In relationship with my ex-crush

35 6 1
                                    

"Keith, baka magalit sa akin ang mga magulang mo." Kinakabahang sabi ko sa kanya.

"Mae, bakit naman sila magagalit sa'yo?" hinigit niya parin ako palabas ng kotse nya na pabirthday ng mga magulang niya sa kanya nung grumaduate kami ng High School. Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa, Valedictorian lang naman sya ng batch namin.

"Look," humarap siya sa akin at tiningnan ako mata sa mata. "Wala silang dapat ikagalit sa yo kasi mabuti kang babae. Isa pa, napakabait nina Mama. Magkakasundo kayo nun for sure." Nakangiting assurance niya sa akin.

Pero kahit anong sabihin niya hindi talaga matanggal ang kaba ko sa dibdib ko. Bakit feeling ko may masamang mangyayari kapag lumabas ako sa kotse nya. Kahit na matagal na kaming magkaklase ni Keith, never ko pang nakilala ang mga magulang niya. First time ito!

"Mae, do you trust me?"

Tumango lang ako bilang sagot.

"Then hold my hand and let's get inside. " nakangiting sabi niya. Makakahindi ba naman ako sa kanya?

Kinakabahan talaga ako. Bawat hakbang ko para bang nalalaglag ang puso ko sa dibdib ko. Naku, paano pa kaya kapag nasa mismong harapan na ako ng magulang ni Keith?

"Ma, Pa, nandito na po kami." Sigaw ni Keith. Tiningnan ko ang sarili kung presentable na ba ang hitsura ko. Hindi na talaga ako mapakali.

"Mae, You're beautiful." sabi sa akin ni Keith at sobra naman akong kinilig.

"Ehem. Nakakaistorbo ba ako?" tanong ng isang babae na nasa early 40's na siguro ang edad. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.  Mukha kasi itong strict. Paano na kapag hindi niya ako nagustuhan.

"Son, nandito na pala kayo." Nagulat ako dahil sa isang tinig ng lalaki mula sa likuran namin ni Keith.

Bigla kaming napatingin sa pinanggalingan ng tinig at napagtanto ko na iyon ang ama ni Keith.

Agad na yumakap si Keith sa ama at nagmano. Lumapit naman ang Papa ni Keith sa kanyang Mama at hinalikan ito. Naalala ko tuloy sina Mama at Papa.

"Ma, Pa, si Mae po girlfriend ko. Mae mga poster parents ko." nakangiti at masiglang pagpapakilala ni Keith sa amin.

Dahan - dahan akong lumapit sa magulang ni Keith para magmano. "T-tito, T-tita. A-ako nga p-po pala si Mae, n-nice meeting y-you p-po." bulol - bulol na pakilala ko sa sarili ko.

"Anak, hinga. Kinakabahan ka ba?" tanong ni Tito Arman. Syempre alam ko ang pangalan nila noh.

"Pasensya na po. Natetense po kasi ako." Natawa naman si Tito samantalang si Tita Cass ay nakangiti lang.

"Mauna muna ako sa kusina. Tutulungan ko lang si Manang sa paghahanda ng pag-kain."Tita Cass said.

"Ma, dalhin mo na din itong luto ni Mae na Caldereta." sabay bigay niya ng paper bag na pinaglalagyan ng niluto ko. Ngumiti lang ito sa akin at pumunta nang kusina. Sinundan ko lang siya ng tingin hindi ko kasi alam kung ayos lang ba sa kanya na may dala akong pagkain.

"Pasok Hija, dito muna tayo sa sala habang nag naghanda sila dun ng hapunan.." anyaya ni Tito sa akin.

Hinawakan ni Keith ang kamay ko at inalalayan papunta sa sala nila.

Umupo si Tito Arman sa pang-isahang upuan habang kami naman ni Keith ay magkatabing umupo sa mahabang sofa.

"Hindi ko alam na sinagot mo na pala ang anak ko. Hindi pa kasi kami muling nakakapagkwentuhan ng anak ko." nakangiting pahayag ni Tito. Comforting ang ngiti nito at dahil dun nabawasan ang kaba ko.

One Step FartherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon