☆・゜★・。・。☆・。・・。★・゜★
Nagmahal nang buong-buo.
Ibinigay ang buong puso
Pero sa huli ay ako parin ang talo.
Puso ko parin ang agrabyado.☆・゜★・。・。☆・。・・。★・゜★
Bakit kahit lahat ginawa ko na, parang kulang parin.
Bakit kahit pinagkatiwalaan kita, niloko mo parin ako.
Bakit kahit nagmahal lang ako, nasaktan parin ako.Ano bang mali ang nagawa ko para maranasan ito?
Wala kang itinira eh. Sinaid mo ang lahat ng emosyon ko. Ang tanging tinira mo lang ay iyong sakit at lungkot.
Masakit na iyong katotohanan na iniwan mo ako. Iniwan mo kasi ako na nakakapit parin sa pagmamahal mo na akala ko totoo. Iniwan mo ako kung kailan hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Sayo umikot ang mundo ko. Sayo lang dahil ikaw lang ang meron ako.
Pero iyong sinabi mo na ginamit mo lang ako para sa munting palabas nyo ng mga kaibigan mo, feeling ko ako na ang pinakatangang tao sa mundo kasi nagpadala ako sa script mo. Pero mas tanga pa ako dahil kahit galit na galit ako sa ginawa mo, mahal parin kita.

BINABASA MO ANG
One Step Farther
Short StoryIt's hard for you to move on but it's harder for me to let you go. Sa bawat kwentong natapos Sa bawat relasyong nasayang Dalawang istorya ang dapat malaman. Dalawang tao ang dapat pakinggan.