Mae's
Napaluhod ako nang matapos kong basahin ang huling sulat na iyon.Mula sa unang sulat hanggang sa huli, walang patid ang luha ko.
Dapat kasama nya akong lumaban.
Dapat kahati nya ako sa lahat ng sakit na naramdaman nya.
Dapat nandoon ako nung kailangan nya ako."It was a very long, painful fight for Keith. Hindi namin akalain na tatagal siya ng apat na taon. I must say, it is a miracle. He made a miracle because of his love for you." umiyak muli si Mama
"Mae, Keith loves you so much. Mas ginusto nyang sya lang ang masaktan sa huli. Sana mapatawad mo siya sa sakit na dinulot niya. Sa sugat na ibinigay niya." lumuhod si Mama sa harap ko. Pinatatayo siya ni Papa pero nanatili siyang nakaluhod. "Patawarin mo ang anak namin Mae. Sorry kung mas pinili ka niyang saktan."
"M-Mama." iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ito sa mismong araw ng kasal ko.
"Naging duwag lang ang anak ko, hindi siya masamang tao. Paki-usap patawarin mo sya. Mahal na mahal ka lang ni Keith kaya ka niya nasaktan." pagmamakaawa pa niya.
"Mahirap po ang pinagdaanan ko. Halos hilingin ko na nga na sana mamatay na lang ako dahil sa sakit na naramdaman ko.Si Keith lang po kasi ang meron ako nung mga panahon na yon. Nagalit po ako sa kanya kasi nang-iwan rin siya tulad nang iba. Iyong duguaang puso ko na nga lang po ang natira sa katawan ko eh. Buhay lang ako dahil nagpa-pump ng dugo ang puso ko.
Puro iyong sakit na naramdaman ko ang iniisip ko nung kinakalimutan ko siya.Puro lang mga tungkol sa akin. Kailan man hindi ko naisip kung ano ang naramdaman nya. Kasi siya iyong nang-iwan. Siya iyong bumitaw. Pero hindi pala ibig sabihin na ikaw iyong iniwanan, ikaw lang ang nasaktan. Ikaw lang ang nanghinayang. Ikaw lang ang umiyak." Hinawakan ko ang kamay niya. Hinigpitan ko ang kapit ko doon at hinalikan iyon. " Mama. Ako po ang dapat humingi ng tawad. Wala akong nagawa para sumaya si Keith. Puro pagpapasakit lang ang ipinaramdam ko sa kanya. Puro sama nang loob. Sorry po."Lumuhod na rin si Papa at niyakap ako. Parang dati lang nung magkakasama kami. Ang pinagkaiba nga lang, walang Keith na nagrereklamo sa higpit ng group hug namin.
"Pamilya ka na rin Mae, at ang pamilya ay marunong magpatawaran." sagot ni Tito.
Ilang minuto din ang tininagal ng yakap na iyon.
Dahil sa nangyari. Madami akong narealized. Madaming alaala na bumalik.
Naguguluhan ako. Dapat pa bang ituloy ang kasal na ito? Binasa ko ulit ang isang sulat ni Keith.
Siguro nga.
Dapat ko syang kausapin.

BINABASA MO ANG
One Step Farther
Short StoryIt's hard for you to move on but it's harder for me to let you go. Sa bawat kwentong natapos Sa bawat relasyong nasayang Dalawang istorya ang dapat malaman. Dalawang tao ang dapat pakinggan.