☆・゜★・。・。☆・。・・。★。・゜★
Una akong nasaktan
Ngunit una mo akong pinalitan
Gusto kitang makitang nagdurusa
Ngunit bakit sa salamin ko iyon nakikita?☆・゜★・。・。☆・。・・。★・゜★
Nandoon ako nung tinanggap mo ang diploma mo. Nandoon ako nung niyakap ka ng pamilya mo pagkababa mo sa stage. Nakita ko kung gaano ka kasaya dahil unti-unti mo nang natutupad ang mga pangarap mo sa pamilya mo. At nakita ko iyong halik mo sa bago mong girlfiend. AT HINDI MO nakita kung gaano ako nasaktan.
Lahat ng tungkol sa'yo updated ako. Lahat ng pangyayari sa buhay mo, nakikita ko.Lahat ng nararamdaman mo, nararamdaman ko din. Pero kahit anong mangyari sakin, nananatili kang walang pake.
Ang daya mo lang. Ako na nga ang iniwan. Ako na ang nasasaktan. Ako na ang kawawa. Ikaw parin ang unang sumaya.Bakit hindi mo muna ako hinintay na makalimot. Bakit ngayon pa na hindi ko pa kaya.Tama na noh. Parang awa mo na. Tama na.

BINABASA MO ANG
One Step Farther
Short StoryIt's hard for you to move on but it's harder for me to let you go. Sa bawat kwentong natapos Sa bawat relasyong nasayang Dalawang istorya ang dapat malaman. Dalawang tao ang dapat pakinggan.