***
Palihim kitang pinagmamasadan
Palihim kitang sinusundan.
Palihim kitang sinusulyapan.
Palihim din kitang minamahal.
***Madalas akong mag-isip kung ano ba ang pwedeng mangyari sa akin sa hinaharap.
Gagraduate ako. Magtatayo ng negosyo. Magpapayaman. Magkakasakal. Mag-aanak. Mamamatay.Yan ang naiisip kong sequences sa buhay ko. Di ko naisip na pagkagraduate ko, mamamatay na agad ako. Kaya ito nagkagulo lahat.
Gusto ko pa sanang matupad iyong Italian Resto na pinapangarap ko. Gusto ko pa sanang makahawak ng limpak limpak na pera na mula sa sariling sikap ko. Gusto kong maipagmalaki ako nina Mama at Papa sa mga kaibigan nya para naman masabing worth it ang pag ampon nila sa akin. Pero ngayon, anong ipagmamalaki ko? Itong kalbo ko nang buhok? Itong nangangayayat kong katawan? Itong mga kung ano anong aparatus sa katawan ko? Itong sakit ko?
Gusto kong magkaroon ng pamilya, iyong akin. Anak na sa akin mismo galing. Asawa na ako ang tanging titingnan. Aalagaan ko sila na parang isang kayamanan. Ang sabi ko sa sarili ko, hindi ako gagaya sa mga magulang ko. Ikaw na iyon eh. You're the perfect person for that position pero ano itong ginawa ko. I made you cry. I broke your heart. I'm an as98ole.
Isang taon ko nang tinatanong ang sarili ko kung tama ba ang naging desisyon ko. Tama ba na palayain kita dahil sa sakit ko? Tama pa ba kung sobra kang nasasaktan? Tama pa ba kung araw-araw kang walang buhay.
Since day one, I'm watching you at far. Nakita ko kung gaano ka nasasaktan, kung gaano ka nagdudusa. Doble iyong nararamdaman kong sakit dahil alam kong ako ang dahilan ng mga luha mo, nang sakit na nararamdaman mo.
Andoon ako sa mga sandali na akala mo nag-iisa ka lang tapos isisigaw mo na sana hindi mo nalang ako nakilala. I was whispering the same. Dahil kung hindi mo ako nakilala, siguro nga mas masaya ka at hindi mo nararamdaman ito.
Andoon ako nung pumupunta ka sa mga lugar na pinupuntahan natin nung tayo pa. Actually, araw-araw akong nagpupunta sa mga lugar na iyon hanggang ngayon. Kahit na galing pa ako sa treatment ko. Kahit halos hindi ako makahinga sa sakit ng katawan ko. Iyon lang kasi ang meron ako, ang mga alaala natin.
Andoon ako nung naiinis ka sa isang lalaki. Galit ako sa lalaking iyon dahil siya ang kasama mo na dapat ako. One time nasuntok nya ako dahil pinagbawalan ko syang lumapit sayo. I was, and still jealous with him. Dahil kaya ka nyang ipaglaban. I saw same eyes like yours in him. Iyong tingin mo kapag tumitingin ka sa akin. I want to look at you that way again but I don't have a chance.
Nakita kita nung graduation ko. Hindi mo alam kung pansin mo pero palihim kitang tinitingnan noon. Gusto kong ipaalam sayo na you're part of my achievement. Kasama kitang nakuha iyon. At nandoon din ako nung umiiyak ka after mong makita ang paghalik ko kay Alex. It's my intension to do that right in your eyes so it will be easy for you to forget me. Hindi mo lang alam, nasampal niya ako nung umuwi kami, kahit na alam nya ang tungkol sa sakit ko. I deserve it. I deserve all the pain. I deserve death. After all, I made the girl I love miserable, I made you miserable.

BINABASA MO ANG
One Step Farther
Cerita PendekIt's hard for you to move on but it's harder for me to let you go. Sa bawat kwentong natapos Sa bawat relasyong nasayang Dalawang istorya ang dapat malaman. Dalawang tao ang dapat pakinggan.