiti. Tumango siya sa akin na parang ipinapahiwatig na okay lang sya."Kamusta ka na? Grabe. Ang laki ng pinag-iba mo!" masayang sabi ni Mama.
"Mama naman. Matagal na po akong maganda." I joked.
"Hindi lang iyon sa ganda Hija. Kumulay ang mukha mo. Sumaya ang mga mata mo. Yeah. That's it. Dahil sa mata mo." nakangiting saad ni Papa/
"Mabuti naman masaya ka ngayon at maayos na ang buhay mo. Tulad ng gusto ni Keith." Nagtaka ako sa biglang paglungkot ng mukha ni Tita.
"K-kamusta po p-pala si K-keith?" Natagalan ako bago ko naitanong iyon.
"Maayos naman siya. Siguradong masaya sya sa mga narating mo" malungkot na ngumiti rin si Tito.
"N-nasaan po s-siya? N-nandito po b-ba sya?" Kinakabahan ako nang itanong ko iyon habang tumitingin sa paligid.
Yumakap si Mama kay Papa. Yumuyugyog ang balikat nito. Bakit umiiyak si Mama? May nasabi ba akong masama?
Mas nagulat ako nang maytumulong luha sa pisnge ni Tito. Ano bang nangyayari?
"Wala na si Keith. Namatay sya apat na taon matapos ninyong maghiwalay."
Tumigil ang puso ko sa pagtibok.
Tumigil ako sa paghinga.
Tumigil ang oras.
Tumigil ang mundo.Totoo ba ang narinig ko? Patay na si Keith?
Bago pa ako makapagsalita ay nagsalita na si Papa. Nakatungo lang ito at parang may alala na pilit tinatandaan.
"Mahal na mahal ka ng anak namin. Ikaw lang ang pinakilala niya sa amin at ang nagpabago sa kanya. Sa pagkaka-alam ko, nung gabi na pumunta ka sa bahay na nagmamaka-awa kay Keith na balikan ka, iyon mismo ang araw na nalaman namin na may cancer sya. Nagulat kami na hiniwalayan ka nya kung kailan kailangan ka nya. Bago sya nawala, ikaw lagi ang itinatanong niya sa amin. Ikaw ang bukang -bibig nya. Ikinukwento niya kung gaano mo sya kamahal kung gaano ka naging mabuting girlfriend sa kanya. Sa tuwing hindi niya kaya iyong sakit na nararamdaman niya lalo na pagkatapos nyang magpachemo, pangalan mo ang isinisigaw niya. At sa tuwing ginagawa nya iyon, para bang nawawala ang sakit. Hanggang sa huli hindi sya nawalan ng pag-asang gagaling siya. Gusto ka nyang balikan. Gusto ka nyang muling makita at makasama. Pero hindi siya tinantanan ng cancer nya. Hanggang hindi na nakaya ng katawan niya."
Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapaiyak.
Nung mga taon na kinakalimutan ko sya, iyong mga oras na ayaw ko syang maisip, iyong mga sandali na wala akong ginawa kundi mag-move on sa kanya, all those times lumalaban sya sa sakit nya. Lumalaban sya para amin?
"Hindi na sana kami pupunta dito pero pinilit kami ng magiging asawa mo. Ang loko, hinanap pa talaga kami sa Amerika. Last Month sinadya niya kami sa bahay namin doon. Nagpanggap siyang kaibigan ni Keith kaya nalaman nya din ang tungkol sa sakit ng anak namin."
Tumibok ang puso ko sa sinabing iyon ni Tito. Tanda kong pumunta ng ibang bansa si Mark pero hindi ko alam na ito ang dahilan nya.
Pinunasan ni Mama ang luha niya at kinalma ang sarili.
"A Month after ilibing si Keith, nag-ayos kami ng gamit ni Keith, nakita namin ito. I think this is for you Hija. Hindi namin ito naibigay sayo dahil hindi namin alam kung saan ka hahanapin, lumipat na raw kayo dito sa Makati" sabi ni Mama sabay abot ng isang maliit na kahon.
Binuksan ko iyon at limang papel ang bumungad sa akin. Halatang luma na ang mga ito. Bawat papel ay maayos na nakatupi at may mga dates na nakasulat sa likod.
Pinunasan ko ang luha ko maging ang kamay ko. Ipinahid ko lang iyon sa gown ko.
Binuksan ko ang unang papel. At unang linya pa lang ng sulat niya, muli na akong napaiyak.
'It will be hard for you to move on pero ngayon palang it is harder for me to let you go.'

BINABASA MO ANG
One Step Farther
Short StoryIt's hard for you to move on but it's harder for me to let you go. Sa bawat kwentong natapos Sa bawat relasyong nasayang Dalawang istorya ang dapat malaman. Dalawang tao ang dapat pakinggan.