I Wish

38 7 2
                                    

Umalis ako sa lugar na iyon na pinagtitinginan ng tao. Hindi ko alam na madaming tao ang nakasaksi sa usapan namin ni Keith. Well, hindi ko sila masisisi. Minsan lang magkaeksena nang ganon sa lugar namin.

Alas-nuwebe na ako nakauwi sa amin. Tulad nang inaasahan ko, sobrang nag-alala ang mga magulang ko.

"Mae, saan ka ba nagsusuot na bata ka." bungad sa akin ni Mama sabay yapos sa akin. "Nag-alala kami ng Papa mo."

"Tinatawagan ka namin pero hindi ka sumasagot." nag-aalalang sabi ni Papa. Nagulat pa ako dahil nandito na agad si Papa. Usually kasi ay nag OOT ito sa trabaho dahil madami itong tinatapos na accounts ng kliente. Isa kasi itong Auditor ng isang sikat na Auditing firm sa bansa.

"Sorry po. Hindi na po mauulit."  napatungo ako at nagpipigil ng luha. Hanggat maaari, gusto kong wag ipakita sa kanila na hindi ako okay.

"Sweetheart,don't cry." kinuha ni mama ang kamay ko at pinaupo ako sa sofa namin. Sumunod naman si Papa at umupo sa tabi ko.

"Hindi kami galit. First time mong malate ng uwi kaya nag-alala lang kami sa iyo. Alam ko na may reason ka bakit ka ginabi. May tiwala kami sayo."

Dahil sa huling sinabi ni Mama ay hindi ko na napigilan ang maiyak. 'Mula pa nung una, mula pa nung simula sila lang ang nagtiwala sa akin ng ganito.'

"I went home immediately after receiving a call from your Mom. Kinabahan ako. Baka kasi kung ano na ang nangyari sayo kasi hindi mo naman nga ugali ang magpagabi. We will not force you to explain your side but remember, we are always here to listen." Papa kissed my forehead after saying those words to me.

Mama hugged me so do my Papa. 

"I-I w-want to t-transfer Pa. Somewhere far from here."

Unlike from what I've expected, natahimik lang sila dahil sa sinabi ko. Habang pauwi ako, pinag-isipan ko ito nangmabuti. And I think this is the best way to do.

"Wala akong kaibigan sa Crensaw. Walang pumapansin sa akin. Pagod na po akong maging kawawa.  Pagod na po akong makisama sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang lumayo sa akin na para bang may nakakahawa akong sakit. Pagod na po akong magkunwari na wala akong nararamdaman. Na hindi ako nasasaktan kahit na durog na durog na ang puso at pagkatao ko. "

"Alam namin."malungkot na  sabi ni Papa na ikinagulat ko.

"Kinausap kami ng adviser mo na guadance counselor ng school mo. Napansin niya na hindi kamasyadong nakikihalubilo sa mga kaklase mo. Madalas ka daw mag-isa sa room ninyo." nag-aalalang sabi ni Mama

I remembered, minsan na akong kinausap ni Mrs. Caeg about nga sa  interpersonal relationship ko with my other classmates. Ginawa ko naman ang mga payo niya pero tulad ng sabi ko, they still pushed me away.

"We give extra attention to you para maramdaman mo na hindi ka mag-isa. Pero mali ata dahil baka inisip mo na sapat na kami ng Papa mo kaya hindi ka na nakikipagkaibigan." hinahagod ni mama ang buhok ko habang sinasabi niya iyon.

"Ma, sino ba naman ang ayaw magkaroon ng kaibigan. I tried pero wala parin eh." pinahid ko ang luha ko at tumingin sa kanilang dalawa. "Ma. Pa. Wala kayong kasalanan. You nurtured me with love and affection and gave me all you attention. I don't see anything bad about you being my parents. If there's someone to blame, it should be me."

Niyakap nila akong muli. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila, ang pag-alala at ang pagkalinga. Are they the persons who should be blamed? Wala silang ibang ginawa kundi ang mahalin ako at iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa.

"Walang mali sayo anak. Sila ang hindi nakakakita nang kabaitan mo." si Mama naman ang humalik sa forehead ko.

"Bukas na bukas. Aasikasuhin natin ang papers mo. Lilipad tayo papuntang US." napangiti ako sa sinabi ni Papa. I'm very blessed cause I have them. I have nothing to wish for but a happy life with them.

☆・゜・。・゜。・。・゜★・。・。☆・。・・。★・゜・。・゜。・。・゜★

Isang kotse ang bumaligtad matapos sumalpok sa Concrete Barrier sa Quezon City. Ang dahilan, nawalan ng preno ang sasakyan.

Alas nuwebe ng umaga kahapon, kita sa CCTV ang mabilis na pagarangkada ng isang Honda Jazz sa kahabaan ng Quezon City Highway. Lulan ng kotse ang si Joselito Maalihan at ang mag-ina nito na si Maristella Maalihan at Veronica Mae Maalihan.

Ayon sa imbistigasyon ng QCPD at HPG, ang dahilan nang pagkakasalpok nito ay ang pagkawala ng preno nito. Tinitingnan ang anggulo na may foul play sa aksidente dahil malinis ang pagkakaputol ng brake ng sasakyan.Kilala si Joselito bilang isang auditor sa SGV.

Dahil sa malagim na insidente na kinaharap ng pamilya, dead on the spot ang mag-asawang Joselito at Maristella habang ang nag-iisang anak ng dalawa ay itinakbo sa hospital at wala paring malay hanggang ngayon.

☆・゜・。・゜。・。・゜★・。・。☆・。・・。★・゜・。・゜。・。・゜★
Maalihan Car accident Case, natuldukan na!

Matapos ang masusing pagiimbistiga, natukoy na nang QCPD ang salarin sa pagkamatay nang mag-asawang Joselito at Maristella Maalihan na nasangkot sa isang car accident Julyo 25 ngayong taon.

Si Mark Chua,  ang tinuturong suspek ng isang babae na nagngangalang Susan Martines na siyang pangunahing witness sa kaso. Napag-alamang sekritarya si Martines ni Chua na isang Chinese Businessman. Di umano ay nakita nito mismo ang pagbabayad mismo ni Chua sa isang lalaki upang isagawa pagpatay sa pamilya ni Maalihan.

Kakaharapin ni Chua ang kasong murder with multiple homicide, habang pinaghahanap parin ang lalaking inutusan nito.

Inilibing ang mag-asawa noong Julyo 30 habang ang nag-iisang nakaigtas sa pamilya na si Veronica Mae ay comatose parin hanggang ngayon.

☆・゜・。・゜。・。・゜★・。・。☆・。・・。★・゜・。・゜。・。・゜★

One Step FartherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon