***
Magbabago na dapat ako.
Babawi na sana ako sayo.
Mamahalin na din sana kita ng buo.
Pero di na pwede kasi mawawala din naman ako.
***It will be hard for you to move on pero ngayon palang it is harder for me to let you go.
Last Month, nadiagnosed si Nanay na may breast cancer. Akala ko pangmayaman lang ang cancer pero wala din pala ito pinipili. Walang wala ako noon kaya kinausap ko si Mama. Nakiusap na kung pwede dugtungan ang buhay nya. At sina Mama, bukas palad na tinulungan kami para mapagamot siya. Stage 3 na agad ang cancer nya nang malaman namin ang tungkol dito. Hanggang ngayon nasa hospital sya nagpapagaling. Nagchemo na kasi siya eh.
Dahil sa nangyari, naunawaan ko na iyong sinabi mo. Wala akong nakikitang tama, wala akong naiisip na tama at wala akong nagagawang tama kung galit ako. Pero sa nakalipas na buwan, natuto akong magpatawad.
Kung kailan gusto ko nang magbago. Kung kailan gusto ko nang magpakatotoo. Kung kailan gusto na kitang alagaan. Kung kailan narealized ko na kung gaano kita kamahal. Saka naman hindi na pwede. Saka naman nagbago ang tadhana. Saka naman hindi kita pwedeng ikulong sa mga yakap ko. Saka naman hindi kita pwedeng halikan. Saka naman hindi kita pwedeng tawaging akin.
You deserve someone better, better than a person who is dying.
MAhal na mahal kita.
Nung umiyak ka sa sakit at sumigaw sa galit, dun palang gusto ko nang mamatay. Mas masakit kasi na makita kang nasasaktan kesa sa cancer na ito. Hindi lang katawan ko ang naaapektuhan, pati kaluluwa ko. Parang sinabuyan ng asido ang puso ko. Unti-unting nalulusaw.
Pero hindi ako kumibo. Hindi ako kumilos. Hindi ako nagsalita. Dahil oras na ihakbang ko ang paa ko alam kong sayo agad iyon pupunta at baka mayakap pa kita at masabing hindi ko kayang hiwalayan ka dahil mahal na mahal kita.
Pwede ko namang sabihin sayo ang totoo. I can keep you if want to. But three long years of being in relation with the most selfish man living is enough.
Totoo ang tungkol sa bet. Pero natapos lang iyon for a month. Natapos iyon na hindi ko alam kung naglalaro parin ba ako o seryoso na talaga. Pero sa tuwingnalulungkot ka, parang nasanay na ako na dapat nasa tabi mo lang ako. Dapat iinisin kita para makalimutan mo iyong lungkot. And that made me realized na ginagawa ko ang lahat para mapasaya ka dahil hindi na laro ang lahat.
I've been so selfish but this time ako naman ang dapat mag-isip nang nakabubuti sayo. Kasi mula nung umpisa ikaw na ang nagsakripisyo. Ikaw na ang lubos na nagmahal, ikaw na ang nagbigay. This is the time na ako naman ang maging selfless dahil you deserve nothing but a total happiness. And I can't give it to you. You deserve someone not only better than I am but the best.
I love you. I may let you go, it may break you, but that is my way of loving you. Painfull but atleast in the end, you'll end up smiling.

BINABASA MO ANG
One Step Farther
Cerita PendekIt's hard for you to move on but it's harder for me to let you go. Sa bawat kwentong natapos Sa bawat relasyong nasayang Dalawang istorya ang dapat malaman. Dalawang tao ang dapat pakinggan.