2nd Year: Fear

11 1 0
                                    

***
Masakit na makita kang malungkot.
Pero isipin mo na na isa akong bangungot.
Kesa paasahin kita sa panaginip
Na sa huli ay doble ang magiging sakit.
***

May mas duduwag pa ba sa taong takot ipaglaban ang babaeng kanyang minamahal? Dahil sa tingin ko, wala na. Pero mas gugustuhin ko pang maging duwag kesa ipaglaban kita ngayon pero sa bandang huli iiwan din naman kitang mag isa. Kesa sayangin mo ang buhay mo sa isang taong mamamatay din. Kesa alagaan mo ang taong walang kasiguraduhan kung buhay pa ba pagising mo. Tanggap ko na. Mamamatay na ako. At natatakot ako. Alam ko naman na doon din tayo lahat magtatapos. Pero kapag iyong kamatayan na mismo ang nagpakilala sayo, kapag di-metro na ang bilang ng araw mo sa mundo, kapag alam mo na kung kailan ka mamamatay, wala ka nang ibang maiisip kundi takot. Takot na iwan mo ang mga taong mahal mo sa buhay na malungkot. Takot na kapag tumulog ka, baka hindi ka na magising. Takot na kapag pumukit ka baka hindi ka na makamulat. Pero ang pinakakinatatakutan ko, baka mawala ako tapos hindi ka pa handa. Baka mawala akong walang mag-aalaga sayo. Baka mawala akong nagmomove on ka pa rin. Hanggat kaya ko, hihintayin ko iyong panahon na wala na ako dyan sa puso mo, iyong panahon na may katabi ka na para mag-alaga sayo. Para kahit papaano, tiwala ako na masaya ka kahit wala na ako.

This is the second year. Nandito kami ngayon sa America to lengthen my life. Lenghten lang dahil alam kong wala nang cure.

Nawala na si Nanay last month. Ayaw nyang bumitaw pero di na kaya ng katawan nya. Natakot ako at lalo na sina Mama. Maghahanap kami ng paraan, pero natatakot ako sa pwedeng mangyari.

Your memory is still in my heart. Sana you don't feel the same way. Sana kahit papaano, you're moving on. Dahil masakit makulong sa pagmamahal na ikaw nalang ang kumakapit. Mahirap hawakan ang pagmamahal na unti-unting naglalaho. Mahirap magmahal kung wala ka nang kasiguraduhan at wala nang kahahantungan. Sana talaga. Masaya ka na.

You're a brave girl. Saksi ako sa hirap napinagdaanan mo. Nakita ko kung paano ka muling ngumiti after mamatay ng mga magulang mo. Nakita ko kung paano ka nakisama sa mga kamag-anak mo kahit na ipinagtatabuyan ka nila. Nakita kita kung paano ka nagsikap para makapasok sa kolehiyo. Hindi ka tumanggap nang ano mang tulong kahit sa amin dahil sabi mo, kaya mo nang tumayo mag-isa. Kaya alam ko kakayanin mo na kalimutan ako. Kaya mo.

Pero bakit nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko na kaya mo ngang gawin yun?

One Step FartherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon