3rd Year: Fallen Hope

13 1 0
                                    

***
Pinakawalan kita
Hindi dahil hindi kita mahal.
Pinakawalan kita
Dahil may magmamahal sa'yo nang mas matagal.
***

Akala ko may pag-asa pa. Pero heto na naman sya.

Sa pagpapagamot ko dito sa America, we tried different medication para matanggal ang cancer cell sa katawan ko. Nabuhayan kami ng pag-asa dahil lumiliit nga ito hanggang sa mawala na nang tuluyan. Pero after nang ilang buwan, bumalik na naman. Mas mabilis lumaki. Mas lumala. Akala ko makikita na ulit kita. Akala ko magkakaroon ulit ako ng isa pang chance na makasama ka. Akala ko makakabawi na ako sa mga pasakit na gawa ko. Pero bakit ba sa tuwing nakakakita ako ng pag-asa para sa atin, sa tuwing akala ko magiging masaya na ako sa piling mo, bakit lagi nalang naaantala? Bakit laging hindi natutuloy?

Madami na nga siguro ako naging kasalanan sayo. Sa dami ay pati ang Diyos ay ang tingin ay hindi talaga ako karapatdapat sayo. Hindi ko sya masisisi, sinaktan kita. Pero sana maintindihan nya din na ginawa ko iyon para sa'yo diba? Mali parin ako?

Madami akong nasaksihan na pagmamahalan sa mga kapwa-ko cancer patient  na nauwi sa pagdudusa nang naiwan. Nasaksihan ko kung paano tumigil ang buhay ng mga kapatid ko kay Nanay para lamang alagaan siya pero sa huli, iniwan din kami ni Nanay. Hindi ko kayang makita na ganon ang kahahantungan mo. Hindi ko kayang masaya akong mamamatay pero iiwan kitang luhaan. Atleast sa paraan na alam ko, pareho tayong masaya sa pagkawala ko. Sana ngayong tatlong taon na ang nakalipas, nagawa mo na akong kalimutan. Baka kasi hindi na kayanin ng katawan ko eh. Diba sabi ko hihintayin muna kitang magmove on saka ako bibigay? Sana, mapanghawakan ko iyon. Iyon man lang matupad ko.

One Step FartherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon