Stage 4: Depression

22 4 2
                                        


☆・゜★・。・。☆・。・・。★。・゜★

Akala ko kaya ko
Pero hindi pa pala.
Akala ko tanggap ko na
Pero ang sakit - sakit parin talaga.

☆・゜★・。・。☆・。・・。★・★

Ilang buwan na ba ang nakaraan? Hindi ko na nabilang.
Sino bang niloko ko.
6 Months, 2 Days and 32 minutes na tayong hiwalay.

Ilang buwan kong pinilit ang sarili ko na wag tingnan ang wall mo fb. Ilang ulit kong pinigilan ang sarili ko na basahin ang mga messages mo sa phone ko. Pinilit kong wag kang isipin. Pinilit kong wag kang ma-miss. Pero nung nakita ulit kita kanina pagkalipas ng ilang buwan, bumalik ulit iyong pagmamahal ko sayo. Bumalik pati iyong sakit.

Ayos na sa akin na hindi ka makita eh. Pero bakit ka ulit nagpakita. Bakit hindi ka nalang nagtago. Bakit dumaan ka sa mismong harap ko pa? Ni hindi ka lumingon. Bakit patuloy mong pinamumukha sakin na wala na ako para sayo.

I'm trying to forget you but why am I still on pain?

One Step FartherMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon