Memories

31 5 0
                                    

☆・☆・゜★・。・。☆・。・・。★・゜★

Ala-ala ng kahapo'y
Gusto ko nang kalimutan
Ngunit sa panaginip ko'y
Ikaw lagi ang nilalaman.

☆・。・゜★・。・。☆・。・・。★・゜★

Nanaginip ako at ikaw ang laman non. Hanggang sa panaginip hindi mo ako tantanan. Ang galing mo din no. Kita mo nang nag-momove on ako pero kahit saan sinusundan ako ng presensya mo.

Nakita ako ni Janice na umiiyak.  Akala ko aaluhin niya ako. Akala ko dadamayan niya ako. Akala ko tutulungan niya akong kalimutan ka. Sya ang nag-iisang kaibigan ko pero ang totoo pala, nilapitan niya ako dahil gusto ka nya.. Akala ko iba sya pero hindi pala.

Masaya sya dahil nalaman niya na hiwalay na tayo. Ang sabi niya mabuti nalang daw at natauhan ka.Hindi ka daw nababagay sa isang katulad ko. Boring. Wierdo. Ang malas mo daw dahil ako ang naging girlfriend mo.

Alam mo ba kung ano sinabi ko? Ang sabi ko,paano naman niya nasabi na malas ka eh ang swerte mo nga. Dahil madaming nagmamahal sayo. Samantalang ako kailangan ko pang manlimos para mahalin ako. Ang swerte mo kasi kumpleto ang pamilya mo. Samantalang ako pinagpapasa-pasahan lang ng ibang kaanak ko. Ang swerte mo kasi nakukuha mo ang lahat ng gusto mo sa isang kumpas lang ng mga kamay mo. Samantalang ako kailangan ko pang magtrabaho at magsikap para makuha ang lahat ng meron ako. Ang swerte mo dahil minahal kita nang sobra-sobra. Kahit nga ang sarili ko, hindi ko minahal nang ganito.

Naging swerte lang ako nung makilala kita. Nung minahal kita.

Pero tulad nang kahit ano mang swerte.
Minsan na nga lang dumating , hindi na nga nagtatagal, hindi pa panghabang buhay.

Mahirap talaga ang makalimot. Lalo na kung ang gusto mong kalimutan ay ang bagay na gusto mo laging maalala. Aaminin ko, hindi pa talaga ako nakakaalis sa lugar kung saan mo ako iniwan isang buwan na ang nakakaraan. Para akong nasa isang kumunoy, hindi na nga makaalis, unti-unti pang lumulubog. Unti- unting namamatay. Nahihirapan akong umalis. Nahihirapan akong makabangon. Sana man lang tulungan mo akong makaalis. Sana man lang tinulungan mo akong makalimot. Masakit na kasi talaga.

One Step FartherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon